Mathieu's POV
" Gigisingin pa ba natin siya?"" Huwag na! Ito na nga ang pagkakataon ko para makita siya ng malapitan."
" Ano ka ba? Mas mabuti nang gisingin dahil baka pagsamantalahan mo pa siya."
" Ay grabe siya? Alam mo naman na nakikita ko lang siya sa Social Media. Sasayangin pa ba ang pagkakataon para pagmasdan siya ngayon at kaharap ko na. "
Nagising ang pakiramdam ko sa paligid sa kalagitnaan ng pagtulog ko. Unti-unti ko minulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang dalawang babae na halos ilang metro na lang ang pagitan sa akin.
Bumalikwas ako ng bangon dahil napagtanto ko na nasa Hospital pa rin ako.
" Ayan! Ang ingay mo. Nagising tuloy si Mathieu."
Umupo ako sa sofa habang pinapanood ang nurse na inaasikaso si Jerome.
" Pwede na ba ako umuwi?" Tanong ko sa kanila.
Umupo ang dalawang babae sa sofa at nag-agawan pa kung sino ang katabi ko.
" Ako kaya ang kinakausap niya! "
" Anong ikaw? Hindi naman sa 'yo nakatingin!"
Tinitigan ko silang dalawa upang tumahimik.
" Kaano-ano niyo si Jerome?"
" Kapatid ko si Jerome. Kung hindi mo maitatanong, ako pala si Chely hehehe! Alam mo ba na Single ako? Wala lang! " Chely.
Tumango na lang ako ngunit nagawa pa rin niya kiligin.
" Ako naman si Kaye! Kaibigan ko si Jerome." Pagpapakilala ng isa pang babae.
" Sige. Mauuna na ako "
Tinawag nila ang pangalan ko ngunit hindi na ako lumingon pa dahil wala akong panahon para mag-aksaya ng oras.
Pagkauwi ko pa lang sa bahay, ang pag-aaway ng mga magulang ko ang bumungad sa akin. Natigilan sila nang makita nila ako.
" Akala ko ba nasa paaralan si Mat?!" Papa.
" M...Malay ko ba! Wala siya sa kuwarto nang puntahan ko! Pwede ba?! Huwag mo na ibahin ang usapan!" Mama.
Palagi silang ganiyan. Nilagpasan ko na lang dahil walang patutunguhan ang bagay na 'yan upang pakinggan pa.
Pagkarating ko sa kuwarto, dumiretso ako sa banyo upang maglinis. Kahit dalawang oras na ako nahuli sa klase, papasok pa rin ako.
Ilang minuto ako tumagal sa banyo hanggang sa natapos na ako. Nakasuot lang ako ng tuwalya sa kalahating katawan ko nang makita ko si ate na may hinahanap sa closet ko.
" Ano ang hinahanap mo?"
Nagulat siya at napahawak sa kaniyang dibdib.
" B..Bakit ka nandito? Akala ko nasa school ka na." Ate.
Lumapit ako sa kaniya at kumuha ng uniporme.
" Ano ang hinahanap mo sa gamit ko?"
" Hindi ko kasi mahanap ang blazer ko. Gusto ko sana gamitin yung sayo tutal sanay naman ako gumamit ng malaking damit. Pasensya na. Hindi ko alam na hindi ka pa pala nakakapasok." Ate.
BINABASA MO ANG
The Heartbreaking Tale (COMPLETED)
Short StorySi Mathieu Aero ay isang estudyante mula sa International School. Kilala siya bilang perpektong lalaki dahil sa angking talino at kagandahang mukha. Para kay Mathieu, walang kabuluhan ang daloy ng kaniyang buhay ngunit nang makilala niya ang babae s...