Eviane Elaine's P. O. V.
"N-No!" napa-praning kong sambit.
"Sino ka ba!? Nasaan yung Garrison na 'yan!? Sino ba 'yon, anak?" naguguluhan na tanong ni Mama sabay lingon sa akin.
"H-Hindi ko siya kilala, Ma. Narinig ko lang yung pangalang Garrison pero hindi ko talaga siya kilala--"
"Let me formally introduce myself. I am Mr. Garrison Bartolome's personal assistant, my name is Jonathan. Please accept this." Inilapit ni Jonathan ang bouquet sa mukha ko.
"Kuhanin mo na, ate!" sigaw ni Donna.
"Ako na kukuha para sa 'yo!" May halong saya ang boses ni Victa, parang siya pa ang kinikilig. Mabilis na kinuha ni Victa ang bouquet at ipinasok sa loob ng bahay.
"W-Wait, excuse me, Mr. Jonathan. I won't go out for breakfast with a total stranger. I don't know him." Tinaasan ko siya ng kilay.
Garrison must be a wealthy man. Halata naman dahil mayroon pa siyang personal assistant at narinig ko ang pangalan niya sa Night Ball Party, siguro ay isa siya sa mga business man doon.
"Oo, kilala ko ang anak ko. Hindi sumasama sa mga estranghero 'yan. Baka mamaya kidnap-in niyo pa 'tong anak ko, eh--mukha ka ngang scammer!" sigaw ni Mama.
"Ma, hinaan mo boses mo. Maririnig tayo ng mga kapitbahay!" bulong ko kay Mama.
"Sandali! Ang niluluto ko!" sabi ni Mama sabay takbo papasok ng bahay.
Nilingon ko si Jonathan, "Umalis ka na dahil hindi ako sasama sa Garrison na 'yan. Kahit ano pang gawin mo, I don't do breakfast with a stranger," inirapan ko siya.
"You already kissed a stranger, slept with a stranger, then ayaw mo pa ring makipag-breakfast sa strang---" mabilis kong tinakpan ang bibig ni Jonathan.
Nanlaki ang mga mata ko. Ang malaking kahihiyan na ginawa ko, hanggang dito ba naman ay dadalhin ko!? Baka marinig pa ng pamilya ko ang kagagahan na nagawa ko.
"T-Tumahimik ka!" Pinanlakihan ko ng mata si Jonathan.
Hinawakan ni Jonathan ang kamay kong nakatapal sa bibig niya. Tinanggal niya ito at tumingin sa mga mata ko.
"Pareho kayong hindi nagpakilala sa isa't isa. Mr. Garrison wants to meet you tomorrow, exactly 7 am ay nandito na ako."
"Paano niyo nakuha ang pangalan ko, address ko at---"
"It doesn't matter, Ms. Eviane."
"It does matter! This is my personal privacy. Idedemanda ko kayo---"
"My boss might also be accused you for sexual harassment."
Hindi ako nakapagsalita. Wala akong laban sa kanila. Ako ang unang nagka-atraso. Napakahirap naman ipaglaban ng side ko. Paano ko tatakasan ito? Hindi ako makapaniwala na Garrison ang pangalan ng lalakeng nahalikan ko, what in the world!?
"See you tomorrow, Ms. Eviane." Binitawan niya ang kamay ko at agad na lumakad patungo sa katapat na kalsada kung saan may naka-park na isang sasakyan.
"Oh, saan na pupunta 'yon? Teka, sa kaniya ang malaking sasakyan na 'yon?" hindi makapaniwalang sabi ni Mama sabay turo kay Jonathan na nagmaneho palayo sa amin.
"O-Oo, Ma."
"Mukhang tunay nga, personal assistant siya? Mukhang mayaman ang sinasabi niyang Garrison."
Napapikit ako ng mariin. Pakiramdam ko kaya lang niya ako hinahanap para pagbayarin sa mga ginawa ko. Hindi pa ba sapat na binigay ko ang katawan ko sa kaniya dahil lasing ako? Pinagsamantalahan din naman niya ako, ha?

BINABASA MO ANG
Mr. CEO's Obsession
RomansaPaghihiganti ang nasa isipan ni Eviane Elaine sa kaniyang ex-boyfriend na si Solomon. Matapos siyang lokohin ng kaniyang ex-boyfriend ay humarap siyang matatag sa kanilang night ball. Dahil sa pagiging desperada ni Eviane na pagselosin ang kaniyang...