07.
JulietaTrigger Warning ⚠️ Violence
"Ta-Tama na po... hi-hindi ko na po u-ulitin..." Nanghihinang sambit ng dalaga habang nakaluhod sa harapan ng isang lalaki.
Ngunit hindi man lang ito naawa sa kanya. Patuloy pa rin ito sa pagpalo ng matigas na bagay sa katawan ng babae.
Pawang hikbi at mga daing ng dalaga lang ang maririnig sa buong silid.
Tuluyan s'yang napahiga sa sahig dahil sa sakit na nadarama nya sa buong katawan.
"P-Please po...Ayoko na..." Muling pagmamakaawa ng dalaga, habang pilit na nilalabanan ang pagsara ng talukap ng kanyang mga mata.
Napasuka siya ng dugo nang tamaan ang kanyang tiyan. Biglang tumigil ang lalaki, blanko ang itsurang nakatingin na ito sa kanya ngayon. Buong akala niya ay matatapos na ang paghihirap niya, ngunit bigla n'yang naramdaman ang pagbuhat sa kaniya nito, at dinala sa isang silid na walang kahit na anong gamit, saka siya marahas na ibinagsak sa sahig.
Napa-daing na naman siya nang tumama ang likod niya sa malamig na semento.
"Magtatanda ka na siguro rito!" Galit na galit ang pagkakasabi nito sa kanya.
Nataranta ang babae kaya kahit masakit na ang buong katawan niya ay pilit na gumapang siya papunta sa kinatatayuan ng lalaki. Alam niya ang silid na pinagdalhan sa kanya, at ayaw na ayaw niya roon.
Ilang beses narin siyang ikinulong sa silid na 'yon, natatakot na s'ya dahil malamig at napaka-dilim doon.
"A-Ayoko po rito...s-sundin ko na po l-lahat ng s-sabihin niyo...w-wag niyo lang ako iiwan dito," humihikbing aniya.
"Shut up! Hindi ka na natuto." Umiiling-iling na wika ng lalaki.
Tumalikod na ito sa kanya, ngunit bago ito tuluyang lumabas ng pinto ay may sinabi pa itong mas nakapagpa-wasak ng puso niya.
"You're such a disgrace to this family. Wala kang kwenta. Pinagsisihan kong naging anak pa kita." Kalmado ngunit may diin ang pagkakasabi nito bago ito tuluyang lumabas sa silid, at kinandado pa ang pinto.
Naiwan ang dalagang umiiyak, hindi dahil sa mga sugat at pasang natamo niya, kundi dahil sa sakit na dala ng mga salitang binitawan ng kanyang sariling ama.
Hingal na hingal akong napabangon, animo'y tumakbo ako ng ilang milya. Napatingin ako sa kamay kong nanginginig.
Bakit ngayon pa?
Relax, Julieta—panaginip lang lahat ng iyon.
Ilang minuto rin bago ko napa-kalma ang aking sarili. Tumigil na sa panginginig ang mga kamay ko, kaya napagpasyahan kong bumangon na. Alas diyes na pala ng umaga, wala naman akong gagawin kaya ayos lang na na-late ako ng gising.
Wala pa akong plano na bumalik sa mansyon ng mga Roferos. Hindi ko pa kayang harapin si Belen. Buti na lang din at pinayagan akong mag-leave muna.
After kong naligo ay pumunta ako sa kusina, nadatnan ko roon ang Nanay ko na umiinom ng kape.
"Magandang umaga, Nanay!" Masigla kong bati sa matanda, saka ko siya hinalikan sa pisngi.
BINABASA MO ANG
Unloving Illiana [Roferos Series #1]
RomantikCOMPLETE || Reforos Series #1 Maria Julieta Amadora is a princess, the eldest daughter of the king and queen of Isla Amadora, and the next in line to the throne. Julieta has always felt trapped by the strict rules and expectations of her royal statu...