CHAPTER: 60
HINDI ko 'man gawain mag-half bath kemerut, napa half bath tuloy ako ng wala sa oras dahil sa mga madaming iniisip ko. Natutulog lang talaga ako ng mabaho at puro libag dahil nasa labas kasi ang liguan namin ng mga quintuplets at nakakatamad ng maglinis ng katawan, kaso ngayon na nasa ibang pamamahay kami, pakitang tao muna ako ngayon. Sumimangot ako. Kailangan ko may pagka-abalahan—ano kaya puwede gawin?
Sa ilang oras ko pagkakausap sa sarili sa salamin. Sumayaw na nga ako eh. I realized na mag a-apply na lang pala ako bilang Viva Max girl.
Eme!
Suot ang simple na cotton sando na kulay gray na may kapares na pajama lumabas na ako sa banyo. Kahit damit may kapares din! Napangiwi ako. Ako kaya kailan ko mahahanap ang magiging kapares ng aking heart...
Pagkalabas ko sa banyo nakita ko ang mga batang naka-pajama na rin, ready na ready na para matulog. Pero hindi lang 'yon. May isang epal na nakatitig sa'kin habang pinagmamasdan pa ata ang aking kabuuan. Nakalugay lang ang humahaba ko ng kulot na buhok sabay binigyan ng irap si Dalter.
Obvious na may pagnanasa talaga 'to sa'kin.
"Ba't andito 'yan?" Siga kong tanong sa mga kuto.
Napasimangot sila.
Kamot kamot ang ilong ni Ikarus na sinagot ako, "si Mama naman, kadami ko na ngang problema... bahala ka hulaan mo po kung bakit siya nandito," sa isang iglap nagsingisihan sila. Ngumiwi ako. Ang mga anak ko talaga sarap karatihin! Kung puwede ko lang paliparin ang mga batang ito papuntang planet mars ginawa ko na!
Naiiling na lumapit ako sa kama. Dumiretso ako sa kanang bahagi kung saan nakahiga si Uranus, tahimik lang ito at siya lang ang hindi gaano nakikisabay sa mga kapatid. Nag aalala na ako. Hindi ako sanay na mukha silang normal. Sa pagkakatanda ko pare-pareho silang may sayad—eme ulit times two.
Pero heto nga. Iyun kasi ang nakalagay sa script. Ang sabi: Consonant mag alala kang animal ka!
Pasimple ko ito binulungan, pero trulalu, nag aalala ako sa kilos ng batang ito.
"Okay ka lang ba anak?"
Wala siyang kibo. "Oy sabi sa script lumingon ka!"
Lumingon agad ito. "Ayy lilingon pala Ma? Akala ko naman hindi muna ako lilingon kasi nga sad boy muna ako ngayon..."
"Take two ulit, ha?" Tumango ito.
"Okay ka lang ba anak?" Agad ito humarap sa'kin sabay dinamba ako ng yakap. Hinaplos ko ang kaniyang likuran. Sana sa ganito mawala wala ang mga iniisip niyang problema. Puwede siguro ako mag suggest na gawin niyang problema, ano?
"Anak ko kung may problema ka...buti nga sa'yo!" Napasinghap ako ng kinagat ba naman tyan ko!
Kung gusto niya talaga hanapan ko siya ng problema para maiba naman. Siyempre as a mom, gagawin ang lahat para sa anak. Problemahin niya na lang ang pagdami ng mga plastik kaya over na ang population, o kung hindi iyung pag aagawan ng West Philippines Sea.
Tinignan ko ang sitwasyon namin. Parang may nagtu-twerk na mga bulate sa'kin tyan. Maganda sa mata ang nakikita ko.
Masayang nagkwekwentuhan ang apat habang nakikinig si Dalter. Ang munting ilaw na nanggagaling sa lamp ang siyang nagbibigay sa'min ng liwanag. Malungkot akong napangiti. Ni minsan hindi nila pinilit sa'kin na hanapin ang kanilang papa. Ipinaramdam sa'kin ng mga bata na masaya naman pala kahit papaano na kami kami lang---ako na mama nila, at silang lima na mga anak kong mukhang bisugo.
Huhuhu.
"Picture tayo! Para tayong happy family!" Sigaw ni Odanus na nagpo-pose na. Nagkatinginan kami ni Dalter. Siya ang unang nag iwas ng tingin at ibinigay sa bata ang cellphone nito.
BINABASA MO ANG
Hiding Vowels (On-going)
ComédieSTORY: Hiding Vowels GENRE: Romance/ Comedy STARTED: 12/ 21/ 2022 POSTED: TUESDAY| 2/ 7/ 2023 ENDED: COVER: Credits to the rightful owner of this picture. (Pinterest) __ This story isn't perfect! Though, I hope you will give a simple patience for t...
