19: AUG. 04. 15

55 6 2
                                    

ED'S POV

"B-bakit kailangan tayong i-ano, iengage!?" Tanong sakin ni Montenegro.

"Dad's orders"

"P-pwede ka namang tumanggi d-diba? Ayoko! Ayoko talaga!" Nainis ako sa masidhing pagtanggi nya. I unconsciously checked myself. Damn, any girls would drool infront of me. "Kung makatanggi ka akala mo ang pangit ng pakakasalan mo ah!? Wow ha, nakakahiya naman sa kagandahan mo." Binato nya ako ng throwpillow, agad naman akong nakailag. "Magpractice ka! Kakanta pa tayo dun sa program"

"Ayoko. I-ikaw na-nalang mag-ano magperform."

"Edi mas okay. Sisikat ako sa school panigurado 'yon!"

"Ang conceited mo d-din ha!" Napairap ako sa kawalan. Wala talaga syang kaalam-alam sa reyalidad ng buhay. "Ni h-hindi mo nga ako sinasabayan sa pagkanta." Nilingon ko sya. "Mabuti pa si June, narinig na nya 'yung boses ko."

"D-dapat kasi kantahan mo 'ko!"

"Ano ka!? Naka-free? Mainlove ka pa lalo sakin, mahirap na."

"S-sinong may sabing inlove ako sayo!?" Nanlilisik pa ang mata nya. Hindi ko alam kung bakit may kung anong sakit na gumuguhit sa dibdib ko. Tumayo ako at tinalikuran sya. Maybe I had enough of her drama. Gusto ko nang sumalampak sa kama ko. "H-hoy!? S'an ka pupunta?"

"Sa lugar kung saan malayo sayo." I WANT TO SEE ANGEL. Baka sakaling may masabi syang maganda.

Matapos ang announcement sa engagement party, agad akong dinaluhan ng mga kumag na may mga mapanuring tingin. "Grabe ka bro, may sa bigla ka nanaman" sabi ni Morty habang tinatapik ang braso ko. "Seryoso ka Gin?" Tanong naman ni Chase. "Pre, ganyan na ba talaga ang gusto mo? Hindi ko makuha eh." Kunot noong hayag ni Snyder.

"Kailan ka ba may nauwaaan Snyder? Ba't nagtataka ka pa?" Pambabara ni Lay. "Gin!? Nakamoveon ka na ba kay Chelsea!?" Dagdag nya. Nagtinginan pa sila. "Chelsea died because of--"

"Well that's bullshit! Hanggang ngayon ganyan ka pa rin? Wag mong bigyan ng false hope si Hani. She's very innocent. Pag isipan mo 'to." Litanya ni Lay. "Chill ka lang bro, baka naman nagbibinata na ulit 'tong si Gin. Ayieeh!" Nanukso pa si Chase. "Ulol!" Nabatukan ko nga ng matindi.

Pumasok kami ng sabay ni Montenegro sa school. Natiis nyang hindi ako kausapin o tignan man lang. Pagkalabas namin ng kotse ay may mga matang nakatutok na kaagad saamin. Pinagkibit-balikat ko nalang at tinawag si Montenegro. "Hoy Montenegro. Ang lakas mong mangsnob. Famous ka ba?" Saglit syang napahinto sa paglalakad at ibinaling ang tingin sa paligid. Yun din ang ginawa ko. May napansin din ako na simpleng nagbubulungan.

"H-hindi kita kilala" inayos nya ang salamin nya at nagtatakbo papalayo. Hinabol ko sya ngunit may humarang sakin. "Hi, excuse me. Transferee ka?" Sabi nung babaeng tulya. Ngayon ko lang napagtanto. Hindi na nga pala ako nakapangnerd outfit. Kaya pala ganito ang pakikitungo nila sakin dahil hindi ako mukang tanga. "Out of my way. I don't talk to bitches" nilagpasan ko ang mga pumalibot sakin at hinanap si Montenegro pero hindi ko na sya nahanap. Pumasok nalang ako sa klase ko.

Pagkaupo ko palang sa nakasanayan kong upuan, nakarinig na ako ng mga munting pagsinghap at bulong-bulungan. "Eddie!?" Napatingin ako sa tumawag. Great! Si Alleyna. Hindi sya makatingin sa mata ko. Gusto ko syang purihin dahil nakilala nya ako kaya lang ayokong umasta na parang walang tensyon samin. "Bakit?" Tinaasan ko sya ng kilay.

"Ibang-iba kasi 'yung itsura mo." Tila hindi ko na sya naririnig. Nawalan na 'ko ng gana sa kanya simula nung pinakita nya sakin ang tunay nyang ugali. Minsan, nakausap ko rin si June at alam kong hindi nya kayang magsinungaling sakin. Alleyna is a social climber, a bitch and a famewhore. Mahilig syang magkunwaring mabait at kapag nahulog kana sa patibong nya, patay kang bata ka.

Mas gugustuhin ko pa ang babaeng totoo sa sarili kahit malabo ang mata at hindi nagsusuklay.
"Nakita mo ba si Montenegro?"

"Ha!?"

"Nevermind." Tumayo ako at nilagpasan sya. Nasaan na kaya 'yung pangit na 'yun? "Kuya wait! Anung pangalan mo?" Tanong nung isang jologs.

"Eduardo Evangelista...or should I say... REGINO EDUARDO EVANGELISTA FLORES"

"Hahaha! Denial King ka pala Edz emegerd!" Kanina pa yan sinasabi ni Angel sakin. Kanina pa nya ako pinagtitripan. "Hoy babaeng nag eexist lang sa braincells ko! For your information, hindi ko sya type."

"Whatever Edz, you're such a loser! And correction, nag eexist ako for real, bed ridden nga lang." Hinalukay nya ang bag ko at nilantakan ulit ang chichirya dun. "Diba sabi mo engaged na kayo!? Bakit ka pumayag sa engagement kung di mo naman pala type"

"Dad's orders nga diba?"

"Dad's orders, dad's orders. Neknek mo, gandahan mo naman ang excuse mo. Hindi mabenta, lugi." Nag aamos nanaman ang paligid ng bibig nya. "Tsk"

"Gwapong gwapo ka ngayon ah. Dapat ganyan araw araw!"

"Well you see, I'm not really a nerd and my name is neither Eduardo Evangelista." Saglit syang napatigil sa pagkain nya at pinunasan nya ang labi nya gamit ang likod ng kanyang palad. "O. My. Gawd!" Nanlalaki pa ang mata nya.

"My real name is Regino Eduardo Evangelista Flores." Agad syang napangiti at tumango ng paulit-ulit.

"Wag ka ng babalik sa pagiging nerd huh? Hindi bagay sayo. Ang pangit mo, very ugly, very pathetic. Haha!" Tumawa nanaman sya ng tumawa. "Kamusta na nga pala ang misyon mo?"

Nanahimik sya at huminga ng malalim. "May improvement naman Edz. Sobrang namimiss ko na ang kapatid ko at si Chase. Hindi na ko makapaghintay, kaya langㅡ kailangang matapos ang task ko." Tumango ako ng paulit-ulit. "Kailangan present ka sa kasal ko."

"Kailan ba?"

"Malapit na, after graduation."

"We'll see"

"You need to wake up. Your body is too thin. Baka liparin ka na ng hangin" tinawanan ko sya pero sinimangutan nya lang ako. Nag-asaran pa kami ni Angel. "Siguro nagpanggap kang nerd kasi gusto mong magpapansin sa kanya"

"Over my dead body!" Humagikgik sya at tinusok-tusok pa ang tagiliran ko. "I have a confession Edz." Biglang naging seryoso ang ang muka nya. Seryoso din akong tumitig sa kanya.

"Don't you know that you're the one...who shot me?" Napaawang ang bibig ko.

"What the heck are you talking about Angela!?"

MY ANSWERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon