TGL part 5

34 1 0
                                    

“Ignoring someone's presence makes him/her feel worthless.“

Nakatulala na parang tanga. Yan ako ngayon. Di pa rin ako makapaniwala na ginawa yun sakin ni Ride.

Di ko siya maintindihan, ginagawa niyang madrama yung story. Ginugulo niya isip ko, dapat sobrang naiinis ako sakanya ngayon pero bakit naawa ako bigla?

“Kenna, can't you see me? W-why you keep on ignoring my presence?“

Am I? Bakit di ko alam? Pinapansin ko naman siya diba? O iba ibig niyang sabihin?

HUWAAAH! Nakakainis ka Lori Jade Stafford!

I'm sick of it! Mas gusto ko pa yung buhay ko nung wala siya! Para bang tinatali niya ako.

------------

Lori's POV

Nasan na naman si Kenna? Nasa rooftop na naman kaya? Kasama na naman kaya niya yung lalaking yon?

Sana hindi. Sana hindi totoong nagdedate na sila.

FLASHBACK

Kanina pa ako hanap ng hanap kay Kenna, susundan ko sana siya kaso hinayaan ko nalang muna. Alam ko na di niya ako kakausapin after nung ginawa ko.

Shit ka kasi Lori! Kanina ko pa pinagsasabunot buhok ko sa inis. Bakit ko ba kasi sinabi mga yun? Mas lalo tuloy akong nawalan ng chance na magustuhan niya.

Naman eh. Di na ako nadala.

Pero nasaan na ba siya? Isang subject na yung naskip namin. Last subject na lang niyan pero di pa rin siya bumabalik sa classroom.

Ah! Rooftop!

Yun nalang pala yung hindi ko napupuntahan.

Nandito ako ngayon sa hagdan. Nakalock yung pintuan eh.

Baka bigla nalang niyang maisipan na tumalon sa building! Di pwede!

“Excuse me bata. Anong ginagawa mo dyan?“ Tanong nung isa sa mga maintenance.

“Nakatayo po, di po ba halata? Saka manong pahiram ng susi. Nakalock eh, nandito yung girlfriend ko baka magsuicide“ Hahaha girlfriend daw? Kinikilig ako!

Hoy di ako bakla. Pati kaming mga lalaki kinikilig din, di lang talaga  kami showy hindi tulad ng mga babae.

“Manong. Thank you“ I smiled. “Saka di po pala ako bata. Binata na ako“ I added.

Bubuksan ko na sana pero nakarinig ako bigla ng boses ng isang lalaki.

May kasama ba siya?

Nagstay muna akong nakatayo habang pinakikinggan ko silang  nagkukwentuhan.

Mukhang masaya si Kenna, ngayon ko lang siya narinig tumawa ulit ng ganon.

“Tss. Naiinis kaya ako sakanya. Ewan ko ba dun parang buntot. Sarap itapon sa kalawakan. Nakakastress. Saka duhh! Ang landi kaya niya, he's not my type. Wala siya ni isa sa mga standards ko sa isang guy“

Ganun ba talaga siya kainis sakin? Tama ba na nakikinig ako?

Magsesenti na niyan ako eh.

“Papakasalan nalang kita para di ka mastress, tara na.“ KAPAL NUNG LALAKING YUN AH!

Di ko alam bakit bigla kong binuksan yung pintuan. Pagkabukas ko naman , nasa harapan ko na silang dalawa.

Tinitigan ko si Kenna,  natutuyo yung lalamunan ko. Kanina pa kasi ako di umiinom eh. Hahaha

The Game of Love(OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon