5

401 4 0
                                    

Halos isang oras ako sa banyo at paulit-ulit na pinapagalitan ang sarili. Hindi na dapat ako nananaginip nang ganoon. Hindi pwede. Hindi dapat.

Bumuntong hininga ako bago lumabas dahil sa gutom. Hindi ko alam kung ilang oras akong tulog pero madilim ba sa labas, wala pa rin sila Mama. Umupo ako sa kama at binuksan ang cellphone ko, agad bumungad ang mensahe nila Mama at Dawn. Inuna kong buksan ang kay Mama.

From Mama:
Anak, busy pa kami sa planning ng reception at ibang papeles pa, baka late o bukas na kami makauwi. Marami namang lutuin sa ref pero may tira pa kami dyang kanin at ulam. Basta kumain ka, ah? I love you, Nak

To Mama:
Opo, ingat po kayo. Ilyt

From Dawn:
ateeeeeeeeeee huhu so srry i think i can't come home tonight, i alrdy informed dad hehe just letting yk and also, if big bro's mean, lmk ill punch him tom, xD

To Dawn:
Okay. Ingat ka, ah. Goodnight.

From Dawn:
yes pu, goodnight ily mwkjsbs

Pinatay ko na ang cellphone ko at tumunganga muna. Hindi ko alam bakit kinakabahan ako kahit 'di naman ako sigurado kung nandyan siya.

Sana... wala.

Bumuntong hininga ako at hindi na talaga kinaya ang gutom, madilim ang paligid... ibig sabihin wala siguro siya? Napangiti ako at hindi na nagabalang magbukas ng ilaw sa sala. Hindi na ako nagluto, ininit ko na lang ang natirang ulam at kanin tsaka kumain. Hindi ako nagtanghalian kaya sobra ang gutom ko at naubos ko ang pagkain.

Siguro naman kumain na siya sa labas o ano... Ah, basta, malaki na siya.

Nang matapos, niligpitan ko lang ang kinainan at aakyat na sana nang maisipan kong manood sa sala dahil kapag naroon ako sa kwarto ko, for sure makakatulog ako... at kapag—

Ayoko nang isipin. Please lang.

Kumuha ako ng ilang chips at dalwang can sprites at pumunta nang sala. Nilapag ko lang sa coffee table at binuksan ang flatscreen na triple ang laki ng nasa kwarto ko.

Nakatayo ako habang ginagawa yon, pumunta akong Netflix account ko, at pinili ang 'The Notebook' dahil ayon ang trending ngayon. Sa sahig ako umupo imbes na sa sofa at sumandal lang doon. Medyo nilaksan ko ang volume at kumain ng chips.

Halos nasa kalagitnaan na ang pelikula nang marinig ang ingay ng sasakyan sa labas. Agad akong tumayo. Baka sina Mama. Tumakbo akong papuntang doon at binuksan ang pinto. Napaltan ng gulat ang ngiti ko nang makitang si Devon iyon at... mukha siyang lasing?

Devon?” Agad ko siyang inalalayan nang matutumba na sana siya. Agad siyang lumayo at umiling-iling.

Pumasok siya sa bahay at hindi ako pinansin, sinundan ko siya dahil mukha siyang lasing. “Lasing ka ba?” Tanong ko habang nag-aattempt na alalayan siya.

Agad siyang humarap sakin at ngumisi. “I'm not... Hope,” Napakurap ako dahil first time kong marinig ang ngalang yon sa kaniya. Napansin niya ang expression ko at sarkastikong humarap. “Why? Am I not allowed to call you that, too? They call you that, we're family, right?” Bumuntong hininga ako at umiling dahil lasing nga siya.

Lumapit ako sa kaniya at aalalayan na sana siyang umakyat pero papunta siyang Sala at “M-Magpahinga ka na—Devon!” Dahil madilim, hindi niya nakita ang flower vase sa gilid at dahil nakahawak ako sa kaniya, sabay kaming natumba sa sahig, ako sa ilalim niya. Akala ko ay mauuntog ako pero naramdamnan ko ang kamay niya sa likod ng ulo ko.

Fuck, are you okay? I'm sorry, Darling—Fuck...” Agad niya akong sinuri, halatang kinakabahan kung may sugat o nasaktan man ako. Napalunok ako nang marinig iyon.

Will Of Mustn't (Immoral Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon