3

462 2 0
                                    

Nagising ako dahil sa uhaw. Sumasakit ang lalamunan ko kaya pinilit kong dumilat. Nakahiga na ako sa kama at nakakumot, babangon na sana ako nang maramdaman ko ang brasong nakayakap sa'king beywang.

Mahimbing na natutulog si Mama sa tabi ko. Pagtingin ko sa digital clock ay ala-una na, ang haba pala ng tinulog ko. Hindi na ko nakasabay sa pagkain nila kanina... siguro ginising ako ni Mama pero hindi ako nagising. Nakakaguilty.

Dahan-dahan kong tinanggal ang yakap ni Mama at umalis ng kwarto. Sinikap kong 'wag gumawa ng ingay pagbaba. Ang laki naman ng bahay na 'to.  Nakakatakot dahil halos patay ang ilaw maliban lang sa mga decorative lights na naka-dim. Hindi naman mahirap makita kung nasan ang kusina kahit madilim dahil may blue light sa palibot ng Ref.

Huminga ako nang malalim nang makarating. Kumuha lang ako ng bote ng tubig at tinungga iyon, nang maubos ay umakyat na ko papuntang kwarto, bubuksan ko na sana ang pinto nang bumukas ang katapat.

Na-estatwa ako at hindi na napihit ang doorknob nang lumabas si Von—Devon mula roon, shorts lang ang suot at may maliit sa leeg. Wala sa sariling naplunok ako nang may mga alaalang pumapasok sa isip.

Hindi ko alam ang gagawin nang magtama ang aming mata. Katulad kanina, tamad lang siyang nakatingin at parang hindi ako kilala. Hindi ko alam kung masasaktan ba ako o magpapasalamat nang lagpasan niya lang ako. Naamoy ko kaagad ang panglalaking aroma na pamilyar sakin.

Bago pa man mawala sa sarili ay pinilit kong buksan ang pinto sa kwarto pero bakit ayaw mabuksan? Pinilit kong pinihit ang doorknob pero ayaw niya talagang bumukas, na-lock ko ba sa loob kanina? Pinihit ko nang pinihit, kakatukin ko na sana pero naalalang mahimbing ang tulog ni Mama kanina, ayoko siyang maistorbo dahil pagod din siya.

Sinubukan ko ulit na pihitin nang—“It automatically locks,” Napalingon ako kay Devon na ngayon nakahawak sa towel na nasa leeg at parang walang pasensiyang nakatingin.

Ah! G-Ganun ba...” Awkward akong ngumiti sa kanya at nag-isip kung matutulog pa ba ako o ano. “Sige...” Hindi ko alam kung anong i-aakto o sasabihin sa harap niya lalo nang nakatitig lang siya't walang imik. Kumurap-kurap lang ako at mabilis ko siyang nilampasan pero 'di pa ako nakakaalis ay naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko.

Napaigtad ako sa gulat at tiningnan siya, para akong napapaso sa init ng kamay niya... o baka dahil sa kuryenteng naramdaman nang magdikit ang aming balat. “B-Bakit?” Tanong ko nang nagsalubong ang kilay niya.

Did you just flinched?” Napakurap ako sa tono niya. Binatawan niya na ako kaya umiling ako.

“Nagulat lang...” Mahina kong saad at umiwas ng tingin. Walang umimik at hindi ko na maiwasang mailang hindi dahil sa wala siyang suot pang-itaas kundi dahil sa pagtingin niya. Pero naalala ko ang mga naisip kanina sa kwarto. Hindi dapat nila Mama at Dalfon malaman ang dating kami. Siguradong ganoon din ang gusto niya... narinig ko ang buntong hininga niya at paggalaw.

Mabilis akong nag-angat ng tingin nang papasok na siya sa kwarto. “V-Vo—De...von,” Bakit ba ako gan'to. Walang emosyon siyang nagtaas ng tingin. “Pwede ba tayo mag-usap?” Nilakasan ko na ang loob ko at lumapit sa kaniya, natatakot na baka may makarinig.

About what?” Walang gana niyang sabi at pumasok sa loob ng kwarto niya. Napawaang ang aking labi at hindi alam ang gagawin. Papasok ba 'ko o hindi? Ayokong pumasok sa kwarto niya pero nang automatic na sasara na ang pinto, pikit mata akong humakbang papasok.

Bumuntong hininga ako at sinundan siya ng tingin na ngayon nagsusuot na ng white shirt. Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay, parang sinasabing sino ako para pumasok sa kwartong 'to. “Past... the past,” Mahina kong saad.

Please, makinig ka.

Wala siyang pakialam na nakatingin, naghihintay ng sunod kong sasabihin. Ah, bahala na. “Pwede bang... kalimutan na natin kung anong meron tayo n-noon?” Nanginginig ang boses ko pero nasimulan ko na. “Masaya sina Mama sa isa't-isa at tayo ang magiging problema pag nalaman nila! Magiging p-pamilya na naman tayo at hindi naman natin alam pareho na magiging gan'to pero civil na naman tayo, 'di ba?” Humihina nang humihina ang boses ko dahil mabagal siyang naglalakad palapit sa'kin.

Umatras ako nang umatras nang mapasandal na 'ko sa pinto, hawak-hawak ko pa rin ang doorknob, takot na baka mag-lock na lang bigla nang tumigil siya sa harap ko. Tumingala ako nang marinig ang sarkastiko niyang tawa, mapait at walang emosyon siyang tumingin sa'kin, inilapat niya ang kamay sa doorknob na hawak ko at sapilitang tinanggal iyon don, at pinalit ang sa kaniya. Napalunok akong tumingin.

Family... civil? Really, Ven?” Napawaang ang labi ko nang marinig ang ngalang 'yon na siya lang ang tumatawag sa'kin. “You don't fucking know how much I want to fucking destroy you right now, you know that?” Naramdaman ko ang isa niyang kamay na humawak sa aking beywang at hinila ako palapit sa kaniya.

Tumungo siya at bumulong sa'king tainga. “And I will.” Nagsitaasan ang balahibo ko sa init ng hininga niya ay sa higpit ng hawak niya sa baywang ko, pigil hininga akong na-estatwa. Binitawan niya ako at mabilis na tumalikod. “Leave,” Halos malimutan ko nang huminga sa pagpipigil. “I don't fucking care about them.”

Hindi pwede!

Devon—”

Leave!” Bumalik ulit siya at marahas na binuksan ang pinto at walang pasabing inilabas ako at sinara ulit 'yon. Napatitig ako sa nakasarang pinto at walang pag-asang napaupo.

Ano nang gagawin ko? Bakit ayaw niya na lang limutin lahat? Hindi ko naman alam na magiging ganto! Hindi dapat malaman nila Mama... Please...

Kung ako ang magiging dahilan ng pagkasira ng pamilyang 'to... hindi ko kakayanin. Ang tagal binuo ulit ni Mama ang sarili niya, tanda ko dati na lagi siyang takot sa kahit sinong lalaking lalapit samin... at ngayong nagkaron na ulit siya ng panibagong buhay, panibagong minamahal... hindi ko kayang sirain 'yon.

Ganoon din kay Dalfon, ano na lang ang sasabihin nila kapag nalamang ang mga anak nila ay may nakaraan?

Hirap man, dahan-dahan akong tumayo habang pinupunasan ang luha. Bumuntong hininga ako at naglakad pababa papuntang sala, malaki ang sala set at kasiyang-kasiya ako roon. Humiga ako at niyakap ang isang unan. Bahala na. Gagawa ako ng paraan.

Dahil sa pagod at antok, mabilis lang akong nakatulog.

“I'm sorry, Darling. I'm so sorry...” Gan'to ko ba siya ka-sobrang iniisip kaya pati sa panaginip nandito siya?

Nakaramdam ako ng dampi ng malambot na bagay sa'king mga mata, pisngi, ilong, at noo. Parang totoo... pero alam kong panaginip lang 'to dahil alam kong galit sa'kin si Devon. At hindi lang ito ang unang beses na napanaginipan ko siya.

“I'm sorry, Ven... but I can't do what you want. I want us. I want us as our own family, not theirs. I don't fucking care anymore why you left me, just please...” Hindi ko na maintindihan ang mga sunod na narinig sa panaginip nang makaramdam ng sakit sa dibdib.

Bakit pati sa panaginip nakakaramdam ako ng sakit?

Pinilit kong imulat ang aking mata at nasigurado kong panaginip nga nang makita siya. “V-Von...” Ibang-iba sa Devon kanina.

Yes, Darling?” Hinaplos niya ang pisngi ko at gusto ko nang manatili rito. Dahil dito, nakikita ko ang mata niyang puno ng emosyon. Ang buwan lang ang nagsisilbing liwanag para makita siya pero bakit ang linaw-linaw ng mata mo sa panaginip kong 'to.

“This is a dream... right?” Marahan siyang ngumiti at hinaplos ang aking pisngi. Nilapit niya ang muka at hinalikan ang aking noo, patungong ilong, at tumigil sa tapat ng aking labi at tinitigan ako.

Consider it one,” Sabi niya at pinagdikit ang aming labi. Marahan pa sa marahan ang paraan ng paghalik niya; puno ng pag-iingat, puno ng emosyon. Dinama ko ang halik na 'yon at ginaya ang paraan niya... ganito ko ba siya ka-miss na pati sa panaginip ayaw kong maghiwalay ang mga labi namin?

Nagtagal na mabagal lamang iyon at kahit ayaw ko mang matapos, panaginip lang 'to. Unti-unti ay humiwalay na ang labi niya. At kahit masakit, pinilit kong itulog na lang yon.

Will Of Mustn't (Immoral Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon