Chapter 37

416K 8.5K 1.7K
                                    

Angel POV

Ilang buwan na ang nakalipas at masasabi kong tahimik naman ang naging buhay namin ni Oliver. Napakabilis ng araw. Bukod sa medyo nahihirapan na ako sa pagbubuntis ko dahil mabigat na ang tiyan ko at well, ka-buwanan ko na, nakikisabay pa si Oliver na dinaig pa ako 'pag tinotopak. Hindi ko nga maintindihan kung bakit madalas siyang topakin. Parang ewan. 'Di bagay. Ang sungit sungit at maangas tingnan pero kung maka-pout at irap 'pag tinotopak, naku! Sarap putulan ng—

"Wife!"

Sumimangot ako. "Oh?!" Sigaw ko. Nasa kusina kase ang magaling kong asawa at ako ay busy rito sa salas habang nagbabasa ng Book of Names. Hanggang ngayon, pinag-aawayan pa din namin ang ipapangalan sa anak namin.

"Lalagyan ko ba ng itlog 'tong tortang talong?!" Sigaw pa nya.

Napahawak ako sa sentido ko. Tortang talong nga eh! Malamang lalagyan ng itlog. Jusmiyo! Bakit kase day-off si manang. No choice kaya si Oliver ang nagluluto at itong aking little Ynarez, tortang talong pa ang gustong kainin ko. Ayaw naman akong pakilusin ni Oliver kase hindi na ako makatagal sa pagtayo at nananakit na ang balakang ko.

Sisigaw na sana ako nang lumabas mula sa kusina si Oliver. As usual, naka-boxer shorts lang siya na itim at topless tapos nakasuot ng apron. What a hot creature..

"Wife!"

Napakislot ako. Para akong timang. Napatitig na naman pala ako sa katawan ng asawa ko. "Oh? Siyempre lalagyan mo ng itlog ang tortang talong. Mabuti pa, ako na lamang ang magluto." Sabi ko. Tatayo na ako nang mabilis na lumapit sa'ken si Oliver at inalalayan ako na umupo ulit. 

"Hindi ka kikilos. Ako ang magluluto." He said nang iupo niya ulit ako sa sofa. Napakamot siya sa ulo. "It's just that, nalito lang ako. I thought tortang talong is only plain talong. I will use google, instead of asking you, wife. Baka ma-stress ka pa sa pagtatanong ko."

Ano pa nga ba? Oliver talaga. Responsableng asawa naman siya pero iba kase talaga kapag laking mayaman. Hindi gaanong marunong sa kusina o sa kahit ano pang gawaing bahay. Well, ganoon naman ako dati nung mayaman pa ako pero mula nang maging ulila ako, natuto akong tumayo sa sarili kong paa.

"Bahala ka. Basta bilisan mo na d'yan. Gutom na ang anak mo. Sumisipa na sa tiyan ko." Sabi ko.

"Anak ko? Anak natin. Mabubuo ko ba 'yan ng ako lang? Tch." Pagsusungit niya.

I rolled my eyes at him. "Sabi ko nga, anak natin. Psh. Sige na, magluto ka na do'n." Nakasimangot na sabi ko.

"Wife."

"Oh?"

"Do you want me to..."

Hindi na niya tinuloy ang sinasabi niya. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang gumiling. Literal! Shit na malagkit! Hindi ko malaman kung sexy dancing ba ang ginagawa niya o macho dancing. Mukha siyang..

One Night Stand (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon