62
SA sumunod na araw. Hindi ko siya iniiwasan pero ang malupet, hindi ko siya pinapansin. Ayoko ng bigyan ng chance ang mala vivamax naming buhay—kemerut lang!
Huminga ako ng malalim at hinayaang tangayin ang kulot kong buhok.
Nakakadagdag naman ito sa drama kaya go lang.
Nanahimik din ang ang mga bata at nakikiramdam lang sa'min. Walang araw na nagbibigay ng bulaklak sa'kin si Dalter.
"Tulala lang sa kaniyang kuwarto,
At nag-mumuni muni,
Itanong—"
Bago pa 'man matapos sa pagkakanta niya si Ikarus ay kinurot ko na ang tagiliran nito. Pasimpleng bumungisngis ang mga kapatid niya na ikinairap ko.
"Mama ba't naman ang tahimik mo? Wala ka na naman bang nanakawan?"
Umirap ako at ginawang number 3 ang electric fan, lalong hinangin ang buhok ko.
"Mama naman, 'diba sabi ko tama na ang pag a-adik? Ma 2025 na magbagong buhay ka na." Sa naawang boses ni Uranus na ginulo gulo pa buhok ko.
Hindi talaga marunong makisama ang mga batang 'to!
Mukha ba ako naka drugs?!
Bumuntong hininga ako at madramang yinakap ang maliit niyang paa. Nagsisigaw naman agad sila. Pilit niyang umalis sa pagkakayakap ko sa kaniyang paa habang natatawa siya sa kiliti.
"Huhu mga anakshiii ko! I'm so saddening! I don't know what to do anymore!" Sabay ngawa ko. Hindi na ito nagpumiglas at naramdaman ko ang malakas nilang pagtapik sa'kin likod. Naalog backbone ko—aba!
Nagkatinginan ang lima at sabay-sabay umiling.
Nandito kami sa sala at pinagmamasdan nila ako magdrama. Hindi kami makalabas ng bahay dahil malakas ang buhos ng ulan. Super stress na ako sabay iniisip ko pa kung kailan kami makakauwi ng mga bata sa bahay namin sa probinsya.
Mukhang ayaw kami i-let go ng maasim na si Dalter!
Tatlong araw makalipas ang usapan namin, umariba na agad siya! May pa flowers sa umaga at nakahanda na agad ang almusal na super sosyal ng plating. At ang nakakainis may gold bars pa!
Anong akala niya sa'kin? Ibaba ang sarili dahil may suhol na ginto?!
Ang tanong ito ba ay legit at hindi kinulayan lamang?
Sagot!
Puwes oo nga! Kinuha ko 'yung gold bars!
Ngumiwi ako.
Eme lang.
Hindi ko ibaba ang sarili ko sa kaniya.
Nawawalan na ako ng gana maging mukhang pera. Pero nangangati naman ang mga kamay ko mangholdap sa labas–eme lang ulit!
Huminga ulit ako ng malalim.
Malungkot talaga ako mga kaibigan ko sa online world. Walang araw na hindi ko iniisip ang pag-amin ni Dalter. Kahit sa pagtae ko...buwisit talaga siya!
Narinig ko si Erkus. "Mama, magtatawag na ba ako ng Doctor quack quack?"
Hindi ko siya pinansin at nagtulala ulit habang nagmo monologue sa utak.
"Si Mama talaga...habang tumatagal buang buang na siya."
"Ganiyan daw talaga kapag tumatanda na."
"Kaya dapat mag ready na tayo ng pampers kasi baka matae na siya eh."
Sabay tawanan ng mga kupal.
BINABASA MO ANG
Hiding Vowels (On-going)
HumorSTORY: Hiding Vowels GENRE: Romance/ Comedy STARTED: 12/ 21/ 2022 POSTED: TUESDAY| 2/ 7/ 2023 ENDED: COVER: Credits to the rightful owner of this picture. (Pinterest) __ This story isn't perfect! Though, I hope you will give a simple patience for t...
