Himala at maaga akong nagising ngayon kahit na madaling araw nalang ako natulog. Kadalasan kasi kapag late akong natutulog tinatanghali ako ng gising.
Pero pagkamulat ko palang sa mata ko para bang kinakabahan ako. Hindi ko maintindihan kung ano yung nararamdaman ko ngayon, di ko talaga maipaliwanag. Ayokong bumangon at ayokong pumasok, yun lang ang nasa isip ko.
Pupunta na sana ako sa CR para maligo nang biglang tumunog ang phone ko.
"Wadapak!" Ito na siguro ang dahilan kung bakit ako kinakabahan at kung bakit di ko maipalawanag ang nararamdaman ko nang magising ako.
20 unread messages and 12 missed calls galing kay Ride. Di naman siya OA diba? Pagkabasa ko sa mga text niya ay agad akong kumaripas papuntang CR para maligo at hindi na nag-abalang magreply pa sakanya.
-----
"Kanina pa ako naghihintay sa labas ng bahay niyo ah." Hindi ko alam kung anong meron sa lalaki na 'to. Napakaaga pa naman para pumasok tapos ang aga niyang nanggugulo dito sa bahay ko. Hustisya naman oh."Malay ko ba diba? Eh ano--kasi hmm kakagising ko lang halos"
"Kakagising mo lang halos pero naligo kana? Kumain kana ba? Nagtoothbrush? Nag-poo poo?" Pati ba naman yung mga yun kailangan niyang pakialaman? Ang OA na talaga ha, di na nakakatuwa.
"Paki mo ba? Saka bakit ka ba nandito? Sino nagsabi sayong pwede mo akong sunduin ha?"
"Wala naman. Gusto ko lang magbreakfast sanang kasama ka"
Pagkatapos namin magbreakfast sa bahay ay dumiretso na kami papuntang school. Buti naman at wala pang masyadong tao kung hindi maririnig ko na naman ang mga bulung bulungan dahil kasama ko ang lalaking ito. Hindi ko alam kung anong meron dito at napakasikat niya, kung bakit gusto siya ng nakararami. Bakit ako kahit kaunti lang di man ako naakit sakanya? Sabihin na nating gwapo siya pero wala talaga siyang charisma sakin eh.
Buti pa itong lalaking papalapit ngayon sa amin.
"Hey miss panda" Yan ang lalaking nagpapatibok ng puso ko tuwing nakikita ko siya. Aba ang oa ha. Pero totoo naman, inaamin ko sa sarili ko na may pagtingin ako sakanya. Hindi ko din alam kung kailan nagsimula 'to eh. Pero ayoko ng lumalim pa kasi nga may girlfriend na yung tao at magkaibigan lang talaga ang turingan namin.
Pero kung sagad sa buto ang pagka-assumera ko, dun palang sa sinabi niya kahapon iisipin ko na talaga na may gusto siya sa akin. Saka tuwing kailangan ko siya nandyan siya sa tabi ko. Knight in shining armor lang kumbaga with sparks pa."Miss panda , do you mind if sasabay akong maglunch sayo?" Sasagot palang ako ng oo naman kahit date pa yan pwedeng pwede basta ikaw nang biglang sumingit ang panira sa lahat.
"Nakikita mong kasama niya ang bf niya tapos magtatanong ka ng ganyan?" Nakita kong nangisi si Mr.Wolf sa sinabi ni Ride.
"Sa pagkakaalam ko wala pa siyang bf , tama ba ako Miss Panda?" Napatingin ako kay Mr.Wolf saka tumango tango ako dahil yun naman ang totoo. Si Ride lang naman nag-iisip na girlfriend niya ako. Hindi pa nga siya nanliligaw sakin eh at kahit na manligaw siya wala akong balak na makipagrelasyon sa kagaya niya. Baka araw araw niya akong irape kapag galit siya at lagi akong makakatanggap ng death threats dahil sa mga masusugid na tagahanga niya.
"K-kenna. I'm your boyfriend at bakit mo yun ipinagkakaila sakanya?" I just shrugged saka na naglakad palayo sakanila. Pero bago pa man ako tuluyang makalayo narinig kong sumigaw si Mr.Wolf.
"Miss Panda! Pupuntahan kita mamaya" Gusto kong kiligin ng bonggang bongga. Kung wala lang siyang girlfriend kakapit ako lagi sakanya na parang tuko.
BINABASA MO ANG
The Game of Love(OnGoing)
Fanfic“The game wherein everyone wins“ It`s easy to make someone fall and it`s easy to fool someone. The butterflies, first kisses,first hugs everything was exciting & fun. But is it happy to play someone`s feelings? What will you get then?