Continuation of Flashback
Third Person's POV
Sumilip si Mathieu sa loob ng kumot. Naramdaman ito ni Daplia kung kaya't dahan-dahan niya inangat ang kaniyang ulo." H...Hello, M...Matty..." Daplia.
Humiwalay si Mathieu at tumalikod kay Daplia. Bumangon si Daplia at niyakap si Mathieu mula sa likuran nito.
" Ang sarap mong yakapin!" Daplia.
Halos manggigil si Daplia sa pagkakayakap niya kay Mathieu. Inalis naman ni Mathieu ang kamay ng dalaga.
Umalis si Daplia sa kama at lumipat sa gilid ng kama na kung saan nakaharap si Mathieu.
Nakapikit ito kung kaya't pinagmasdan ni Daplia. Halos dalawang metro na lang ang pagitan ng kanilang mukha.
Napansin ni Mathieu na tila tumahimik. Minulat niya ang kaniya mga mata at hindi niya inaasahan ang mukha na bubungad sa kaniya. Agad hinalikan ni Daplia ang labi ni Mathieu na kinagulat naman ng binata.
" Yieeee~~~! Nahalikan kitaaaa!" Daplia.
Napatakip si Daplia ng bibig dahil naramdaman niya ang malambot na labi ni Mathieu.
Hindi alam ni Mathieu ang kaniyang ipapakita na reaksiyon. Bumangon siya sa kama at napahawak sa ulo dahil bigla siyang nahilo.
"U...Umalis ka dito!" Mathieu.
Imbes na sumunod si Daplia ay nag-alala siya dahil napansin niya na nahihirapan si Mathieu. Umupo si Daplia sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ni Mathieu.
" Kailangan mo uminom ng gamot para naman gumaan ang pakiramdam mo. " Daplia.
Binawi ni Mathieu ang kamay niya at sinenyasan si Daplia na umalis. Hindi siya makapagsalita dahil kumikirot ang ulo niya.
Samantala, hinanap ni Daplia ang gamot hanggang sa nakita niya ito sa lamesa. Muli siya umupo sa gilid ng kama habang dahan-dahan kinokontrol ang kutsara na naglalaman ng gamot.
" Aaahh! Kailangan mo uminom ng gamot." Daplia.
Umiling si Mathieu at tinabig ang gamot kung kaya't natapon ito sa sahig. Pinulot ni Daplia ang kutsara at naghanap ng tubig.
Pumunta siya sa pintuan na nasa kanang bahagi ng kama. Bumungad sa kaniya ang malaking silid na naglalaman ng mga damit.
" Balak mo ba ako nakawan?!" Mathieu.
Bumalik si Daplia sa direksyon ni Mathieu.
" Kung balak ko magnakaw dito, bakit hindi na lang ikaw ang kunin ko?" Banat ni Daplia sabay kindat sa binata.
Tiningnan siya ni Mathieu na tila nababagot.
" Umalis ka na dito bago pa ako magsubong sa pulis." Pananakot ni Mathieu.
Hindi siya pinansin ni Daplia at pumunta sa isang pintuan na nasa kaliwang bahagi ng kama.
Napangiti si Daplia dahil nahanap niya ang banyo. Para sa kaniya, mas malinis pa ang banyo ni Mathieu kumpara sa kuwarto niya.
Hinugasan niya ang kutsara at naglagay ulit ng gamot.
" Bakit ba ang kulit mo?" Mathieu.
" Hindi ko rin alam eh." Tugon ni Daplia sabay lapit ng kutsara sa bibig ni Mathieu.
Hindi binuka ni Mathieu ang kaniyang bibig habang masama nag tingin kay Daplia.
BINABASA MO ANG
The Heartbreaking Tale (COMPLETED)
Short StorySi Mathieu Aero ay isang estudyante mula sa International School. Kilala siya bilang perpektong lalaki dahil sa angking talino at kagandahang mukha. Para kay Mathieu, walang kabuluhan ang daloy ng kaniyang buhay ngunit nang makilala niya ang babae s...