Garrison's P. O. V.
Habang hinuhubad ko ang aking damit dahil natapunan ito ng juice. Narinig ko ang vibration ng aking cellphone, mayroong notification kaya agad ko itong tinignan.
"It's her..." Napangiti ako nang mabasa ang text ni Azrielle.
From Azrielle: How are you? Ngayon ko lang nabasa ang email mo sa akin. Anong gusto mong pag-usapan?
To Azrielle: About the marriage. Kailan ka uuwi ng Pilipinas, do you have an exact date?
From Azrielle: Wala pa. Itutuloy pa rin ba talaga ang kasal? I mean, we're friends, hindi naman sa ayaw ko sa 'yo pero we're not in love.
Napangiti ako, paniguradong matutulungan ako ni Azrielle.
To Azrielle: That's what I want to say. Pwede bang huwag natin ituloy?
From Azrielle: Let's talk about that soon.
To Azrielle: Sure, thank you.
Binaba ko ang aking cellphone at saktong bigla na lang bumukas ang pinto. Akmang sisigawan ko ang taong hindi na naman kumatok ngunit laking gulat ko nang makita kung sino iyon.
"Eviane," tawag ko sa kaniya.
Kasabay ng malakas na lampag ng pinto ay nabitawan niya lahat ng folders na hawak niya. Napaawang ang labi nito habang nakatingin sa aking katawan. Napagtanto ko na wala akong suot pang-itaas.
"Do you like the view?" Pilyo kong sambit.
"Anong pinagsasasabi mo? Nahihibang ka na ba?" iritable ang boses nito pero pansin kong naiilang siya.
Kailan kaya siya magiging komportable sa akin? It feels like akala niya palagi akong nakikipaglokohan sa kaniya.
Isa-isa niyang pinulot ang mga folders na nagkalat sa sahig. Lumapit naman ako para tulungan siya. Habang kinukuha ko ang mga papel ay pansin ko ang pamumula ng pisngi niya. Napangisi ako nang napagtantong pasimpleng sumusulyap si Eviane sa aking muscles.
"I guess these are all mine?" tanong ko.
"O-Oo, galing sa project 3. Ipapa-check daw sa inyo."
Kinuha ko ang lahat ng folders at papel saka ipinatong sa aking lamesa. Pumunta naman ako sa maliit kong closet kumuha ako ng bagong polo.
"Open the television," utos ko kay Eviane.
Agad na sumunod si Eviane. Balita ang palabas sa tv. Naupo ako sa aking swivel chair, habang si Eviane naman ay naupo sa couch. Inaayos ko ang mga papel sa loob ng folder, napansin kong nag-ramble ito kaya hinanap ko pa ang page 1 para pagkasunod-sunurin ang mga ito bago basahin.
"Isang business man, nakulong dahil sa mga ilegal nitong trabaho. Sikat at kilala si Vincent Ocampo bilang...."
Napatigil ako nang marinig ko ang pamilyar na pangalang 'yon.
"T-Teka, siya yung lalakeng nagbigay sa akin ng wine sa ball night party!" napalingon ako kay Eviane habang tinuturo ang TV.
Napangiti ako. Nakulong na pala siya, finally. Dapat niyang pagsisihan habambuhay ang mga ginawa niya.
"B-Bakit nangingiti ka d'yan?" tanong sa akin ni Eviane.
Napailing na lamang ako habang tinutuloy ang aking ginagawa.
"Lakasan mo pa ang volume, nakikinig ako ng balita."
"Sir, hindi ba nagbabasa ka ng mga papel diyan? Paano ka pa nakikinig?" tanong ni Eviane habang hawak ang remote.

BINABASA MO ANG
Mr. CEO's Obsession
RomancePaghihiganti ang nasa isipan ni Eviane Elaine sa kaniyang ex-boyfriend na si Solomon. Matapos siyang lokohin ng kaniyang ex-boyfriend ay humarap siyang matatag sa kanilang night ball. Dahil sa pagiging desperada ni Eviane na pagselosin ang kaniyang...