Kabanata 03

2.8K 110 46
                                    

03.
Julieta

"Iyan ba 'yong girlpren ni Senyorita Illiana?" ani Tiyo Junior na bigla na lang sumulpot sa tabi ko.
Tumango ako. "Girlpren na naging ex na naging girlpren."

"Maganda siya—" Sinamaan ko ng tingin ang tiyuhin ko. "Pero mas maganda pa rin ang Tata namin," bawi niya, sabay tawa nang malakas.

"Good afternoon po." Hinawakan ni Illiana ang kamay ni Tiyo Junior na pumigil na sa kakatawa.
Akmang magmano si Illiana pero agad binawi ni Tiyo Junior. Ako naman ang tumawa sa kaniya ngayon.

"Hi, Delia." Ang dami pang binati si Illiana bago siya bumalik sa 'kin. "Juls, 'di ba sabi ko sa 'yo makakarating ako."

Pero never mong sinabing isasama mo ang pet mong tuko. "Mabuti naman sinama mo si Ma'am Belen," sarkastiko kong komento.

Kapit na kapit si Belen sa braso ni Illiana. "I'd never let my girlfriend travel alone sa malayong lugar like this."

Bwesit. Sa isip ko, pinulupot ko na ang mga braso ko sa leeg ni Belen. Maka-apply nga ng chiropractor sa kaniya para isang neck crack sa kabilang-buhay agad siya.

Iginaya ni Tiyo ang dalawa sa loob, habang nakasunod kami ni Delia. "Akala ni Lola Perlita mo 'di ka na makakapunta."

"Di ho puwede 'yon. Miss ko na rin si Lola Perlita." Huminto sa paglalakad si Illiana at Belen. Muntikan na kaming mabunggo ni Delia sa likod nila. "Gusto ko rin hong ipasyal ang maganda kong nobya dito sa lugar ninyo."

Sa sementeryo ko kaya ipasyal ang Belen na 'yan.

Hinila ako ni Delia bago kami sumunod sa dalawa. Bumulong siya sa 'kin. "H'wag na lang kaya tayo papasok?"

Concerned lang siya sa 'kin. Umiling ako. Saka ngumit nang may kumpiyansa. "Teritoryo ko 'to, Delia."

Natawa si Delia sa turan ko. "Ikaw may sabi niyan, ah."

Nang makapasok kami, kanya-kanyang tingin at bulungan ang mga bisita sa dalawa.

"Jowa ba 'yan ni Senyorita?" tanong ng isa.

"Ang ganda, bagay na bagay," ani ng katabi nito na nagpairap sa mata ko.

"Illiana, apo. Mabuti at nakapunta ka." Malawak ang ngiting wika ni Lola na nakaupo ngayon sa tumba-tumba niya. Nagmano si Illiana sa kaniya saka siya binati nang masigla. "Oh, sino 'tong magandang kasama mo?"

Nakangiti si Belen.

"Lola, si Belen po." Hinawakan ni Illiana si Belen sa baywang. "Girlfriend ko po."

Inabot ni Belen ang paperbag na dala-dala. "Gift po namin ni Illia. Happy birthday po."

"Maraming salamat, hija." Knowing Lola, alam kong masaya siya kay Illiana at kay Belen. Never siyang naging judgmental sa isang tao. Ayaw ko rin namang magalit siya kay Belen dahil sa 'kin.

Mayamaya bumaling sa 'kin ng tingin si Lola. Puno ng pag-alala ang mata niya—ganitong-ganito ang mata niya noong kinuwento ko sa kaniya ang buhay ko sa kamay ng sarili kong ama saka kinumbinsi ko siya na sa kanila muna manirahan.

Tumugon ako ng ngiti kay Lola. Tinuro-turo ko ang dibdib ko. I mouthed, "Okay na okay po puso ko."

"Osya! Kumain na kayo," sigaw ni Tiyo Junior.

"Let me serve you, love," pagpresenta ni Belen.

Awtomatiko kaming nagtinginan ni Delia. 'Yong mga kilay at mata namin iisa lang ang sinasabi: sure ba siya?

Unloving Illiana [Roferos Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon