Chapter Twenty One

26 1 0
                                    

Chapter 21: Heart Desire

~~~
Alexia's POV

"Hindi pa ba tapos sina Zayn at si Myles?" iritadong tanong ko habang komportableng nakatunganga sa isang couch.

We've been waiting for them for a while now. Ako lang ang dapat na aalis dahil may importanteng inuutos sa akin si Dad which I obliged to do.

Kaso dahil dakilang chismoso si Andrew, tinanong niya kung saan ako pupunta dahil nakagayak ako. Ipinagsigawan niya na aalis ako at dahil curious silang lahat at mukhang bored na din sila kaya nagsipagsama naman.

Until now, they don't have any idea who I really am, and I hope it stays that way. But I got a little hint that Bryce knew something. He always leaves every night, and it seems like I'm the only one who notices.

Every time na aalis siya, nakikita ko ang sasakyan niya paalis dahil ang balcony na tinutulugan ko dito sa headquarters ay nakatapat sa front yard. Kaya kitang kita ko kung sino ang aalis.

Anyway, almost 30 minutes na kami naghihintay doon sa dalawa. They probably thought I'd be going to the mall, so they're really taking their time to look good.

Sabay na bumaba ang dalawa. Gayak na gayak si Zayn. Mukang pinaghandaan nila ang pag-alis namin kahit hindi pa nila alam saan pupunta.

"Tara na," sagot ko.

Gagamitin lang namin ay iisang sasakyan. Sumakay ako agad sa driver seat samantalang si Bryce naman ang nasa passenger seat. Nagsiksikan naman ang apat sa backseat at mukhang hirap na hirap pa sila.

"Sa'n ba tayo pupunta, Lexi?" tanong ni Andrew na medyo nahihirapan dahil pinag-gitna siya ng kapatid niya at ni Zayn na inaayos ang sarili.

"May bibilhin lang kasi ako, bakit ba sumama pa kayo?"

"Syempre, we stick together," natatawa niyang sagot.

I just rolled my eyes at him. Tinignan ko ang katabi ko na tahimik lang na nakatingin sa bintana. Nang makarating kami sa isang grocery, agad ko silang inutusan para kumuha ng apat na cart.

Inutusan ko na rin silang kumuha ng mga masasarap na pagkain. Kasama na ang vegetables, fruits, at pork and meats.

Tinanong pa nga ako ni Damon kung para saan ang lahat ng pinamimili namin dahil bakit sobrang dami. Hindi ko na lang siya sinagot sa tanong niya, sa halip ay sinabi ko na oras na at kailangan na namin magmadali.

Nang matapos kami at makapagbayad ng libo-libo, agad kaming umalis doon at nag-drive thru sa isang fast food chain. I ordered five buckets of chickens at mga iba pa na gusto nilang bilhin. Katulad na lang ni Myles na gusto ng apple pie habang si Andrew na gusto ng ice cream, si Zayn na gusto ng burger, at si Damon at Bryce na gusto lang ay isang fries at coke float na gusto ko rin.

Nang tingnan ko ang mga kasama ko sa rearview mirror, parang lantang gulay sila. Paano ba naman lahat ng energy nila ay tinodo nila nung nasa grocery store kami.

The place we're going to is quite far and secluded, so I let them sleep for a while.

Hillwood is a far place north, hindi nasasakop ng gobyerno at mostly doon nagiging hideout ng matataas na ranggo sa underground. Only few people know this place, pero although hindi sakop ng gobyerno ang lugar na 'yun, isa pa rin itong matatag na komunidad.

Wala kang masasalubong na sasakyan pabalik sa syudad. Puro puno lang at mga nagtataasang mga damo. Hindi mo talaga aakalain sa dulo ng tinatahak naming daan na may liblib na lugar na walang nakakaalam. Pagdating namin sa dulo ng daan, nahati ito sa dalawa. Sa paningin ng marami ay dalawa lang pero may isa pang daan na natatakpan ng matataas na damo.

The Gangster Society: Kings and QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon