Maski si Bianca ay nagtaka kung bakit nalalanta agad ang mga bulaklak samantalang sya ay nagawa nyang magtanim nito ng hindi nalalanta at namunga ka agad ng bulaklak.
Nasa ganoon siyang pag iisip ng tawagin sya ng kanyang ina upang magkapag almusal na.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tinanong din ng kanyang ina kung saan galing ang naturang halaman at ikinuwento nito at lahat ng pangyayari.
Di man kapani paniwala ay naniwala na rin ang kanyang ina dahil alam nitong hindi ito marunong magsinungaling.
Buong maghapong tumulong si Bianca sa paglilinis ng bahay ngunit di pa rin maalis sa kanyang isip ang mga kababalaghang nangyayari sa kanya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Di rin nya nalilimutan ang tipanan nila ni Manuel mamayang 5:00 pm ngayon araw.
Kaya pagkatapos ng paglilinis ay nagpahinga ng kaunti si Bianca at nagbasa-basa.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nang malapit na sa takdang oras ay naligo ito at nagbihis ng pisturang-pistura wari mo ay may date sya ng araw na yon.
Pero kung tutuusin nga ay mukhang ganoon na nga maski makikipagusap lang sya dito upang alamin ang dahilan kung bakit naroroon si Manuel ng araw na yon.
Nagpabango din si Bianca upang maging kaaya aya siya kung mapapadikit si Manuel sa kanya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.