Chapter 4

38 2 3
                                    

  Nagising na lang ako sa mabangong amoy sa hangin. Hm, luto 'to ni tatay.

            Napabuntung-hininga ako. Hindi nanaman ako nagising on time.

            Dali-dali kong niligpit 'yung hinigaan ko at naglinis ng mukha.

            Tapos sinilip ko sya sa kusina. Nakatalikod sya at bising-busy sa pagbabaliktad ng itlog. Nagningning 'yung mga mata ko sa nakita ko. Wow, sunny side up.

            "'Nak, gutom ka na ba? Maghintay ka lang. Matatapos na ko sa pagluluto." sabi ni tatay.

            "Tulong na 'ko 'tay. Ano po bang magagawa ko?" sabi ko.

            "Um, sige. Mag-set ka nalang ng table. Check mo din 'yung mga kapataid mo kung tapos na sila maligo ha. Baka ma-late sila." Utos naman nya.

            Tumalikod na man na ako sa kanya at tumungo sa dining area.

            Habang nagpupunas ng lamesa, naalala ko na sa desk ko pala ako nakatulog. That means binuhat ako ni tatay  o ginising?

            Pilit kong inalala. Pero wala eh. Siguro itatanong ko nalang sa kanya mamamaya.

            Dumating naman na 'yung mga kapatid ko sa lamesa. 'Yung 15 years old ay si Pam, at si P-jay naman 'yung bunso. Sumunod naman 'yung tatay ko sa table.

            Habang kumakain, tinanong ko si tatay kung ginising nya ako kahapon. Sabi nya hindi daw.

            Well, sa wala talaga akong maalala eh. So I dropped the thing na. After kumain, balik karinderya nanaman ko. Today walang catering. Normal na araw lang. Matumal 'yung mga dumadating para kumain.

            "Miss, isang order nitong pork steak." Sabi nung matandang ale na kung hindi ako nagkakamali eh nakatira lang dyan sa kabilang kanto. Hindi ko lang maalala 'yung name nya.

            Ngumiti naman ako sa kanya at binigay 'yung order. Ganun lang ng ganun until dumating na si Anthony para palitan ako by 10 a.m.

            "Buti naman dumating ka na. Good morning Anthony" greet ko sa kanya, trying to be polite, hoping na maging mabait na sya sakin.

            "'Morning." Maikling sagot naman nya, sabay talikod.

            Napailing na lang ako. Akala ko ba naman okay na kami kahapon, 'di pa pala.

            Habang nag-aayos sya ng mga ulam at nagbubugaw ng langaw, umupo naman ako sa upuan na pinaka malapit sa kanya at nagtanong.

            "Anthony, bakit of all places, dito mo napiling magtrabaho?" tanong ko.

            I think the question caught him off guard since parang gulat na gulat sya at hindi alam ang isasagot.

            'Nung parang okay na sya, sumagot naman sya.

            "A-ah, eto ang pinakamalapit samin. Kaya dito nalang ako." Sabi nya. Tapos tumingin sya sakin ng parang nanunuri. "Bakit ka nagtatanong, ayaw mo bang dito ako?" dagdag pa nya.

            "Hindi naman. Nagtatanong lang." pa-inosente kong sabi. Bakasyon na din kasi nina Anthony. Sabay na nagshift 'yung academic calendar ng universities namin. So andito sya ngayon.

            Since I think na kaya naman nang i-handle ni Anthony 'yung mga kumakain, pumanhik nalang ako sa loob ng bahay.

"Papalitan na lang kita mamayang 4 pm." paalam ko sa kanya.

The UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon