Kung mayroon man akong babaguhin sa buhay ko, kung kailangan kong maghanap ng lampara para matupad ang mga iyon, ang hihilingin ko ay sana hindi nagkakilala ang mga magulang ko.
Sana hindi sila nagkita, nagusap; hindi naging sila... dahil hindi ko na kaya.
Hindi ko na kayang makita si Mama nagtitiis sa mga sampal, suntok, at pang-aabuso ni Papa. Hindi ko na kayang makitang sinasalo ni Mama ang mga pananakit ni Papa sakin.
Palaging lasing si Papa simula nong bumagsak ang negosyo niya. Hindi naman siya ganito dati; kung tutuusin, perpekto kaming pamilya, perpekto siyang ama... pero iba talaga ang nagagawa ng pera. Simula noon, sinisi niya samin ni Mama ang lahat ng kamalasan niya
Malakas at malaking tao si Papa, walang wala ang lakas namin para labanan niya. At kahit ilang beses namin siyang isumbong sa pulis, hindi sila kumikilos dahil dating Kapitan si Papa sa lugar namin.
Wala kaming magawa.
Tuwing umuuwi siya, kapag hindi nagustuhan ang pagkain, sasaktan niya kami ni Mama at nagdadabog, binabato samin ang pagkain at sinasaktan ulit nang paulit-ulit. Kapag hindi namin nasunod ang gusto niyang gawin, sampal, suntok, pagmumura, at pananakit ang abot.
Humiling ako nang humiling.
Walang nangyari. Walang natupad.
Hanggang sa napagod ako. Kaya naman imbis na tumunganga't umasa sa wala, ako na ang tutupad mga kahilingan 'yon.
Labing-limang gulang pa lang ay pinilit kong magtrabaho sa Karenderya, sa Library, at magbenta na rin sa palengke. Nag-accelerate ako sa pagaaral noong Grade-9 pa lang para matapos ko kaagad ang Senior High School. Wala na kong balak mag-aral dahil sa ngayon, ang tinatamo ko muna ay makapag-ipon ng pera para samin ni Mama at malalayo sa lugar na to, at kay Papa.
At kahit papaano noong ako'y twenty-year-old na, nakapag-ipon na ko ng sapat na pera.
"N-Nak... baka mahuli tayo, i-ikaw na lang ang umalis..." Kitang-kita ko ang bagong pasa sa pisngi at leeg niya. Hinaplos ko iyon at pinigilan ang sariling maluha.
Halata kay Mama ang pagod, ang sakit. Ilang beses niya nang gustong mawala pero alam kung nananatili lang siya para sa'kin. Ayaw niya akong maiwan, at ganoon din ako, Mama. Hindi kita iiwan sa impyernong 'to.
"Hindi kita iiwan, Mama... kaya please, sumunod ka na lang, hmm?" Mahina kong sabi sabay gabay sa kaniyang tumayo.
Kahit hirap, pinilit ko si Mama. Ala-una na ng umaga ko siyang ginising dahil ganitong oras naman ay tulog na si Papa dahil na rin sa ilang boteng alak na ininom nito, malalim ang hilik.
Hindi na ako nagdala ng maraming gamit, isang backpack lang na damit at mga kailangan namin ang dinala ko at isang shoulder back kung saan naroon ang pera. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta malayo lang dito.
Dahan-dahan, lumabas kami ng bahay at sa likod dumaan kung saan walang makakakita sa'min, naroon ang maliit kong motor na naka-fully-tank. Sinuot ko kay Mama ang helmet at ganoon rin ang sakin. Nanginginig man, pinilit kong maging matatag para kay Mama.
At sa huling pagkakataon, hiniling ko na sana matiwasay kaming makaalis sa lugar na 'to.
At sa unang pagkakataon, tinupad ng langit ang hiling ko.
—
STRONGLY MATURE CONTENT:
This story is strongly mature. If you don't like immoral story, skip this. Not for kids, not for BELIEVERS. Get the hell out of now, you dimwit.All Rights Reserved 2023 © Solemly_Art
BINABASA MO ANG
Will Of Mustn't (Immoral Series I)
RomanceWill of Mustn't It shouldn't--no, it's a MUSTN'T. It's wrong. All wrong. To be with him would shatter everything Faven Hope have built. They will destroy their soon to be 'family' but how can Hope resist the heat of his 'step-brother' making...