Chapter 4

3.7K 143 3
                                    

Wala ng magawa pa si Den nang makita niya si Alyssa na papasok na sa kanyang kotse, sumunod na siya dito habang buhat niya pa rin ang natutulog na si Avery

Nang makapasok siya sa loob ng sasakyan walang nagsasalita, doon siya pumwesto sa kabilang dulo ng kotse.

Nakatanaw lamang siya sa labas habang binabagtas ang daan papunta sa kanilang destinasyon

Paminsan minsan tinatatapik niya sa likod ang kanyang kapatid kapag nararamdaman niyang gumagalaw ito

Mas gusto nuya kasing matulog na lamang ito kesa umiyak ng umiyak pag siya ay gising

Nahihirapan siyang makita na ganoin ang kapatid niya, masyado pa kasi iting bata para maramdaman ang kauna unahan nitong heart break

Akala ni Denden matatagalan pa bago niya makita na basag ang puso ng kanyang kapatid pero di niya inasahang sa ganitong paraan pala... sa pagkamatay pa ng kanilang pinakamamahal na mama

Si Dennise man ay nasasaktan sa pagkawala ng kanilang mama pero kailangan niyang maging matatag para sa kanyang kapatid. Para sa ikapapanatag ng kalooban ng mayapa nilang ina

Baby ng mama nila si Avery kaya nakakatiyak si Den na hindi magugustuhan ng mama nila kung papabayaan niya ang prinsesa nila


Sa gitna ng kanyang pag iisip ay biglang tumikhim si Alyssa at nagsalita

"Bakit sinama mo yang batang yan?" May pagkairita sa tono ng pagsasalita ni Alyssa, kaya mabilis pa sa alas kwatro na napatingin siya dito

Hindi nga sya nagkamali, irritation is written all over Alyssa's beautiful face

"Kapatid ko siya, hindi ko siya pwedeng iwan na lang.." pagdedepensa ni Dennise sa pagdadala niya sa kanyang kapatid

"Hindi siya kasama sa kasunduan natin.." iritadong sagot naman sa kanya ni Alyssa

"Nirerespeto ko po kayo pero gaya ng sabi ko di ko pwedeng pabayaan ang kapatid ko...." nagpapakumbabang sabi ni Dennise


"Respect?!" nagtaas na ng boses si Alyssa at tumingin sa gawi kung saan nakaupo si Den

Si Den naman ay halos mapalundag dahil sa pagsigaw ni Alyssa, madali naman niyang nilagay ang mga kamay niya sa tenga ni Ave para hindi nito marinig ang mga sasabihin pa ng kanyang master

"Now you're talking about resect!!!!!! Nirerespesto mo ba ako nung ipinasok mo yang batang yan sa loob ng sasakyan ko ng hindi nagsasabi sa akin?!!!" Sigaw ulit ni Alyssa kay Dennise

Sa takot naman ni Den ay hindi siya nakasagot sa tinuran ni Alyssa bagkus ay pinili na lamang niyang manahimik pero mas mukhang nagalit si Alyssa sa pananahimik ni Dennise

Wala anu anong hinablot niya ang isang kamay ni Den naka takip sa tenga ng kanyang kapatid

"I told you to always answer me!" parang nadedemonyo nitong sgaw kay Dennise, nanlilisik ang mga mata, halos umusok ang ilong sa galit at madiin ang pagkakawahak sa wrist ni Den


"But Master she's all that I've got" mahinang sabi niya habang sinasalubong ang paningin ni Alyssa

Marahas na binitawan ni Alyssa ang pala pulsuhan ni Den at tumingin ulit ng diretso sa kalsada, siya naman ay bumaling na lamang ulit sa bintana at niyakap ng mahigpit ang kanyang kapatid

Wala pang ilang minuto ng may marinig sila nagsalita, isang maliit na boses..

"Hi... di mo po ako gusto?"

Nagitla si Den sa kanyang narinig.. Si Avery yun!

Di niya napansin na gising na pala ito dahil nakabaling ang ulo nito sa gawi ni Alyssa habang siya ay nakadungaw sa bintana

Si Alyssa naman napatingin kay Avery at nakataas ang kilay

"Paano mo naman nasabi bata?" mataray na tanong ni Alyssa sa kapatid ni Den

"Narinig kong sabi mo po.. wag niyo po ilayo sa akin si Ate ko.."

"At bakit ko naman gagawin yun?" mataray pa rin na tanong ni Alyssa kay Avery, habang si Den di na mapakali sa inuupuan niya


"Kasi iiyak po ako..." sabay pout pa ng cute na cute na bata

Napahalakhak naman si Alyssa dahil sa sinabi ni Avery..

"And what will I get in return? Huh little one?" amusement is visible in the lady vampire's voice

"Free massage!" masigla ng sagot sa kanya ni Avery

She chuckled from what she just heard...

"What is your name kid?" naaaliw na sa ni Alyssa

"Avery Lazaro at your service ma'am.." sumaludo pa ito kay Alyssa na para bang ito ang kanyang commander

Madali namang binaba ni Den ang kamay ng kanya kapatid dahil baka maasar nanaman si Alyssa

Although ngayon niya lang ito nakitang tumawa, still uptight pero all in all it's still a laugh from 'The Alyssa Valdez'

"Avery.." she whispered to her sister para di na uli ito magsalita

"Come here kid.." pagtawag ni Alyssa kay Avery

Naging alerto naman si Dennise di magandang ilapit niya ang kapatid sa isang bampira

Agad namang lumapit si Avery kay Alyssa pero si Dennise ay nanatiling nakahawak sa kapatid niya

Napansin naman ni Alyssa ang pagpigil nito kay Avery kaya tinignan niya ng masama si Den isang matalim na tingin

Kaya walang nagawa si Dennise kundi bitawan ang kanyang kapatid. Natakot siya sa tingin na pinupukol ni Alyssa sa kanya

Nang biniitawan ni Dennise si Avery binuhat agad ito ni Alyssa paupo sa kanyang lap

Di inaalis ni Den ang tingin niya sa dalawa.. dahil na rin sa kung anong pwedeng gawin ni Alyssa sa knyang kapatid

"So how old are you?" -Alyssa

"Three.." mabibong sagot ni Avery kay Alyssa habang naka mwestra ang apat niyang daliri

Muling napatawa ulit si Alyssa sa ginawa ng bata, kaya naman siya na mismo ang nag ayos ng mga daliri nito sa tamang bilang

"Yan! that's how you count three princess..." sabi niya ulit kay Avery

Imbes makaramdam ng pagkapahiya si Avery ay natawa na lamang siya sa kanyang pagkakamali

"Hihihi Shorry po..." humahagikgik na sabi ni Avery kay Alyssa

Napangiti na lang si Aly sa ginawa ng bata kaya yumuko siya para isiksik ang mukha niya sa pagitan ng leeg at balikat ni Avery

Nakiliti naman si Avery kaya lalo pa itong tumawa

Habang si Den ay di nagustuhan ang ginawa ni Alyssa, at napahigit siya ng hininga...

'Baka kagatin niya si Ave' nagpapanic na sigaw ng isip ni Den

"Calm down.." seryosong sabi ni Alyssa habang nakasiksik pa rin kay Ave, alam ni Den na sakanya ito sinasabi ni Alyssa


Napatanatag ng konti si Dennise pero hindi lubusan oo nga't nirerespeto niya ang kanyang Master pero hindi niya ito pinagkakatiwalaan

'Vampire's are not someone people should trust' yan ang tumatakbo sa isip ni Dennise

----------------------

A/N: Votes and comments are warmly welcomed! ENJOY!

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon