C H A P T E R: 14
CONSONANT P.O.V
NAPAGPASIYAHAN naming mag-iina na mananghalian sa napakalaking Mall rito sa Centro. Hahayaan ko silang mamili ng makakainan namin tutal sila ang batas. Sana kaya pa ng budget. Hindi ko pa naman na ko-contact si crushiecakes.
Sayang saya ang mga anak ng dilim ng sinabi ko na sa Mall kami ngayon manananghalian. Kahit maghapunan na din . . . kung may himalang mangyayari.
Inayos ko ang suot suot kong backpack na mukha ni Dora ang design. Kinuha ko kasi ang panyo ko, pinapawis kasi kilikili ko kaya kailangan punasan. Mabangis nga lang ang amoy kaya kailangan ko pang maglagay ng deodorant. Pinagtitinginan pa nga ako ng mga napapadaan. Ngayon lang ba sila nakakita ng kilikili? Nagmumukha yatang tourist spot ang aking kilikili powers. Ipa-display ko kaya rito sa Mall?
Hindi pa naman gutom ang mga bata kaya nagbalak muna kami maglakad lakad. Pasimple ko silang kinukunan ng litrato. Remembrance lang at pang blockmale na din in the future. Wahaha!
"Mama? Okay ka lang? Gusto mong bumili muna tayo ng gamot sa ulo? Anti-rabies?" Napa-irap ako. Napaka-judgemental nga naman.
"Mukha ba akong aso? Ha?" Tanong ko sa isang kupal--- si Uranus. Siya kasi ang nagtanong. Pinapainit na naman nila ulo ko. Humagikhik ang mga kapatid niya. Mga supportive.
"Bulldog Ma. Ang kaso mukha kang unggoy kaya nakakalito ang mukha mo." Sagot niya pa sa'kin. Napahawak ako sa noo.
"Lumayas nga kayo sa harap ko!"
Naiiling sila sa'kin at nagkatinginan pa. Parang pinapamukha nilang na a-aaning ako. Na napaka-boblaks ko kausap. "Mama, kung aalis kami, saan po kami pupunta?" Tanong ng Odanuz. Napabuga na lang ako ng sama ng loob. With langhap na din ng pasensiya. Baka hindi ko na sila matantya.
"Iligaw niyo na mga sarili niyo. Magpakalayo layo . . ."
"Si Mama talaga joker e. Haha. Saan po Mama ang estasyon ng KMJS?"
Napa-irap ako. "Sa America Ikarus."
"Ayy ganoon Ma? Malayo ba 'yon?" Tanong naman ni Arkus na kumakamot na ng buhok. May kuto yata 'to.
"Oo, isipin niyo kung gaano kalayo. Simula rito sa kinatatayuan natin. Dadaan kayo sa kanan, kakaliwa, kakanan at kakaliwa ulit."
"Malapit lang pala---"
Umiling ako. "Ayy hindi Uranus. Malayo pa kaya. Atat much ka naman anak. Siyempre huwag mong kakalimutan kumatok sa bahay ni Kuya kapag napadaan kayo sa PBB house." Magkasalubong na ang kilay ko.
"Malapit ba doon Ma ang daan?" Sabat ni Odanuz. Napameywang na din ako sa mga tanong nila.
"Hindi. Manghingi kayo ng pamasko roon. Bakit ba kayo nagtatanong tungkol sa estasyon ng KMJS?"
Seryoso silang tumingin sa'kin. "Gagawin ka naming trending Ma. Basta ba't. Magpatihulog ka muna sa 30th floor ng building tapos tatabling ka Ma kapag nahulog ka na. Hindi ka mamatay kasi nga immortal ka Mama kaya ka sisikat niyan." Walanghiyang sagot ng Erkus. Napapikit ako.
"Matagal raw kasi mamatay ang masamang damo. Ayiiie si Mama masamang damo yarn," sabi naman ni Uranus. Nasundan pa ng pasundot sundot nila sa bewang ko. Agad din silang nag budots na siyang ikinangiwi ko. Labas dila pa. Mga adik.
"Sa pagkaka-alam ko, hindi naman ako nagdo-droga." Bulong ko sa sarili.
Ang saya-saya na naman nila tignan. Ako na naman 'tong agrabyado. Maghihinagpis. Ang galing. Mabubuhay pa pala ako sa 30th floor kapag nahulog ako. Kailangan ko pang mag tambling--- iyung kaluluwa ko na lang ang magtatambling dahil sure akong durog durog na mga buto ko niyan. Buwis*t. Nag-e-experiment na naman 'tong mga 'to . . .
Iniwan nila akong naghihinagpis at nagsisisi kung bakit ipinaglihi ko sila sa pictures ko. Kung bakit kailangan kong ma-stress ng super super sagad na kalungkutan for this year. Charot.
Nandito kami sa isang area ng Mall kung saan may malaking christmas tree sa gitna. Ganito naman talaga ang Mall, may paganap lagi. May mga puwedeng laruan at activity para sa bata. Puwedeng magpa-picture sa malnurish na Santa Claus na naka-upo sa slay niya. Mukhang isang ubuhan niya lang ay kakalas na mga buto niya e.
May hawak pa itong mic para yata sa handog niyang awitin ngayong pasko--- e tapos na nga ang Christmas. Buang din. Pinapalibutan ito ng mga bata na nabudol ng payatot na si Santa. Hindi din nagpapahuli ang mga bibo kong mga anak. Nakita ko kung paano inagaw ni Arkus ang mic na hawak ng Santa. Nagsikandungan naman sina Erkus, Ikarus, Odanuz at Uranus rito. Kawawang Santa. Napag-tripan pa.
"Ang awit na ito ay para sa'ting lahat." Ani ni Arkus. Nakapikit pa ang mga kapatid niya.
"Put your hands in the air, guys" utos pa nito sa mga audience. Nahahabag ako sa mga anak ko. Lumalaki silang mga walanghiya.
Nakaramdam ako ng uhaw--- uhaw sa pagmamahal--- charot lang. Hinayaan ko na muna ang lima na magpalaganap ng kasamaan at nagbalak muna ako bumili ng maiinom. May nakita kasi ako na milktea shop. Gusto ko lang subukan. Kanina ko pa kasi nakikita sa mga tao rito sa Mall na dala-dala nilang inumin 'yang milktea.
Gusto ko ma-try. Iinggitin ko din kasi mga anak ko.
Kinuha ko muna ang bag sa'king likuran para
hanapin ang wallet. Nakalayo na din ako sa puwesto kung saan ko iniwan ang mga anak ko.
Wala akong makapkap na wallet. Pilit ko pa rin hinahanap ang wallet sa bag. Hindi puwedeng mawala 'yon! Saan kami pupulutin ng mga anak ko niyan kapag nawala ang mahiwaga kong pitaka? Baka sa pugad na talaga kami ng mga kaibigan kong kalapati makikituloy.
BINABASA MO ANG
Hiding Vowels (On-going)
HumorSTORY: Hiding Vowels GENRE: Romance/ Comedy STARTED: 12/ 21/ 2022 POSTED: TUESDAY| 2/ 7/ 2023 ENDED: COVER: Credits to the rightful owner of this picture. (Pinterest) __ This story isn't perfect! Though, I hope you will give a simple patience for t...
