TGL Part 9

20 3 1
                                    

(Author's POV)

"Mr.Wolf?" Nambilog ang mga mata ni Kenna nang makita niya ang tinatawag niyang Mr.Wolf na nasa loob ng kanilang silid.

"Bakit nandito ka?" Umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Kenna ang lalaki saka nginitian lamang ito.

"Uy Mr.Wolf, bakit nga? May kailangan ka?" Ngumisi lang ang lalaki at hindi sinagot ang tanong nito. Patuloy lang sa pagkulit si Kenna nang biglang dumating si Lori at mabilis na naglakad palapit sakanila.

"Hoy! Umalis ka nga sa upuan ko!" Naagaw ang atensyon ng lahat sa ginawang pagsigaw ni Lori at napatigil naman ang dalawa saka binaling ang tingin sakanya.

Hinila patayo ni Lori ang lalaki saka na umupo sa kanyang upuan. Hindi naman niya pagmamay-ari ang upuan pero kung umasta siya ay parang kanya ito.

Si Luna naman na busy sa pakikipagchat sa kanyang boyfriend ay napatitig sa tatlo. Papalit palit ang tingin niya sa mga ito at tila wala siyang kaalam-alam sa nangyayari. Ilang sandali pa ay dumating na ang kanilang panot na Math teacher na laging mainitin ang ulo.
Ang lahat ay nagsi-upo na sa kani-kanilang silya maliban sa lalaking nakatayo sa harapan nina Kenna at Lori.

"Mr.Smith bakit nakatayo ka pa?" tanong ng guro sakanila. Nagsimula ng magbulung-bulungan ang lahat dahil sa tanong ni Mr.Alcazaren na mas kilala sa tawag na Sir Panot.

Anong ibig sabihin ni Sir?

Ibig bang sabihin magiging kaklase natin si Brayden?

Waah! Kinikilig ako! Sa wakas magiging kaklase na natin siya.

Sigurado kaya kayong tama ang hinala niyo na nagpalipat siya dito?

Natahimik ang lahat ng biglang binagsak ng guro ang kanyang hawak na libro sa mesa.

"Umagang-umaga naglalabas kayo ng pollution sa loob ng silid!" Ibinaling ng matanda ang tingin niya sa lalaking nakatayo hanggang ngayon.

Tumayo si Luna saka doon na lamang pinaupo ang lalaki at lumipat naman siya sa bandang likuran ni Kenna. Nagtataka si Kenna kung bakit sa tabi niya pinaupo ang lalaki. Lumingon si Kenna kay Luna at bumubulong pero kinindatan lang siya nito.

(Darlene's POV)

Ano bang meron at lumilipat sa section namin lahat ng mga sikat sa section B? Tapos pinagitna pa nila ako?
Habang nagdidiscuss si Sir Panot , kinukulit ko si Mr.Wolf na sabihin sakin ang dahilan kung bakit lumipat siya dito kung kailan palapit nalang ang sembreak.

Pero napaisip ako, kaklase ko na siya ngayon kaya malalaman ko na ang pangalan niya. Oo, matagal na kaming nagkakasama pero sa tuwing itatanong ko ang pangalan niya ay ayaw niyang sabihin. Hindi ko alam kung anong meron sa pangalan niya at bakit ayaw niyang sabihin pero 'yung iba mukhang alam naman nila ang pangalan niya dahil sikat siya pero kumpara sa kasikatan ni Lori pumapangalawa lang siya.

Nang uwian na sasabay sana sakin si Luna pero biglang tumawag sakanya ang boyfriend niya at magkikita daw sila kaya nauna na siyang umalis sakin.

"Miss Panda/Kenna" sabay na tawag nina Mr.Wolf at Lori nang palabas na ako sa silid. Nilingon ko silang dalawa at nagtanong kung bakit.

"Sabay na tayo" Sabay ulit nilang sabi. Hahaha. Wala akong nagawa kundi tumawa lang. Balak ba nilang sumaling dalawa sa singing contest at magka-duet sila? Masubukan nga ulit.

"Ayoko" sagot ko at lali akong humalakhak nang sabay silang sumagot ng "Bakit naman?!"
Sa totoo lang nakatingin na samin ang mga kaklase namin kaya hinila ko na silang dalawa palabas.

The Game of Love(OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon