LXV

4 1 0
                                        

65


CONSONANT

NAMISS niyo na naman ba ako? Sabagay sino ba ang hindi mangungulila sa'king angking ganda?

"Hoy Consonant! Kung ayaw mo pa umalis bili ka nga ng pagkain," pang uutos sa'kin ng bruha, inilahad ko agad sa kaniya ang maganda kong palas, samantalang umirap naman siya sa'kin na akala mo ikinagaganda niya!

"Damihan mo friend!"

Nagmadaling pumunta na lang ako sa counter para ubusin itong one thousand na bigay niya.

Tiningala ko agad ang mga nakapaskil na pagkain at drinks. Ano ba masarap bukod sa'kin? Eme lang!

Bago pa ako makapagsalita ng order ko may sumingit na. Napasinghap ako. Parang familiar sa'kin ang mga ganitong eksena...

Pero aba, bastusan, ah?

"Hoy! Anong ginagawa mong animal ka-"

Napahinto ako sumigaw ng makita ang mukha ng lalaki. Masama nito ako tignan at halos magsalubong na ang kilay ng makita ako.

"I know you!" Sigaw nito sa'kin.

Umiwas ako ng tingin rito at halos mapairap. Kilala ko ito, eh. Anong ginagawa nito rito? Akala ko pa naman bago kong loveteam. Asungot pala!

"Hoy Consonant, ba't napadpad ka rito sa Centro?"

Napairap ako at halos gusto na ito iwasan.

"Hoy! Tanggap ko ng binasted mo ako-asan ang mga bata?" Agad ako napalingon sa mesa namin ni Letter, nagbabakasakaling busy ito sa cellphone niya.

Iyon ang akala ko.

Napangiwi ako ng makita itong nasa akin ang tingin at halos nakatutok ang cellphone sa puwesto ko. Napairap ako.

"Andito ang mga bata-"

"Asan?"

"Nasa ama nila,"

Tumango naman agad ito. After ko um-order ng pagkain ay sumunod agad ito sa'kin. Ang nangyari tuloy magkatabi kaming dalawa habang kinikilatis kami ni Letter. Mukhang shunga lang.

"Sino ka?" Curious na tanong ni Letter.

"I'm Dante Vulian, nice to meet you,"

Kunot noo namang inalisa ni Letter ang katabi ko na malawak kung makangisi.

"Vulian? Ka-apelyido mo iyung may hawak na malaking farm dito sa Centro."

Nahihiyang kinamot naman ng katabi ko ang ulo at napailing.

"Actually, I'm one of them, ako ngayon ang nagmamay-ari ng farm ng Vulian,"

Napasinghap si Letter at halos hindi makapanialwala sa nalaman. Sabay lumingon sa'kin ang bruha na akala mo nanalo ako sa lotto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hiding Vowels (On-going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon