Chapter 6

21 2 0
                                    

REDZ. VAMPIRE.

Vampire si Redz? Vampire nga kaya sya? Baka kagaya sya ni Edward Cullen? Adopted din kaya sya? At 'yung dad nya, vampire din kaya? Does that mean na buong lahi nila, vampire din? Eh paano kaya sila kumakain? Ano 'yun, gaya ng ibang vampires sa pelikula, ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan para makabili ng dugo mula sa mga illegal dealers?

Dumugo na yata ang ilong ko sa kakaisip. Wala na akong iba pang ginawa mula paggising ko kundi isipin si Redz. Redz Sy. Ang mala-Greek god na si Redz Sy.

I checked my clock. 5 a.m. Maaga akong nagising, which is good. Since first time ko 'tong magising ng maaga, tinake advantage ko na. Nagsaing na ako at nagluto para kina Pam at Pj. Mabilis lang naman 'yun. After kong gumawa, nagbihis ako ng pang jog. Sinalpak ko ang earphones ko. Pababa ako ng hagdan nang nakita ko tatay. Early riser talaga sya ha.

"Jog lang po ako." Paalam ko. Nagnod naman sya in reply.

Naexcite akong lumabas. Sa mga panahon kasing ganito, malamig pa sa labas at mahamog. Iniisip ko palang, sobrang naeexcite na ako.

Paglabas na paglabas ko palang, dumampi na sa balat ko ang malamig na hangin. Feeling ko maiihi ako sa lamig. Tumakbo na ako sa gilid ng kalsada. Wala pa masyadong mga tao.

Medyo hininaan ko 'yung volume ng kanta. Mahirap na, baka masagasaan pa ako. Sayang naman ako. Hihi

Kasalukuyan akong nakikinig sa Crazy Youngsters. Ang astig talaga ng kantang 'to. Feeling ko I'm invincible. Fun. Walang iniisip na kahit ano.

Hindi ko namalayan na malayo-layo na pala ako sa bahay. Dirediretso lang naman 'yung path ko, tsaka imposible naman akong maligaw, buong buhay ko dito ako nakatira eh.

Ilang hakbang pa, nadaanan ko 'yung paliko papunta sa Mahogany Elementary. Namiss ko na 'yon, so hinayaan ko na ang mga paa kong dalhin ako dun. Hindi ko maiwasang magreminisce sa mga nakita. I can feel myself blush 'nung naalala ko ang elementary days ko, crush ko din kasi yung teacher ko sa math. Grabe, gwapo din 'yun eh, kaso nabalitaan ko may asawa na. Too bad, hindi nya ako nahintay.

Medyo pagod na ako at sobrang pinagpapawisan so I decided to head back. Naisipan ko nang dumaan sa short cut. Mas mabilis eh. I ignored the fact na liblib sa shortcut at puro puno. Pero since andun na ako, tinuloy ko na. Andami palang pinagbago ng shortcut na 'to. Dati wala pa 'yung malaking gate na kulay blue na 'yan na parang may mga kakaibang lenggwaheng nakasulat sa metal. Wala di 'yang ubod na laking puting magarang masyon na yan. As intrigera as I am, ni hindi ko namalayan na nakatungtong na pala ako sa malaking bato para silipin 'yung malaking bahay. Shems, alam kong malandi ako at marami akong crush,pero never pa ako naging chismosa. Inquisitive lang. lels.

So ayun, halos tumalon talon na ako para silipin 'yung bahay. There'something weird kasi sa mansion na 'yun. Para akong hinihila nito palapit. Parang gusto kong makita kung sinong nakatira dito. 'Nun nakahanap na ko ng maganda gandang pwesto, sinimulan ko nang iscan yung paligid. Grabe, hindi lang pala 'yung mansion yung maganda, yung garden din, sobrang ganda. May hanging plants pa na parang baging sa entrance papunta sa bahay nila. Within one glance, kitang kita na pinaghirapan ang bawat detalye at siguradong mahal 'yon. Kakaiba din 'yung mga bulaklak na ginamit don. Isang malaking WOW na lang ang masasabi ko. Parang yung garden palang nila, hindi hamak na mas mahal, mas maganda, at mas Malaki pa sa buong bahay at mismong lupang kinatitirikan ng bahay namin.

ANAK NG PUSANG MAY ABS! Tama ba ang nakikita ko? Si Redz ba ang half naked hunk na nakikita kong naglalakad sa veranda ng masyon? So ibig sabihin, dyan sila nakatira?

The UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon