ED'S POV
"Diba dapat pinapaulanan na tayo ng bala? Tapos may parang siraulo na susugod sa harap natin para mamatay? Tsk, boring naman 'tong napuntahan natin eh." Tanong ni Morty. Papalapit na kasi kami sa isang storage house. Nakakapagtaka na wala pang bakbakan na nangyayari.
"Tsk, wag kang mainip." Sagot ko.
"Oh, nandito pala 'yung mga pangit eh." Sabi ni Morty habang sinisipa-sipa 'yung taong nakahilata. Wala na itong malay. Sinipat ko 'yung mga puno sa paligid. May mga tao din dun na nagmistulang manika dahil hindi na gumagalaw.
"Bilisan na natin" agad kaming tumakbo papasok ng storage. Bumungad samin ang eksena na may nakatutok na baril kay Sot. Nakahandusay na si Kier, si Leo naman ay nakatali na tila wala nang malay. Mayroon pang mga nakahandusay na mga lalaki. Agad namang binaril ni Morty 'yung lalaking may hawak na baril. Dalawa sa ulo isa sa dibdib.
"DAPA!" Sigaw ko. Nagsimula na kaming paulanan ng bala ang mga sumusugod na pangit.
Antatanga naman nitong mga 'to. Parepareho ng damit! Hindi tuloy kami nahirapan kilatisin kung sino ang kalaban.
"Oy!? Sino ang putangnang Leader nyo?" Tanong ni Morty habang sinisipa 'yung isang panget na buhay pa. "Ayaw mong magsalita? Tutuluyan na kita?" Dagdag na tanong ni nya. Umubo muna 'yung pangit at sumuka ng dugo. Tsk, inaaliw lang nya si Morty. "S-si J-jayson"
"Ah okay!" Walang sabi na pinagbabaril ni Morty 'yung kawawang pangit hanggang sa tumalsik ang dugo nito sa muka nya. "Damn! It feels so good!"
Napailing nalang ako. "Gin!" Tinawag naman ako ni Sot kaya napatingin ako. Kinakalagan nya si Leo. Lumapit ako. Pinabayaan ko muna si Morty na magpakasasa sa trip nya. "Who's that motherfxcker!?" Kier groaned. Nginisian ko sya. "Fxck you Nerd!" Sigaw nya ulit. Sot chuckled. May mga lalaki din na lumalapit samin. Sa palagay ko ay sila 'yung members ng gang nya.
"Soda! Si Leo" sigaw nung isang lalaki. "Anong nangyari Miko!?" Kunot noong tanong ni Sot dun sa tinawag nyang Miko.
"Nalason sya. Dalhin nyo na 'yan sa hospital, malapit na silang magkita ni Kamatayan. Tss, welcome sa gangster world mga bagito. Umalis na tayo dito Gin." Walang ganang sabi ni Morty. Akmang tatalikod na ko ng makita kong umubo si Leo at sumuka ng dugo.
"Shit!"
"TANG!NA! ITAKBO NYO NA 'YAN" sigaw ni Morty, isang impostor din 'to eh. Kunyari walang pakialam pero meron din naman.
Binuhat naman ni Sot si Leo. "May kotse ba kayo?" Tanong ni Morty. Nagtinginan naman 'yung mga tropa ni Sot. Napakamot naman ng ulo si Morty. "Ayokong maduguan ang kotse ko."
Paglabas namin ng storage, dumiretso agad kami sa pinagparkan namin. Malayo palang kami natanaw ko na ang mga hanay ng mga itim na SUV.
"Nandito narin pala sya" bulong ni Morty sakin. Habang papalapit kami ay tanaw ko na sya. Nakasandal naman sya sa puting Lamborgini. Tumakbo si Morty papalapit kay Lay.
"Yo! Bro! Zup?" Nagbro hug pa ang dalawa. Tumakbo naman papalapit sakin si Lay. Hindi na 'ko nagulat ng binigyan nya ako ng matinding flying kick. Dinig na dinig ko ang pagsinghap nila Sot nang tumalsik ako sa harap nila. Hinatak pa nya ang paa ko at kinaladkad ako papasok ng kotse nya.
ㅡ
"Pinsan mo 'ko? Pero tinaguan mo 'ko!? Kingina ka! Nakakapangigil ka." Sabi ni Lay pero malumanay parin ang muka nya. "Nagpabrace ka pa, muka ka namang tanga."
Yung totoo? Masyado bang kapansin pansin ang braces ko?
"At sino 'tong batang 'to!? Bakit kamuka mo? Anak ba 'to ni tito sa labas?" Tanung ni Leyvin habang nakatingin kay Leo. "Aba malay ko. Wala namang nabanggit si Dad na may chicks sya o kung may kapatid ba 'ko." Sagot ko naman. Lahat ng kasama ni Sot pinaconfine na ni Lay sa magkakahiwalay na kwarto. Lahat pala sila nalason, kaya pati 'yung pinsan namin na si Dice binulabog na namin.
"Pagkatapos nito tigilan mo na 'tong katarantaduhan na 'to. Naiintindihan ko 'yung gusto mong mangyari pero mali 'yung solution mo. Mas marami pang madadamay kung ipagpapatuloy mo pa 'to." Saad nya. Napalihis nalang ako ng tingin. Somehow Lay's words hit me.
Nagulat kami nang biglang nagflat line ang heartbeat ni Leo. Pinindot ni Lay ang call button. Lumabas naman ako para tumawag ng doktor. Namadali naman ito kasama ng mga nurse. Dinala ito sa ER nandun din si Dice.
Palakad-lakad kami ni Lay sa labas ng ER. Bumukas ang pinto. Di ko mabasa ang muka nito. "Anong nangyari sa kanya?" Lay managed to ask.
"I'm so sorry sir, he didn't make it. Masyadong kumapit ang lason sa sistema nya. Dagdag pa ang bugbog na inabot nya. We managed to remove the poison but it's after effects were inevitable."
Kinausap pa ni Lay ang doctor samantalang ako, hindi parin makapaniwala sa sinabi nung doktor na 'yun. Wala na si Leo, wala ang boyfriend ni Alleyna, wala na ang kabigan nina Sot, Kier at June. Wala na sya.
Something strikes my mind like a lightning. The memories come gushing to my brain like a waterfall.
My girlfriend's body that was covered in blood.
Angela's thin sleeping face.
Leo's death.
These were all my fault.
Kung wala ako sa buhay nila, hindi mangyayari 'to. Ako ang may kasalanan ng lahat, kung dumating agad ako ng maaga, no! Dapat hindi nila ako nakilala. Simula palang dapat lumayo na ko sa kanila. Walang maidudulot na maganda ang existence ko.
My mere existence brings death.
I have to go.
I have to walk away.
I have to run far from here.
Biglang bumukas ang pinto ng ER. Tinutulak nila ang kama kung saan nakaratay si Leo. "Saan nyo sya dadalhin?" Nanginginig na tanong ko. I couldn't think well enough. Something is eating me inside.
"Sa morgue po sir. Nacontact na po 'yung kamag anak nya." The nurse said.
Akmang tatakbo na 'ko nang may humawak sa braso ko.
"Are going to run away again Gin?" I look at the person who spoke. His heavy eyes were piercing my gut.
"Let me go Dice"
"No, not ever my dear cousin"
ㅡㅡ
▶▶▶▶▶▶▶▶AN:
Huang Zitao as Dicezel Flores
Ig account ko: momoon3010
BINABASA MO ANG
MY ANSWER
FanfictionI should've been more careful, I should've saved myself So I wouldn't get hurt I've never felt like this before, like my breath will stop My head is filled with thoughts of you Your face, the sound of your laughter The answer is you (That is you...