THIS IS ORIGINALLY A 2021 WORK BUT I RECENTLY REVISED IT ON 2024
—
( S/A: This is a collaboration between a smut writer and I, unfortunately, I don't remember who it was anymore. )
BASKETBALL BUDDIES
Kasalukuyan kaming nakahiga lahat sa court dahil sa pagod katatapos lang kasi ng training namin at nagpapahinga lang kami sandali upang makaligo na.
"Players, the tournament will be on monday. So, please don't be late and mag focus sa game. I know we will make it." Anunsiyo ng coach namin, agad kaming naupo lahat at tumango-tango sa kanya.
"Yes, Coach!" Masayang wika ng iba.
"For now, half day muna ang training niyo. Enjoy your remaining time." Deklara niya na agad kinahiyawan ang mga kasama ko dahil balak naming mag inuman pagkatapos ng training.
"Okay, Coach!"
"Yes, Coach!"
Sambit nila ulit, napailing-iling na lang ako habang nakaupo. Maya-maya ay tumabi sa akin si Nico at binunggo ang balikat ko.
"Sasama ka?" biglang tanong nito kaya't napatingin ako sa kanya.
"Oo, bawal daw kj." Natatawang sabi ko sa kanya, tumango-tango siya habang natatawa.
"So, kitakits sa monday players, goodluck." Muling wika ng Coach namin bago unang umalis ng court.
Kaagad nagsipuntahan ang iba sa banyo upang maligo na dahil nanlalagkit na sila at ganoon rin ako, tumayo na ako at pumasok ng banyo dahil ramdam ko na ang init kanina pa.
"Mga tol, hard drinks mga inorder ko ha? Nasa reserved table na daw lahat sabi ng pinsan ko." Saad ni Jhay habang nakahawak sa cellphone niya at nagpupunas ng buhok.
"Sige, ayos yan rakrakan mamaya," Ani naman ni Klint na kalalabas lang ng banyo.
Nang matapos kaming lahat sa pagligo at paghanda ay dumiretso na kami sa van nila Jhay, rich kid kaya sagot sasakyan pati alak namin.
"Inaantok ka?" tanong ko kay Nico dahil pabaling-baling ang ulo niya habang nakapikit, malubak kasi ang nadaanan namin. Tumingin naman ito sa akin at kapansin-pansin na inaantok na talaga siya dahil namumungay na ang mga mata niya.
"Here." aniya ko, inilapit ko siya sa akin at isinandal ang ulo niya sa balikat ko.
"Thanks, Karl," saad naman nito at nakatulog na.
Nang makarating kami sa bahay nila Jhay ay ginising ko na si Nico, napatingin pa ako sa kanya habang umiinat siya ramdam ko sa sarili ko na may iba akong nararamdaman kay Nico kahit pareho kaming lalaki.
Matagal ko ng iniisip ang nararamdaman ko kapag malapit siya. Hindi ko alam kung mahal ko siya o nasanay lang ako sa presensiya niya.
"Hoy! Tulala ka diyan," Pag tawag sa akin ni Nico habang natatawa.
"Tsk." Nauna na akong lumabas ng van at narinig ko pang humahagikgik ito pero hindi ko na siya pinansin pa at dumiretso na sa loob.
Habang nasa sala kaming lahat ay panay kwentuhan at biruan lang kami, lumabas naman si Jhay at Gerald galing kusina dala-dala ang mga alak na pang malakasan.
"Tara na't mag pakalasing, whoooo!" Sigaw ni Gerald na halatang inom na inom na.
"Walwal na walwal, pare," Pang aasar ni Shanz sa kanya.
"Paano iniwan ng girlfriend niya, pinagpalit sa captain ng soccer." Dugtong ni Jhay habang akbay-akbay na si Gerald.
"Correction pare, EX-girlfriend," Natatawang wika ni Gerald, binuksan naman niya agad ang hawak na alak at tinungga iyon bigla.
YOU ARE READING
Smut Stories
RandomThis is a compilation of smut stories that I made, some of them were posted on my facebook account back then named 'Dallace Yummero'. Who knows? Someone here might actually remember me. I doubt it though, my audience wasn't that big anyway. I wrote...