Kabanata 34- Part 1

1.9K 79 29
                                    

Illiana

I smiled bitterly, nang makita ko ang picture ni Julieta kasama ang asawa nito.


Isang taon ko na ring ini-stalk ang bago niyang account. At ang masasabi ko lang, masaya na siya.

Sa totoo lang, I'm happy for her. Nakikita kong mahal na mahal siya ng asawa niya. Sigurado akong hindi na siya iiwan nito, hindi tulad ng ginawa ko sa kanya noon.

Kung bibigyan lang ako ng chance na bumalik sa past. Lalo na sa panahong nasaktan ko ng sobra si Julieta, babalik talaga ako at itatama ko iyon.

I love her so much, to the point na kaya kong gawin ang lahat para sa kanya. Pero hindi ko inasahan na ganito pala ang magiging ending naming dalawa.

Nasaktan ko siya ng sobra, oo. Aware ako sa lahat ng nagawa kong mali kay Julieta at may rason kung bakit ko nagawa iyon. Hindi ko gustong saktan siya noon, but I had to do it. Para sa kaligtasan niya, sinaktan ko siya. Triple rin ang balik na sakit sa akin no'n. Kaya sobra rin akong nahirapan.

Naalala ko pa no'ng gusto akong kausapin ni Belén. Ayoko na siyang makausap pa no'n dahil wala naman na dapat kaming pag-usapan. Isa pa, nag promise ako kay Julieta na hinding-hindi ko na ito kakausapin pa. Pero siya na mismo ang nag-insist na mag-usap kami so ginawa ko.

Buong akala ko mag so-sorry lang siya sa akin but it turned out na may iba pala siyang agenda.

Nagpunta kami sa isang mamahaling restaurant at doon may pinakilala siyang lalake sa akin.

No'ng una ko itong nakita, nasabi ko sa sarili ko na pamilyar sa akin ang mukha nito, nagtaka pa ako dahil marami itong bodyguards na nakapalibot sa kanya.

Hanggang ngayon hindi mawala-wala sa isip ko ang lahat ng napag-usapan namin no'ng araw na iyon.

Flashback

When we entered the restaurant, napansin ko kaagad ang mga lalakeng nakasuot ng itim na suit na nakapalibot sa isang lalake na nakaupo sa pinaka-gitna. Seryoso silang nakatingin sa amin, feel ko kami ang hinihintay nila.

Wala ding ibang tao sa restaurant na 'to kundi kami lang.

"We're here," halatang kabado ang tono ng boses ni Belén. Nagtaka ako dahil buong akala ko kami lang dalawa ang mag-uusap. Pero nasa harapan na kami ngayon no'ng lalakeng may kakaibng aura.

"Nice to finally meet you, Miss Roferos. Have a seat." Bungad ng lalake sa akin, dalawa sa mga bodyguard nito ang nag-usog ng upuan para sa amin ng kasama ko.

"Umm...?" nagtataka kong binalingan ng tingin si Belén. Hinihintay kong may sabihin siya. Dahil obviously, wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari.

"U-upo ka muna, Illiana." Nauna siyang umupo, kaya no choice ako kung hindi ang umupo rin sa tabi nito.

"Hindi pa siguro nasasabi sa 'yo ni Belén ang tungkol sa pag-uusapan natin." panimula ng lalake.

Kunot ang noo kong nakatingin lang dito. "Sorry? But who are you?" hindi ko napigilang itanong dito.

Bahagya siyang natawa, "Oh I'm sorry , I haven't properly introduced myself. I'm David Amadora, Maria Julieta's Father. Kilala mo ang anak ko, 'di ba?"

Napaawang ang bibig ko.

Narinig ko na ang pangalang iyon. Minsan ko na itong nakita sa tv.

Si David Amadora, ang kinikilalang hari sa Isla na pagmamay-ari mismo nito.

Pero totoo ba ang sinabi nito? Siya ang ama ni Julieta? but how? Ibigsabihin ba nito...

Unloving Illiana [Roferos Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon