"Hope, Anak!"
Napangiti ako nang marinig ang masiglang boses ni Mama. Pumasok ako sa mumunting naming bahay ngunit bahay na masasabi ko ng tahanan ngayon.
Marami ang nagbago simula noong umalis kami sa lugar na yon. Mag-iisang taon na. At sa pangalawang pagkakataon, nabuhay ulit kami ni Mama.
Nasa Luzon na kami, halos tatlong araw kaming bumyahe ni Mama mula Visayas. Marami kaming problemang naranasan sa mga panahong 'yon pero naging madali na dahil alpas na kami sa patay naming buhay.
Binaon ko na sa lupa ang buhay ko noon, pinaltan namin ang mga pangalan namin sa takot na baka mahanap kami ng demonyo. Kaya ngayon, ay panatag na kami na walang makahanap samin.
Masaya akong pumasok sa bahay hawak-hawak ang pasalubong kong prutas kay Mama pero nang makapasok, unti-unti kong nabitawan ang dala.
Sa tabi ni Mama, may nakatayong isang lalaki. Sa unang tingin pa lang, mahahalatang may lahi. Malaki at matangkad. Ngunit wala roon ang atensyon ko, kundi nasa kamay nito na nakahawak sa beywang ni Mama.
"Hope, Anak..." Ngumiti sakin si Mama at kahit 'di man niya sabihin, mayroong namamagitan sa kanila dahil iba ang kislap ng mata niya.
Nilapitan ako ni Mama at hinawakan. "Anak, si Dalfon, manliligaw ko... Dal, si Hope, anak ko..."
Manliligaw?
Nahihiyang nilahad noong lalaki ang kamay niya. "Hello, dear! Faven Hope, right? I heard a lot about you from your Mom," Ngumiti ito sa'kin pagtapos kay Mama.
Sa paraan ng pagtitig niya kay Mama, kahit hindi ko man aminin, may naramdaman akong saya. Nakangiti siya kay Mama na para bang walang ibang tao sa paligid kundi sila, ganoon din si Mama sa kaniya.
At alam ko sa sarili ko na masaya si Mama, pinalaya niya na ang sarili niya sa nakaraan, at sino ba naman ako para pigilan ang kaligayahang yon.
Kaya naman, "Oo naman, Mama..."
Umiiyak siyang niyakap ako nang aprobahan ko ang kasal nila. Mabait at maalagain si Dalfon at sa isang buwan niyang panliligaw sa bahay, nakita ko ang sinseridad niya kay Mama; kahit na hindi niya alam ang nakaraan namin ni Mama, nirerespeto niya raw iyon at maghihintay raw siya kung kailan handa na si Mama.
May pamilya din si Dalfon. Hindi maganda ang buhay nila noon dahil iniwan siya ng asawa noong bumabagsak ang kompanya niya, may dalawa silang anak; Isang lalaki na apat na taong gulang ang tanda sa'kin at isang babae na tatlong taong bata sa'kin.
At makikilala ko na sila ngayon.
"Don't worry, Hope... they're both open in welcoming our family as one," Ani ni Dalfon nang nasa byahe na kami.
"Opo... Dad," Awkward. Hindi ako sanay na tawagin siya non kahit pa ilang beses niya nang sinabi na i-adress siyang 'Dad'.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Mama. "'Di pa rin sanay, Dal, oh..." Parehas silang tumawa. Umiling na lang ako ay tumingin sa bintana. Nakakaintindi naman daw nang maayos ng Tagalog ang pamilya pero hirap lang sila magsalita dahil sa accent.
Huminto ang sasakyan sa isang—wow—malaking bahay. Napanganga ako dahil halatang pangmayaman. Brown, white, and gray ang hues ng at halatang bago lang na itinayo. Dahil ang sabi nila, gusto nila na magbagong buhay at bahay para sa bagong pamilya.
At dito na kami titira ni Mama. Pero hindi namin ibinanduna ang maliit naming bahay, pwede pa rin tirahan kung sakali dahil naroon pa ang ilan naming gamit.
Nangangamba man, sumunod ako sa kanilang lumabas sa sasakyan at tumulong sa pagbuhat ng mga gamit namin ni Mama. Nang makuha ang mga gamit, tinawag ako nila Mama papasok sa malaking itim na gate.
Pagpasok namin ay may dalawang taong nag-aabang, babae na kumakaway at lalaking may kung anong ginagawa sa cellphone, nakatungo ito kaya 'di ko masyadong makita ang mukha, lalo pa na long hair? Nakapuyod lang na mababa. Hindi ko maiwasang mamangha sa lahi nila, talagang iba... kahawig ng mga nasa napapanood kong international films.
Malaki ang ngiti ng babae na nakatingin sa'min ni Mama dahil bumalik sa sasakyan si Dalfon para kunin pa ang ibang gamit. Masaya namang kumaway si Mama at sinundan ang lalaki para tumulong. Aatras sana ako para tulungan sila pero nakita na ko ng dalaga.
"Hello po! You must be Hope!" Masigla nitong bati sa'kin na kabaliktaran sa lalaki na nasa cellphone. Siniko ito ng dalaga dahilan para makuha nito ang atensyon. Tamad itong nagtaas ng tingin at nang klaro kong makita ang mukha, sabay ng pagkalaglag ng mga gamit kong dala, ang pagbuhos ng malamig na tubig sa'king mukha.
What the hell...
Bakit siya nandito? Bakit...
"Oh—Dawn, Devon, I see you already met your sister," Rinig kong masayang sabi ni Dalfon.
"Yes, Dad! Hi, Mother! Nice to see you two po!" Rinig kong batian sa gilid pero tila hindi ako makapag-isip nang maayos at nakatitig lang sa lalaking nasa harapan ko... ganoon din siya, ngunit kami'y magkaiba.
Gulat, kinakabahan, at takot akong nakatingin sa mata niya pero siya ay parang wala lang. Para bang inaasahan niya nang magkikita ulit kami o hindi naman, para bang limot niya na kung sino ako; na isa lang akong estranghera.
"Hope? Anak?"
Hindi pwede. Hindi.
"Anak? Okay ka lang ba? Hope?"
Bakit naman sa dinami-rami, ikaw pa ang bago kong pamilya... Von?
Hindi pwede. Hindi pwedeng ang Ex-'Fubu' ko ang magiging Step-Brother ko.
—
BINABASA MO ANG
Will Of Mustn't (Immoral Series I)
RomanceWill of Mustn't It shouldn't--no, it's a MUSTN'T. It's wrong. All wrong. To be with him would shatter everything Faven Hope have built. They will destroy their soon to be 'family' but how can Hope resist the heat of his 'step-brother' making...