8

4.4K 147 19
                                    



Nang marinig ni Ella na medyo humupa na sa pag iyak si Den, inalalayan niya itong tumayo. Siya na mismo ang nagbalik ng shades nito sa mata at naglagay ng scarf ni Den

"Dapat kasi ganito ang pag ayos mo sa scarf, sa leeg lang hindi yung halos gawin mo ng kumot hahaha" pagloloko pa ni Ella para gumaan ang loob ni Dennise

"Di ko naman kasi napansin kanina.." nagpout pa si Den na parang bata, kung sa kanilang dalawa lang si Ella talaga ang mas matured mag isip hindi gaya ni Den na may pagka isip bata kung minsan

Naikwento na pala ni Dennise ang lahat ng nangyari sa kanya sa nakaraang araw. As in lahat sinabi niya wala siyang itinirang detalye, ultimo ang pagpilit sa kanya ni Alyssa matulog na naka undergarments lang sinabi niya. Ganoon niya pinagkakatiwalaan si Ella, alam niya kasi sa pagkakataong ito siya na lamang ang mapagsasabihan niya ng kanyang mga problema

Lumabas na sila sa silid, ang akala ni Den dahil papasok na sila sa kani kanilang klase pero...

"Besh sa kabilang way yung class ko.." Dennise tugged on Ella's hand na hanggang ngayon ay hawak hawak pa rin nito

Dennise felt relieved na hawak ni Ella ang kamay niya because there is this certain comfortability na kay Ella niya lang nararamdaman, para bang kadugtong na ito ng bituka niya

"May pupuntahan kasi tayo besh. At hep! hep! Wa-----"

"Hoorayyy!" pagputol ni Den sa sasabihin ni Ella, tinignan naman siya nito ng masama

Ngumiti naman si Den at nagpeace sign pa, napangiti na lang din si Ella dahil sa pag ngiti ni Den

"Wag ka na kasing magtanong.." at maingat namang hinatak ni Ella ang kamay ni Den, sumakay sila ng bus. Kahit di man alam ni Dennise kung saan sila pupunta sumama na lang siya

Dahil siguro sa pagod niya kakaiyak nakatulog na siya sa balikat ni Ella habang di niya pa rin alam kung saan ang patungo nila

---------------------

Mahinang tinapik ni Ella ang mukha ni Den para magising siya dahil nakarating na sila sa kanilang destinasyon, dahil wala pa sa wisyo di napansin ni Den kung nasaan sila

Pagbaba niya saka niya palang nakita kung ano ang pinuntahan nila..


"Besh bakit tayo nandito?" -Dennise

"Ipapagamot natin yang mga pasa mo Den, at please wag ka ng umangal.. ito lang makakapag patahimik sa kaluluwa ko.." -Ella

Hinampas naman ni Den sa braso ang kaibigan niya dahil sa kalokohang sinabi

"Pero besh, dito siya nagtatrabaho.." nag aalalang sabi ni Den kay Ella


"Wag kang mag alala malaki ang hospital na ito para makita ka niya, pagkatapos naman uuwe na rin tayo.."

Sandaling nag isip si Den bago sumagot.." Hmmmmmmm okay.. pero ibili mo ako ng ice cream after" pakikipag deal ni Den kay Ella

"Hahahaha you're such a kid!" at tinulak na nga niya si Den papasok sa hospital


Kasalukuyang ginagamot ng nurse ang mga pasa ni Dennise, nang mapansin niya na tila ba ay may nakatingin sa kanya

Sumulyap siya sa pinto ng emergency room para lang makita ang kunot na kunot na noo Alyssa habang nakatingin sa kanya

Napatingin din si Ella sa tinitignan nito, laking gulat na lamang niya na may babae na sa harap nila bago niya pa makita kung sino ang tinitignan nito

Slave For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon