Pumasok si Dennise sa eskuwelahan na wala sa sarili, naglalakad na tila walang patutunguhan, nakatulala..
Kahit na nga sobrang init sa Pilipinas para kay Dennise hindi niya ito alintana, nakasuot siya ng shades at may nakabalabal sa kanyang scarf
Balot na balot, hanggang sa kanyang leeg. Dahil sa pagka tuliro hindi napapansin ni Den na iba ang pinupukol na paningin sa kanya ng mga schoolmates niya dahil sa kakaiba niyang kasuotan
Simpleng mag aaral lang si Dennise pero para sa kanyang kamag aaral siya ang pinaka magandang babae na nakita nila. Larawan siya ng isang babaeng makinis, maganda at masayahin
Kaya naman bukod sa di nila maintindihan niyang suot nagtataka rin sila kung bakit tila wala na ang dating sigla ng kanyang balat at kinang sa kanyang mga mata
Hindi isang sikreto na siya ay mahirap lamang pero ito na ata ang pinaka malungkot na itsura ni Dennisa simula mangyari ang lahat, pero wala naman sila alam tungkol sa mga nangyayari sa kanya sa mga nakalipas na araw kaya walang nakakaintindi ng pinagdadaanan niya
Isa na rito ang bestfriend niyang si Ella. Nagtataka na siya sa kinikilo ng kanyang kaibigan na si Dennise hindi niya na ito nakikita at nakakausap. Ayon sa mga kaklase ni Dennise pumapasok naman daw ito pero mukhang sadyabg ayaw magpakita sa kanya ng kanyang kaibigan
Sa paglalakad sa hallway ni Ella ay natanaw niya ang babaeng matagal niya ng hinahanap, may kakaiba man siyang fashion statement sa araw na ito nakakasigurado pa rin siyang si Dennise iyon.
"Den! Den! Besh!" pero parang walang itong naririnig kahit naman di ganoon kalayo ang agwat nito sa paglalakad at malakas naman ang pagtawag niya dito
Tumakbo na si Ella para maabutan niya si Dennise..
"Hoy besh!!!" sabay hablot sa braso nito..
"Saan ka ba nag----" naputol ang dapat paglilitanya niya ng makita ang mukha ng kanyang kaibigan, kaya wala salita salita hinatak niya Dennise sa isang room na walang nagkaklase, nilock biya muna ang pinto bago humarap dito
"Den anong nangyari sayo?" nag aalalang tanong ni Ella Dennise pero parang wala pa rin ito narurinig at nakatungo lamang havang nakaupo sa isa sa mga mesa sa loob ng silid
"Uy besh may problema nanaman ba? Si Ave?" lumapit si Ella at hinawakan ang mukha ni Dennise sa dalawa nitong palad, tumingin sa mata na tila naghahanap ng kasagutan kahit na naka shades pa ito
"Hhh---hindi besh, wala akong problema. Okay lang kami ni Ave..." pilit ngumiti ni Dennise para mapagtakpan ang kanyang kalungkutan
Kahit na alam ni Ella na may problema ayaw naman niyang pilitin si Den magsabi dahil alam niya namang magkukusa ito kung kailan siya handa at kung kailan di niya na talaga kaya ihandle ang problema
"Saan na pala kayo nakatira ni Avery ngayon Denden?" pagtatanong ni Ella
"Ddddd-----doon pa rin besh.." pagsisinungaling naman ni Dennise kay Ella sabay iwas ng tingin
Napansin man ito ni Dennise hindi niya na ito binigyan pansin, alam niyang malungkot ang kanyang kaibigan baka dahil sa pagkamatay pa rin ng kanyang mama kaya naman papasayahin niya muna ito
"Soooooooooo... anong sabi niyang malaki mong shades ha Dennise? kulang na lang matakpanyang buong mukha mo hahahahaha" pang aalaska ni Ella kay Dennise sabay hablot sa shades nito at suot sa sarili. Si Dennise naman ay parang nasemento sa ginawa ni Ella
"Grabe naman to besh halos wala na ako makita sa pagkadilim nito ha! Saka ano batong itim dito, para tuloy may grasa ka mukha hahahahaha"
tinanggal ni Ella ang pagkasuot sa kanya ng shades para sana mapunasan niya yung dumi sa shades pero natigilan siya sa nakita niya
Si Dennise na may malaking pasa sa gilid ng kanyang mata, hindi pala dumi yung nakita niya kundi ang pasa ni Den na ngayon ay nangingitim na..
"Dennise!! Anong nangyari sayo??!" naghihisterikal si Ella sa kanyang nakikita
Mabilis siyang lumapit kay Denden at hinakawan ang kamay nito pero agad bumitaw si Dennise na para bang nasaktan
"Bakit? Anong?" at tinignan ni Ella ang wrist ni Den may mga pasa din
"Ano ba talagang nangyayari sayo Dennise?" Pag aalala ni Ella sa kanyang kaibigan
"Wala ito.." mahinang bulong ni Denden kay Ella
Pero sa pagkakataong ito hindi na nakinig si Ella, hindi niya na ito papalagpasin. Hinatak niya ang scarf sa na nakabalabal kay Den base sa kanyang instinct hinatak niya ito. Nakipag hatakan pa si Dennise pero wala itong lakas para lumaban
Nang matanggal niya ang scarf napasinghap siya ng malakas!
"Aaaa---ano yyyy---yan dddd---den??" nahihintakutan niyang tanong kay Dennise
Pero hindi na nagsalita si Denden bagkus humawak siya sa bagay na nasakanyang leeg
Hindi man magsalita si Dennise may ideya na si Ella sa kung ano ang itim na bagay na sakanyang leeg. Walang tao ang may gustong magsuot ng ganun pwera na lamang kung may sapak ito sa utak pero hindi naman baliw si Den.
Nagsukatan sila ng tingin pero wala pang ilang segundo nag iwas na ng tingin si Ella, nasaktan si Dennise sa ginawa nito pero hindi niya pinakita. At mabilis pa sa kidlat na kumaripas ng takbo si Ella palabas ng silid, walang lingon lingon kay Den basta bigla na lamang umalis
Ang sakit na kanina pa tinatago ni Denden ay biglang bumalik, hindi ito maikukumpara sa sakit ng kanyang mga pasa. This is nothing compared to the physical pain, it strike her right into the heart. Kagaya ng pagkamatay ng mama ni Dennise, ganun ang sakit na nararamdaman niya sa mga tingin na ibinato ni Ella sa kanya. Alam niyang kahit di niya sa savihin kay Ella alam nito kung ano ang nasa leeg niya. Masakit ang pagtakbo niya palayo dito, dahil parang katumbas ito ng pagtalikod niya pagkakaigang binuo nila.
Ang akala ni Den na wala na siyang mailuluha ay biglang isa isang nag unahang pumatak. Napaupo na lang siya sa sahig, iyak ng iyak at isiniksik sa kanyang mga braso na nakapatong sa tuhon niya
Sa gitna ng kanyang pag iyak ay di niya na pansing may pumasok, lumuhod ito sa harap niya. Nagulat na lamang siya ng may dalawang mainit na palad ang nag angat ng kanyang mukha
Pinahid nito ang kanyang mga luha..
"Bakit ba umiiyak ka?" The person warmly asked with an unshed tears also in her eyes
Hindi sumagot si Dennise kaya naman inaangat niya ang dala niyang ice bag at nilapat sa pasa nito na nasa tabi ng kanyang mata
"Masakit ba?" the person gently asked
"BESH! Akala ko iniwan mo na ako huhuhu :(" Dennise cried uncontrollably at her friends shoulder
"Pwede ba naman yun e besh kita..." niyakap lang ni Ella ng mahigpit si Dennise at hinayaang umiyak sa balikat niya
"Wag mo na ulit gagawin yun ah..." parang batang sabi ni Dennise ng humarap na siya kay Ella
"Kasi naman ikaw kumuha lang naman ako ng yelo, nag uumiyak ka na agad diyan. Iyakin ka talaga!" nakangiting tukso nito kay Denden
"Basta Els----" pinutol ni Ella ang sasavihin ni Den
"Ssssshhhh.. Kahit di mo sabihin hinding hindi kita iiwanan besh.." at niyakap niya ulit si Den at inalo alo ito dahil humihikbi pa rin ito.
-----------------------
A/N: dahil wala akong pasok today nag update na ako hihihihi :)
Votes and comments are warmly welcomed! ENJOY ;)
BINABASA MO ANG
Slave For You
FanfictionIn a world where humans and vampires are living together but not in peace and harmony. In a world where vampires are at the highest part of the heirarchy while the humans are at the bottom of the food chain. ------ A/N: Here is another Alyden Fanfic...