Chapter 2

34 4 0
                                    

 Today is the day that I go back to my hometown. Nakakaexcite. Tapos ko nang labhan ang dapat labhan, iimpake ang dapat na iimpake. At ready to go na.

            I checked my watch and it says 2 pm. Mejo mainit pa para bumiyahe pero keri lang. Excited na akong umuwi sa amin. Sa kabundukan ng Rizal.

            I was about to ride the jeep nang mapansin kong umakyat din ng jeep si Crush. His name's Harold Viliego. Wait, ang weird naman. Hindi naman sya nagfinals ah, bakit sya andito? Madami din syang hawak na bag. Siguro uuwi din 'tong isang 'to.

            Umupo sya sa tabi ko. Eto naman ako, kinilig sa upuan ko. Kahit magkacourse kami, never ko pa syang kinausap. Crush ko kasi eh. Feeling ko, matutunaw ako kapag kinausap ko sya. Roommates ko lang ang nakakaalam na crush ko si Harold.

            "Manong, Olivarez lang po. Studyante." Ani ni crush.

            Sabay abot sakin ng bayad. Medyo nagdampi ang aming balat. OMYGAHD. Kakilig talaga. Parang nagslomo ang mga bagay-bagay nung mga oras na 'yun. Para akong nakuryente. Sparks na itu.

            "Ate, bayad daw po. Abot ko namn dun sa ateng mataba na nasa bandang unahan ko.

            Tapos ayun, iniabot nya dun sa drayber.

            Paypay ako ng paypay sa sarili ko gamit 'yung kamay ko. Ang init kasi. Literal na mainit. Katirikan kasi ng araw eh. Tapos the fact pa na nasa tabi ko 'yung  crush ko, edi lalong nagwala 'yung landi hormones ko sa katawan.

            Hindi ko napigilang tumingin sa kanya. Sulyap-sulyap lang ba. Hayst. Bigla tuloy akong nainis. Dapat sa tapat ko nalang sya umupo para mas napagmamasdan ko 'yung kagwapuhan nya. Ang perfect talaga ng lalaking ito. Ang gwapo ng pagka-moreno nya, ang tangos ng ilong, medyo singkit ang mga mata, tapos ang sexy pa ng likod. Sabayan pa ng tangkad. Matalino't mabait pa at that. Sya na.

            "Matunaw ako" mahina nyang sabi.

       Napalunok ako, at mabilis ko namang nilayo 'yung tingin ko sa kanya. Gahd. Nakakahiya! Napansin nya sigurong nakatingin ako sa kanya.

            Sakto namang pumasok ang isang matabang kuya at isa pang matabang ale. Feeling ko mag-asawa sila. Since wala nang space sa kabilang side, siniksik nila ang pangangatawan nila sa side namin. At dahil dun, lalong nagkatabi ang balat naming ni crush.

            Napabilis lalo ang paypay ko sa sarili ko. Feeling ko ang pula pula na ng mukha ko. Ang init kase sobra. Feel na feel ko.

            Magkadikit na magkadikit na kasi kami nitong gwapong nilalang na 'to. Tumutulo na rin yung pawis ko sa ilong at ulo. Hiyang hiya ako. Feeling ko ang baho-baho ko na. Sinulyapan ko si kuyang crush.

            Ayun, gwapo pa din, at parang wala lang sa kanya 'yung init. Ni hindi nga sya pinagpapawisan eh. Ang weird lang.

            "Ehem" sabi nya while pretending to clear his throat. Nahiya na naman ako. Nahuli nya akong nakatingin sa kanya for the nth time.

            Susulyap na naman ako sa kanya sana 'nang bigla nalang nyang dinampi sa mukha ko ang panyo nya. Was he trying to block me off?

            "'Yan, gamitin mo, hindi 'yung tinitiis mo ang pawis mo. Nakakahiya sa katabi mo" sabi nya while smirking. Naks! Kinausap nya ako! Omygash.

            Hinawakan ko naman 'yung panyo, at hindi ko sinasayang mapatungan 'yung kamay nya. "Ouch." Mahinang sabi ko nang ma-press sa balat ko 'yung taas ng palad nya. Hinimas ko 'yung kamay ko. Parang napaso yata. Ang hot nya.

The UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon