05.
Julieta"Tulungan na kita." Kamuntik na akong mapasigaw nang biglang sumulpot sa tabi ko si Illiana.
Nakahawak ako sa may dibdib dahil sa gulat. "Papatayin mo ba ako, Illiana?" Imbes na sagutin ako'y patawa-tawa lang siyang kinuha sa kamay ko ang dalang balde na may tubig.
"Sorry, Juls. Bakit kasi nandito ka sa kwadra?"
Sumimangot ako. "Hindi ba obvious? Nililinisan ko 'tong bahay ng mga kabayo niyo." Nakakainis, ako pa talaga ang nautusan na maglinis dito.
"May taga-linis ang kwadra. Off ba ni Kuya Oscar ngayon?"
"Aba, malay ko. Hindi ko alam kay Manang Dolores, kung bakit biglang pinalinis niya itong kwadra sa akin." Inis na pinagkukuha ko ang mga dayami sa sahig. Nakakalat na kasi ito, nalagyan na ng tae 'yong iba.
Nilapag niya ang balde sa gilid, saka niya tiningnan ang ginagawa ko.
Kita ko sa gilid ng mga mata ko na sinusundan niya ang bawat galaw ko.
"Natahimik ka riyan? Hindi parin ba kayo okay ni Belen?" tanong ko habang busy parin sa paglilinis.
"We're still not okay," pag-amin niya.
Na-ikwento niya sa akin kahapon na hindi siya sinama ni Belen sa family reunion nila. Tapos nalaman pa niyang kasama nila si Danica na pinagseselosan niya.
Double kill 'yon kay Illiana.
Nalungkot ako para sa kanya. Bwesit na Belen 'yon, sinasaktan lang niya ang taong pinapangarap ko.
"Hayaan mo na Illiana, inlove masyado sa 'yo si Belen kaya hindi ka nun lolokohin." labas sa ilong na saad ko.
Subukan lang ni Belen na saktan ulit si Illiana, matitikman niya ang pang malakasan kong sipa.
"I hope so."
Tumahimik na ulit siya.
"Kung tulungan mo kaya ako rito. Hindi 'yong tatayo-tayo ka lang riyan." Sita ko nang mapansing wala siyang planong tulungan ako. Akala ko naman sa paglilinis niya ako tutulugan, do'n lang pala sa pagbitbit ng balde.
Natawa na naman siya. "Boss mo ko, Maria Julieta, nakalimutan mo na yata 'yon."
Umirap ako. "Tutulong ka, o ihahagis ko sa 'yo itong tae ng kabayo?" natatawang banta ko.
Para siyang natakot sa banta ko. "H-hoy Juls, huwag na huwag mong gagawin 'yan."
Napangisi ako nang may maisip na kalokohan.
"Maria Julieta, hindi ko gusto 'yan ngisi mo," aniya sa kinakabahang tinig.
May nakita akong lupa na mukhang tae sa gilid. Dinampot ko ito at pinakita kay Illiana.
Nandidiri siyang nakatingin sa akin ngayon.
"Subukan mong ihagis 'yan sa akin, hahagisan din kita ng palaka." Aba, tinakot pa talaga ako. Alam niya kasing ayaw na ayaw ko sa palaka.
"Walang palaka!" Tumakbo ako papunta sa kanya pero mabilis din siyang nakatakbo palayo. "Tae lang naman 'to, Illiana! Lika na rito!"
"No! Kadiri ka. Bitawan mo na nga 'yan, Juls!" sigaw niya habang tumatakbo.
Para kaming mga batang naghahabulan sa loob ng kwadra. Wala rito ang mga kabayo kaya malaya kaming nakakatakbo sa bawat sulok.
"Julieta, stop! Ayoko ng tumakbo," reklamo niya pero hindi ako tumigil. Hingal na hingal na ako, pati narin si Illiana.
Nakakapagod din pa lang makipaghabulan.
"Ehem," sabay kaming napatigil ni Illiana nang may biglang tumikhim.
"Belen?"
"Hi, love!"
Nakatayo si Belen sa may pinto habang nakatingin sa aming dalawa ni Illiana.
"A-anong ginagawa mo rito? Akala ko sa saturday pa ang uwi niyo?"
"Why love? Hindi mo ba ako namiss?" Naglakad siya papalapit sa girlfriend.
Dumaan siya sa harapan ko. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang masamang tingin niya sa akin.
"I miss you, love ko!" Iniwas ko ang tingin sa kanila nang halikan nito sa labi si Illiana. Pakiramdam ko may tumusok sa puso ko ngayon. Masakit.
Parang binawi 'yong sayang naramdaman ko kahapon.
"Nauuhaw ako, pwede mo ba akong kunan ng tubig love?" maarteng request ni Belen.
"A-ako na lang ang kukuha." pag presenta ko.
"No. Illiana love, ikaw na ang kumuha please?" Nagpa-cute pa ito, hindi naman bagay.
Walang nagawa si Illiana, sinunod niya na lang ang utos ng girlfriend.
"O-okay, i'll be back." Iniwan niya kaming dalawa.
Aalis na rin sana ako nang magsalita si Belen.
"Iniwan ko lang saglit ang girlfriend ko, nilalandi mo na agad siya." May diin ang bawat salitang binitawan niya.
"Anong bang pinagsasabi mo—aray..." ungol ko nang bigla niyang hilahin ang buhok ko. Pakiramdam ko matatanggal pati ang anit ko. Napahawak na ako sa kamay niyang nasa buhok ko, at pilit na kumakawala ako rito. "B-bitawan mo nga ako, n-nasasaktan ako." Nanatiling kalmado ang boses ko kahit nasasaktan na ako sa ginagawa niya sa akin ngayon.
"Halatang enjoy na enjoy kang solohin si Illiana!" Galit na sabi niya. Umiling-iling ako.
"A-ano ba, Belen. Hindi ko alam ang sinasabi—"
Sinampal niya ako ng pagkalakas-lakas na naging dahilan kung bakit napasalampak ako sa sahig.
"Matagal na akong gigil na gigil sayong babae ka! Alam kong nilalandi mo na noon pa si Illiana! Pareho talaga kayo ng kaibigan mo, ano? Mga gold digger!" Galit na galit na wika niya. Lumapit ulit siya sa 'kin, nanggigigil na sinabunutan niya ako ngayon.
Biglang pumasok sa isipan ko iyong laging ginagawa sa akin ni Papa. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko. Bumuhos na lang ang mga luha ko. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.
"Hindi mo ako madadaan sa pag-iyak mo, bitch! Kakalbuhin talaga kita!" Hindi pa rin ako binibitawan ni Belen. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Na-blanko ako bigla, at nanghihina ako.
"T-tama na po p-please...n-nasasaktan na na ako," Pagmamakaawa ko sa babae. Isa-isa kong naalala ang mga nangyari sa akin noon, dahil dito mabilis na gumapang ang takot at kaba sa sistema ko.
Mamamatay na ba ako? Iiwan na naman ba nila ako sa madilim na silid?
Lumalabo na ang paningin ko. Sumasakit na rin ang ulo ko pero wala na sigurong mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Feel ko anytime mawawalan na ako ng malay.
Hindi pa rin tumitigil ang babae sa ginagawa niya. Wala na akong nagawa, kung hindi ang hayaan siya. Hihintayin ko na lang kung kailan siya mapapagod, total naman ay sanay na sanay na ako sa ganito.
"Susmaryosep! Ma'am Belen! Julieta! Jusko—Señorita Illia! Tulungan niyo ko!" Rinig ko ang pagsigaw ng isang matandang babae.
Naramdaman ko na lang na may naglayo sa akin sa babaeng kanina pa ako sinasaktan.
"Bitawan niyo ko! Hindi pa ako tapos sa babaeng iyan!"
"Julieta, nanginginig ka," Yumakap sa 'kin ang babaeng may malambing na boses."Shhh, tahan na, nandito na ako. Hindi ka na niya masasaktan." Mas bumuhos ang mga luha ko. Wala sa sariling yumakap ako sa kanya pabalik. Pakiramdam ko kasi ligtas ako sa mga yakap niya.
"S-salamat...Illiana." Iyon ang mga salitang huling lumabas sa bibig ko bago ako mawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Unloving Illiana [Roferos Series #1]
RomanceCOMPLETE || Reforos Series #1 Maria Julieta Amadora is a princess, the eldest daughter of the king and queen of Isla Amadora, and the next in line to the throne. Julieta has always felt trapped by the strict rules and expectations of her royal statu...