TGL part 6

30 3 4
                                    

I'm Lori Jade Stafford, Darlene Kenna Song's boyfriend.

HUWAAAAH! Di pa rin ako makaget over sa sinabi niya.

Ano na naman bang kabaliwan 'to? Saka boyfriend? Siya? Nahihibang na ba talaga siya?

Habang naglalakad kaming dalawa papunta sa auditorium, nakatunganga lang ako at inaalalayan niya ako.

Wala ako sa sarili ko, feeling ko lumilipad ako papunta sa impyerno.

Nasaan na ba si Mr.Wolf? Siguradong kalat na yung nangyari kanina sa labas ng cafeteria.

Boyfriend ko siya? Bakit di man lang ako sumagot?

Tanga tanga mo Darlene! Kapag gusto mo yang dila mo sobrang haba.

Magkatabi kami ng upuan ngayon, nasa pinakaharapan kami.

Parang ayoko ng matawag yung pangalan ko dahil sigurado pagbubulungan na naman nila ako.

Nagsimula ng mag-announce ng mga winners.

Natawag na rin ang pangalan ni Ride, at siya ang nakakuha ng 1st place sa photo journalism at 3rd place naman siya sa cartooning.

Okay! Now let's announce the 3rd placer in Copy reading and head lining.

Biglang bumilis yung heartbeat ko. Feeling ko parang tumatakbo ang isang milyong kabayo tapos sobrang lamig ng kamay ko.

Bakit ako nagkakaganito? Anong nangyayari sakin?

"Kenna. Kenna. Tumayo kana"

Tumingin ako kay Ride at nakangiti siya sakin.

"Bakit ako tatayo?"

"First place ka" Ha? Diba third place palang yung inaannounce? Niloloko ba ako nito?

Tumingin ako sa gawing kaliwa ng stage at nakita ko si Mr.Wolf na nakatayo at may hawak na certificate saka niya ako tinatawag.

"Darlene Kenna Song" Agad akong tumayo ng tinawag ulit ni Sir Ariel ang pangalan ko.

Kaunti lang mga naririnig kong nagpapalakpakan at mas marami pa ang mga nagbubulungan.

Feeling ko namumula na ako sa hiya dahil sa ginagawa ngayon ni Ride. Nakatayo siya saka pumapalakpak ng malakas at sinisigaw niya na "Girlfriend ko yan! Girlfriend ko yan!"

Pakyu ka sakin Ride pagkababa ko dito! Mas lalo mo lang akong pinapahiya.

Pagkabigay ng certificate sakin. Pinapunta nila sina Mr.Wolf at yung 3rd placer sa gitna para sa picture taking.

Nagulat ako nang bigla akong inakbayan ni Mr.Wolf.

Huwaaah! Ano kayang kalalabasan nung picture niyan? Di man lang ako nakapagready.

Bumaba na kami saka na ako umupo sa tabi ni Ride. Napansin kong ang sama ng tingin niya sakin.

"Napano ka? Parang kakainin mo ako ha?"

"Bakit hinayaan mong akbayan ka nung asungot na yun? Dapat ako lang pwedeng umakbay sayo." Natawa ako sa expression niya. Para siyang bata na nagtatampo.

Pero wait Darlene! Di mo pa rin dapat tanggap yung pinagsasabi ng kumag na 'to! Anong girlfriend ka niya at boyfriend mo siya? Ha? Ha?

Binatukan ko siya ng malakas at napaaray naman siya sa ginawa ko.

Now let's call the 3rd placer in Feature Writing.

Hala? Kami na naman agad?!

Parang ayoko ng umakyat sa stage. Baka magsisigaw na naman 'tong lalaking 'to.

The Game of Love(OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon