Chapter 1

70 3 0
                                    

 "I'm so done with my life", mahinang sabi ng roommate ko habang nakahiga sa kama 'nung isa pa naming roommate. Let's just call her Marie Villarama. Katatapos lang kasi gumawa ng Library Research Paper nya sa ENG 2. 'Di ko sya masisisi. Mahirap nga naming gumawa ng LRP no. Ako nga isang linggong sabaw dahil dyan. Ako nga pala si Mage Cruz, pronounced as Meyj.

            Wala nang laman 'yung hinihigaan ni Marie since nag-check out na si Jules Zales, yung may-ari ng kama kung saan sya nakahiga. Babae si Jules, panglalaki lang ang name. Halatang hirap si Marie sa pagpwesto doon since medyo matigas  at puro kahoy yung bed.

            "Okay ka lang ba talaga dyan?" worried kong tanong sa kanya. Kagabi nya pa kasi pinagtatyagaan 'yung space na 'yun.

            "Keri lang" sagot nya naman.

            "Edi K." ani ko.

            Dyan sya sa kama ni Jules natulog kagabi at nung isang gabi pa. Minove-out na kasi ng parents nya 'yung gamit nya, at syempre 'yung kutson din nya. May head rest naman syang baon, so I think okay lang sya. Sana.

            At ako? Eto, busy sa pagsasampay ng mga damit ko. Dapat kasi bukas, aalis na ako sa University para umuwi na sa probinsya ko. Bakasyon na kasi samin. Samantalang 'yung iba magsa-start na klase. Nagbago na kasi ng Academic Calendar 'yung university namin.

            "Alam mo Marie..." umpisa ko.

            "Hindi pa." sagot nya sakin.

            "Alam mo,..." umpisa ko ulit.

            "Hindi pa nga" ulit nya, bakas na boses nya ang pagkairita.

            "Alam mo, pagnakakita talaga ako ng zombies in real life, nako, magbubunyi ako." Sabi ko sa kanya.

            "'Wag na beh. Mahirap kaya magka-zombies no." ani nya.

            "Hindi, basta talaga, kapag ako nakakita ng ng zombies, ako na ang pinakamasayang tao sa mundo. Tsaka, pwede naman tayong tumakbo at magtago sa 7-eleven kung magkataon. Madaming food don." Sabi ko with a smirk.

            "Naku, sige ka, pagnagkatotoo 'yan, ikaw ang una kong ipapakain sa kanila. Tigilan mo na 'yan Mage. Baka mamaya magkatotoo. Disaster pa. Sabi nga nila, be careful with what you wish for, 'cause you just might get it." Babala nya sakin.

            "Sus, echos lang 'yun. Kung ayaw mo ng zombies, edi Vampires nalang. Gaya nung sa Korean series na Blood ang title. Pero dapat pogi sila ha." Sabi ko.

            "Eng eng ka talaga. Sa zombies, makakatakbo ka pa, pero sa vampires hindi. Mas mahirap 'yun no. Tsk, kung ako sayo, titigilan ko na 'yang kagaganyan mo." Wika nya.

         "Basta, basta. Mag-iimbento talaga ako ng virus para magkaroon ng zombie apocalypse, tapos..." Di ko pa natatapos 'yung sinasabi ko 'nang batuhin nya ako ng unan.

            "Gaga ka talaga. Virus virus ka dyan. Magsampay ka nalang dyan nang matapos ka na." sabi nya, tapos humiga ulit sa matigas nyang higaan.

            "Tsk. Okay, okay" sabi ko, sabay bato pabalik ng unan nya sa kanya.

            'Di naman sya nagalit. Natawa pa nga sya eh. Ganyan talaga kami magmahalan dito, medyo brutal.

            At bakit nga ba ako obsessed sa zombies? Sisihin nyo ang nagsulat ng The Walking Dead. 'Yun kasi nag major factor kung bakit ako naging interesado sa kanila. Isali nyo pa ang Warm Bodies, Resident Evil, World War Z, and the likes. Hayst, ang cool talaga nila. Isa pang nakakatuwang napanood ko ay 'yung Sankarea. Anime sya, na tungkol sa isang guy na obsessed sa zombies at nagkatotoo 'yung dreams nya. 'Di ba? Astig!

The UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon