Recommendation

1.9K 32 10
                                    


Promoting my on-going stories!

Promoting my on-going stories!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MARRIED TO A ROFEROS

prologue

"Whether you like it or not, magpapakasal ka kay Kerensa Roferos. Huwag mo akong ipahiya, Sabel. Sa gano'ng paraan ka na lang makakabawi sa pagiging kahihiyan mo sa pamilya natin." Ang paulit-ulit na paalala sa akin ni Mama.

Malungkot na pinagmamasdan ko ang babaeng nakatakda kong pakasalan.

Si Kerensa Viviette Roferos, she's the 3rd daughter of Don Jowelo and Doña Maribela—ang nagmamay-ari ng buong San Carmen.

Abot hanggang mata ang ngiti niya, habang nakikipagharutan sa kasintahan. Nasa loob sila ngayon ng coffee shop, nagdi-date. Hindi pa niya siguro alam ang tungkol sa kasal namin.

Kaya ko ba siyang pakasalan? Knowing na makakasakit ako ng ibang tao. Pero kapag hindi ko 'yon ginawa, madi-disappoint naman sa 'kin si Mama. At ayokong mangyari 'yon. Ilang taon na akong disappointment sa pamilya ko, 'di ko na 'yon hahayaan pang magpatuloy.

I'm sorry, Kerensa. Ngayon pa lang kinakain na ako ng konsensya.

Tumalikod na 'ko at akmang aalis na, ngunit bigla namang may humila sa palapulsuhan ko dahilan para mapangiwi ako sa sakit.

Nang bitawan ako nito'y isang malakas na sampal naman ang dumapo sa kaliwang pisngi ko. Hindi pa ito na-kontento, tinulak ako nito kaya napaupo ako sa semento.

Napahawak ako sa pisngi. "Z-zia?" utal na pagbanggit ko sa pangalan nito. Galit na galit ang mukha nitong nakatingin sa akin ngayon. Tila kulang pa ang pagsampal at pagtulak nito sa 'kin.

"Paano mo nagawang pumayag sa kasunduan na 'yon, Sabel?!" Galit na asik nito.

Paano niya nalaman?

"Oh my gosh! Why the f*ck did you do that, Letizia?!" rinig ko ang boses ni Kamara na nagmumula sa likod ko.

Inalalayan ako nitong makatayo. "Are you okay, Sabel? Gosh, anong nangyari sa wrist mo? Bakit puno ng cuts 'yan?" Binaling nito ang tingin kay Zia. "Ginawa mo rin ba 'to sa kanya, Letizia?!"

Nag-iwas lang ako ng tingin. Nanghihina ako. Ayoko ng ganitong confrontation, nakaka-suffocate.

"Hindi ako ang gumawa niyan sa kanya! Teka, kinakampihan mo ba ang nerd na 'yan, Kam?!"

Nerd? Tinawag ba ako nitong nerd?

Alam nitong ayaw na ayaw ko na tawagin ako sa gano'ng pangalan. Akala ko ba magkaibigan kami?

"Stop calling her that! Kaibigan natin si Sabel. Paano mo nagawang saktan siya, Letizia?!"

Hindi parin mawala ang galit sa mukha ni Zia. Naikuyom pa nito ang kamao. "No! Wala akong kaibigan na ahas!"

Yumuko ako. "S-sorry." iyon lang ang nasabi ko. Nagsimula naring tumulo ang mga luha ko.

"Tandaan mo 'to, Sabel! Hinding-hindi ka mamahalin ni Kerensa at habang-buhay kang hindi magiging masaya! Mark my words." banta nito, saka ito umalis.

Pati kaibigan ko'y ayaw narin akong maging masaya. Bakit, Letizia? Deserve ko ba talaga 'to?

Pakiramdam ko'y nawalan ako ng lakas sa sinabi ni Zia. Napaupo na lang ako ulit, unti-unting nanlabo ang paningin hanggang sa tuluyan nang dumilim ang buong paligid ko.


————-

SAVING DAHLIA

Si Dahlia Patita Querencia ay ang nag-iisang anak ng pinaka-mayamang pamilya sa Isla Lofranco

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Si Dahlia Patita Querencia ay ang nag-iisang anak ng pinaka-mayamang pamilya sa Isla Lofranco . Simula pagkabata ay halos nasa loob lang ng mansion umiikot ang buhay niya. Hindi niya pa nararanasan ang buhay sa labas, maski ang pag-aaral niya'y hanggang sa mansion lang.

Ngunit nang magkaroon ng pagkakataong makalabas sa mansion si Patita, nahanap niya ang lugar na naging labasan niya ng sama ng loob. Ang balon sa abandonadong building. Doon magtatagpo ang landas nila ni Ciera Azura Saldaña, isang straight na babae at gusto lang ng katahimikan sa buhay niya. Isa rin siyang professor na nagtuturo ng wikang Nihongo sa isang Unibersidad.

Paano kung si Ciera ang magpaparanas kay Dahlia ng mga bagay na hindi niya pa nararanasan noon? At paano kung ang tahimik niyang buhay ay bigla na lang gumulo dahil sa pagkakakilala niya kay Dahlia?

Sabay-sabay nating alamin...


***

Hello! update lang po sa unloving illiana, on-going parin po ang pag e-edit/pag revise namin ng aking editor sa story na 'to. Sana mahintay nyo po ang mas maayos na version nito. May special chapters po na kasama 💓

Unloving Illiana [Roferos Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon