Continuation of Flashback
Third Person's POV
Lumipas ang isang buwan, patuloy pa rin sinusuyo ni Mathieu si Daplia na kinagulat ng lahat. Hindi na sumama si Mathieu sa barkada dahil nakapokus siya kay Daplia.Napag-alaman nila na pumayag si Daplia na ligawan siya ni Mathieu ngunit lingid sa kanilang kaalaman, sinagot na agad ni Daplia si Mathieu matapos ang dalawang linggo na panliligaw sa kaniya.
Wala pa rin pagbabago sa kanila at para silang normal na magka-relasyon. Sa bawat araw na lumilipas, unti-unti nababawasan ang mga tao na galit kay Daplia. Napagtanto nila na wala silang magagawa dahil masaya si Mathieu sa piling ni Daplia.
Pagtapos ng anim na araw, sinabi ni Mathieu sa kaniyang mga kaibigan na seseryosohin niya si Daplia. Dahil doon ay unti-unti namuo ang galit sa dibdib ni Akira. Si Alicia naman ay minsan naiinis kay Daplia dahil hindi na sumasama si Mathieu sa kanila. Si Jerome naman ay suportado sa kaniyang kaibigan. Samantala, si Kade ay pa-simple kinukuhaan ng litrato ang dalawa.
Sa loob ng isang buwan, naging maganda ang takbo ng relasyon nilang dalawa. Hindi pa dumarating sa punto na nagkakalabuan sila o nag-aaway sa maliit na bagay. Sa loob ng isang buwan, palaging nakikipagkita si Mathieu kay Daplia bago sumapit ang gabi.
Nalaman ng kaniyang ina mula kay Akira na may kasintahan na si Mathieu kung kaya't ipinagbabawal na lumabas si Mathieu. Ngunit dahil mahal ni Mathieu si Daplia, gagawin niya ang paraan upang masilayan niya ang kaniya kasintahan.
Palagi siyang may dala na paboritong bulaklak ni Daplia. Saksi si Piyo sa pagmamahalan ng dalawa kung kaya't ganoon na lang ang kaniyang tuwa nang malaman niya na naging kasintahan ni Mathieu ang dalaga.
Sa loob ng isang buwan, ni isang beses ay hindi siya nagsawa na magdala ng bulaklak para sa kaniyang minamahal. Tila tuluyan na nakuha ni Daplia ang kaniyang puso.
Inamin ni Mathieu kay Daplia na nang sila'y nagkita noong bata pa lang sila, sa simula pa lang ay tumibok na ang puso ni Mathieu sa kaniya. Ngunit nadala siya ng takot dahil hindi niya kayang iwanan si Daplia lalo na't may iniinda siyang sakit na maaari niyang ikamatay.
Sa tuwing papasok sila sa school, hindi na bago sa paningin ng iba. May iilan na natutuwa dahil perpekto ang tingin nila sa dalawang magkasintahan.
Sa paglipas ng isang buwan, napapansin ng ina ni Mathieu na walang umaabot na balita sa kaniya tungkol sa sakit ng kaniyang anak. Palaging may nagsasabi na inaatake ang kaniyang anak ngunit ngayon ay tila nawala.
Akala niya ay magiging maganda ang pagsasama ni Mathieu at Daplia ngunit nakaramdam ng selos ang ina niya dahil sa iba naglalaan ng oras. Si Julia naman ay walang pakialam dahil nakikita naman niya na seryoso si Mathieu sa babae.
Masaya siya dahil nahanap na ni Mathieu ang tunay na kaligayahan hanggang sa dulo ng buhay.
Walang pinagbago sa paglipas ng isang buwan. Ang mga kaibigan ni Harrold ay palagi nakatambay sa tuwing nakikita nila si Daplia. Wala si Harrold sa loob ng isang linggo dahil sa business ng kaniyang pamilya. Lumaking mayaman si Harrold ngunit mas pinili niya makipagkaibigan sa mga tao na simple ang buhay at hindi nagpapakitang-tao.
Sa paglipas ng isang buwan, napag-alaman ni Mathieu na ang babaeng nakabangga niya sa tapat ng classroom ay ang kaibigan ni Daplia. Hindi sila palagi magkausap dahil ipinagbabawal ang babae na lapitan si Daplia ngunit kaagapay niya ang kaniyang kaibigan.
Pagtapak ng ikatlong buwan, kasalukuyan magkatabi si Mathieu at Daplia sa iisang kama. Magkayakap silang dalawa na tila hindi mapaghiwalay.
Masaya si Mathieu dahil nakilala niya si Daplia. Mabuti na lang ay umayon ang tadhana at sila ang nagkatuluyan. Naging malapit sila sa isa't isa na kahit sikreto ay hindi kayang itago.
BINABASA MO ANG
The Heartbreaking Tale (COMPLETED)
Short StorySi Mathieu Aero ay isang estudyante mula sa International School. Kilala siya bilang perpektong lalaki dahil sa angking talino at kagandahang mukha. Para kay Mathieu, walang kabuluhan ang daloy ng kaniyang buhay ngunit nang makilala niya ang babae s...