Muli ay binawi ni Bianca ang kanyang mga kamay. Ngunit may ngiti na ito sa kanyang mga labi dahil alam na nito ang edad ng lalaki at di ito studyante ng eskwelahang iyon.
Ganoon pa man umiral pa rin sa kanyang pagiging guro kung kaya't tinanong nito si Manuel kung paano sya nakapasok sa eskwelahang iyon gayong di naman sya studyante rito at bakit don sya namamahinga. Bago pa man sagutin ni Manuel ang lahat ng tanong ni Bianca ay itinuro nito ang hawak na tangkay at sinabing...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Nais ko sanang ingatan mo ang bawat tangkay na ibibigay ko sa yo. Itanim mo ito sa lupa at mamumunga yan ng pagkaganda - ganda at pagkabango - bango bulaklak na hindi mo pa nakikita sa iyong buhay.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kahit dyan pa lang ay pwede ka ng mabuhay at di mo na kailangan pang magturo kung iyong nanaisin. Pwede mo itong ipagbili sa mahal na halaga. At don naman sa mga tinatanong mo ay sasagutin kong lahat iyan kung papayag kang makipakita sa aking muli bukas ng alas 5:00 ng hapon.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Gustuhin man ni Bianca na tumanggi ay di nito magawa. Ito ay sa dahilang gusto nya talagang malaman kung ano ang ginagawa ng binatilyong yon doon at dahil na rin sa gusto pa nya itong makita.
Kaya pumayag na rin si Bianca sa sinabi ni Manuel. Dahil pumayag na si Bianca ay umalis na si Manuel. Sinusundan ng tingin ni Bianca si Manuel habang paalis ito.