IX

22 1 0
                                        

CHAPTER: 9


40 MINUTES LATER . . .


"AHUHUHU Iha! P-panu ka nakaligtas sa gyera ng mga ingkantu?" Tanong nito sa imbento kong kuwento. Nakasilip ako sa bintana habang siya ay nakaupo sa harapan ko nakapalumbaba sa mesa at lumuluha. Pinagigitnaan kami ng mesa kaya malaya akong nakapag-dadrama sa harap niya. Pinalungkot ko ang mukha para bentang benta ang aking drama. Uma-andar pa rin ang bus. Naka-puwesto sa'king likuran ang mga anak ko at Iniwan silang tulog roon. Pagod ang mga tyanak. Nagbabalak nga kong iwananan na lang sila rito. Charot!

"Iyon nga Manong Kepa---- Kepoy. Naglakbay ako sa dulo ng karagatan. Hinawi ko ang puno sa tatlo gamit ang aking gilagid.... Linakad ang Mount Everest na matatagpuan sa Cebu. Nagpakabayani ako Manong Kepoy para mahanap lang ang rason para matapos at ma-ubos ang mga kalaban kong ingkantu. Naging isa akong mulawin Manong Kepoy! Narinig mo 'yon Manong? Nagi-akong flying bird! Na-fly fly ako Manong," mukhang baliw na ako, ha. Pinagaspas ko pa kasi ang kamay para kunyari lumilipad talaga. Todo quack quack din ako para convincing na convincing. Gusto ko na magmura! Dapat nag-123 na lang kami e!

"Naglakbay pa ako Encantadia para maki-usap kay Lolong! Nakipag-debate Manong.... pa-para makauwi at mayakap ang mga anak ko." Yinakap ko ang sarili habang nakapikit. Ninanam-nam ang ginawang kawalanghiyaan. Ang comment naman ng walking deodorant na 'to e puro: "ahuhuhu", may sapak din e.

Mukhang tatagal pa nga din yata ang pang-uuto ko kay Manong. Nangangati na din ngalangala ko kakadak-dak. Titigil lang yata ito kapag naje-jebs siya o puputok na pantog niya para mag-wiwi. 'Langya. Mapapaos na ako at napapagod rin! I need to rest in peace! Huhu.

Mahirap pala maging theater actress.

Napakamot ako ng leeg. Tuluyan ko na kaya 'to si Manong? Ihulog ko na rito sa bintana, wala naman makakakita e.

Magsasalita na sana ako ulit pero nagpa-alam na muna siyang mamimigay ng ticket. Nakahinga ako ng maluwag. Sa wakas..... makakapag pahinga din.

Dahil sa'king dugo't pawis na dramaa. Hindi niya na ako ipinagbayad at binigyan ng ticket sa bus kasi libre niya raw. Pinangatawan ko na talaga kasi ang maging Kapipe Marimar. Iyun ngang mga tao rito ay sagot na ang pagkain namin sa walong oras na biyahe. Mahal kasi talaga ang bus na sinakyan namin. Diretso na kasi talaga ito sa Centro kaya ganito kamahal. Gusto kong ma-guilty.... ang kaso ayaw naman ng katawan ko kaya hayaan na, ngayon lang naman 'to, huwag lang mapa-blotter. Mahal ang piyansa kapag nakulong ako. Pero may friend naman akong rich kaya hindi na masama---- char char lang.

Napapaisip ako. Nandoon nga pala sa pupuntahan namin si ano. Iyung ama ng mga anak ko. Taga doon iyun e. Ang yaman yaman ng kupal na 'yon e. Manghingi kaya ako ng pamasko?

Pero paano kapag nakita ang mga tyinak?

Sasabihin ko na lang na mga inaanak niya 'to. Pero siyempre joke lang.

Ayoko na siya makita. Alam kong selfish kasi siyempre diba? May anak kami. Dapat ipinapakilala ko na ang mga kyuto kong anak sa kaniya. Kaso natatakot ako. Mga mga pamilya pa naman n'on e super sama ng ugali. Kukunin nila ang mga bubwit sa'kin. Pipilitin din na mawala ako sa landas ng mga anak ko. Malungkot iyon. Ayoko....

Ginusto ko ang nangyari sa'min kahit halos nakalubog na ang kalahati kong katawan sa naglalagablab na apoy dahil may fiance siyang 'di naman maganda pero ako 'to na sinamantala na lasing siya. Masama iyon. Pero sa araw naman kasi na 'yon.... nalaman ko na hindi pala talaga mukhang hotdog ang kaniyang anaconda? Char lang.

Sinira niya lang ang aking digdinad.... at winasak ang pundasyon ng aking kadakilaan.

Napabuntong hininga. Ayoko mag drama kasi 'di na ako sad gurl. Pero kung pagtitripan ako ng tadhana at magkita kami.... Kung magkikita kami ha... huwag na muna! 'Di pa ako na-glow up e. Wala pa akong pera pampadagdag ng boo*s. At pampa-plastic surgery para kabog ang pagbabago ko. Ganern. Isasampal ko kasi sa pagmumukha niya kung sino ang binaliwala niya!

Pero siyempre joke lang. Hindi ko kailangan ng pagbabago. Hindi naman sa makapal ang aking mukha. Maganda talaga ako. Maraming nagsasabi n'on noong nag-aaral pa ako, na may kamukha raw akong artista. Ang lagi nga lang nila napapansin ang katawan ko, kesyo payatot raw at boto-boto. At 'di din nagpapahuli ang ugali ko. Lagi kasi ako laman ng chismis ng mga teacher ko nung highschool. Pakawala daw kasi ako ng kadiliman. Mga siraulo din e.

Ano naman? Payatot man at bad gurl, pero kabog na kabog ang gandang 'di niyo inakala no! Nadagdagan lang kasi minsan ng pintas dahil sa'king mata. May kulay na pale brown sa parte ng kanang mata ko kaya akala nila may katarata si akes. Nakuha ko kasi 'yan n'ong na aksidente ako nung highschool. Kaya kalahati ng mata ko sa kanan e malabo na. Siyempre kahit sad gurl e may pagka-shonga at bobo din kaya napahamak. Naapektuhan nga lang ang aking paningin kaya naging ganiyan. Todo contact lenses din ako n'on at pagpapa-reband dahil nga para magmukhang pretty kay 'ano'.

Kaya magtaka na kayo kung bakit sa'kin nagmana ang mga mukhang kulangot kong mga anak.

Noong lumalaki nga sila, na-realize ko na ang guwapo ko pala kapag naging lalaki ako. Mas guwapo pa nga ako sa kaniya e. Ganda ganda talaga ni Consonant. 'Di lang na love back at na crush back kaya sayang.

Pero kahit gan'on.... thankful talaga ako sa mga anak ko. Masasama man ang ugali, atleast buhay pa si akes. Hinihintay ko na lang may bulalakaw na bumagsak at ibabato ko mismo sa kanila. Para sa ganoon, nakapaghiganti naman. Charot lang.

"Mama,"

"Hoy, Mama!"

"Natuluyan na ba siya?"

"Mental na ba talaga ang gamot sa kaniyang pagka-sad gurl?"

"Ano mga utol? Ihulog na natin sa bintana?"

Umirap ako. "Kayo kaya ang ihulog ko? Mga gutom na ba kayo?" Tanong ko sa kanila. Agad naman silang nagsitanguan. Kinuha ko sa ilalim ang dala-dalang eco bag. May mga natira pang pagkain sa pasko kaya 'di na ako nag-abalang magluto pa. Iyung mga bigay ng mga tao rito ay hindi ko na muna gagalawin. Puwede na kasi ito sa limang araw na pananatili naman sa Centro. Makakatipid pa kami.

Dahil kakaiba nga ang mga bus rito, may pa mesa mesa pa sila sa gitna. Useful naman siya kasi komportable ang mga batang makakain. Mahangin din kaya ang maganda sa pakiramdam.

Nang mai-ayos ko sa kanila ang mga naihanda kong pagkain ay nagsimula na silang lantakan ito. Takaw e.

Hiding Vowels (On-going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon