7

330 2 0
                                    

May sakit ka ba, 'Nak?” Agad akong napatingin kay Mama pagbaba, kinakabahan. Pinagpapawisan ako pero kailangan kong takpan lahat ng marka sa'king katawan dahil kahit lagyan ko ng foundation, bakat pa rin.

Para tuloy akong nasa ibang bansa sa suot ko.

Nilibot ko ang paningin at tiningnan kung may kung anong bakas ng nangyari kahapon... pero malinis. Bago na ang cover ng sala-set, wala ring kung anong... amoy. Wala rin ang anino niya. Nakahinga ako nang maluwag.

Nilapitan ko si Mama at hinagkan ang kaniyang pisngi, may kung anong binabasa siya sa sala, siguro tungkol pa rin sa kasal.

Medyo nilalamig lang po. Hindi pa rin po ako sanay sa Aircon,” Palusot ko na lang. Medyo totoo naman dahil nasanay na katawan ko sa init ng paligid ko noon pero biglang lumipat kami sa bahay na 'to na kahit sa Restroom ramdam ang lamig.

O, siya... kumain ka muna at kailangan pa nating asikasuhin ang pag-aaral mo,” Agad akong napatingin kay Mama.

Ngayon nga pala ang enrollment ko, bakit ko nalimutan?! Minadali ko na ang mga kilos ko dahil limot ko talaga ang tungkol doon. Medyo sagabal pa ang panghihina ng gitna ko pero pinilit ko ang sarili. Pagkatapos ay hindi na ako nagbihis, dinagdagan ko lang ng thin-coat na brown. Inilugay ko ang  buhok upang matakpan din ang aking leeg.

Inihanda ko ang mga kailangang papeles at bumaba na. Nagliligpit na ng gamit si Mama nang maabutan. Tinulungan ko na siya, hinatid kami Dawn nang ligtas at maya-maya ay naroon na kami sa university na papasukan ko.

Napawaang ang aking labi nang makapasok sa loob. Halatang pang-mayaman ang unibersidad. Malalaki, malinis, at uniformed ang design ng bawat building pero ang mga estudyante ay pinapayagang casual ang suot.

Private school ito kaya naman nang makita ang tuition fee ay halos lumuwa na ang aking mata. Anak ng...

Thank you, Ma'am. Again, welcome to our university, Ms. Hope,” Bati ng registrar nang matapos na namin ang proseso. Dahil kakasimula lang ng pasukan, pwede pa raw ako humabol, bukas na kaagad ay makukuha ko na schedule ko at pwede na'kong mag-aral.

Akala ko may qualifying or entrance exam pa pero wala silang ganun... talagang pera lang ang susi para makapasok dito. Blanko ang aking isip. Dapat ay masaya ako na makakapag-aral na ulit ako... pero bakit parang hindi ako bagay sa lugar na'to, na hindi ako belong sa mundo ng mga mayayaman.

Napansin ni Mama ang pagkatahimik ko, umiling lang ako at sinabing kinakabahan lang dahil ang tagal na mula noong tumigil ako. “Basta, 'wag mong isipin ang mga bayarin, ha? Ako na bahala roon...” Marami pa siyang mga paalalang sinabi at ngumingiti na lamang ako.

Naglibot-libot muna kami sa unibersidad, malaki nga talaga at maganda. Maraming puno at maaliwalas ang hangin. Nag-ring ang cellphone ni Mama at in-excuse ang sarili tumango ako at umupo sa isang wooden bench sa ilalim ng malaking Narra.

That's my spot,” Dinarama ko ang hangin nang may magsalita sa gilid ko. Agad akong napatingin sa nagsalita at...

Ang ganda naman nito...

Nakataas ang arkong isang kilay ng babae. Morena, naka-pony tail ang kulot na mahabang buhok, mapula ang labi, at ang parteng nagbigay ng mas lalong kinang sa kaniya ay ang kaniyang grey na mata. Mukha siyang taga-ibang bansa. Ang bigat din ng presensiya niya, nakakaintimida. Agad akong napatayo.

“S-Sorry...” Paumanhin ko. Umirap lang ito at humiga sa bench. Nagpaiwas ako ng tingin dahil naka black  na loose crop-top sando lang ito na walang suot sa loob at skinny jeans. Ang ganda ng kurba niya...

You're pretty.” Gulat akong napatingin sa kaniya. Nakapikit na 'to at parang walang pakialam sa paligid, inunan niya ang kaniyang braso.

Hindi ko inaasahan sa kaniya 'yon. “Uhh... salamat... ikaw din, sobrang ganda mo,” Dahil 'di ko na alam ang sasabihin napakamot ako sa ulo bago umalis na dahil tinawag na 'ko ni Mama, mukhang wala naman siyang balak na makipag-socialize pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Will Of Mustn't (Immoral Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon