Chapter 1

816K 12.1K 2.2K
                                    

Six years later..

Angel POV

"Kapag hindi ka pa nakabayad ngayong buwan na'to, mapipilitan akong paalisin ka dito!"

Okay. Yung eardrum ko basag na naman dahil sa sigaw ni Manang Elsa. Pano ba naman, gusto na akong paalisin dito sa tinitirahan kong apartment. 

Kung 'di ba naman ako minamalas eh. Namatay ang parents ko sa car accident three years ago. And there, kailangang ibenta lahat ng ari-arian namin. Ni hindi ko alam kung sinong nakabili. Kompanya, business at mansyon namin, wala na saken lahat. Isa na akong dukha. Psh. 

Naka-graduate naman ako. Ginamit ko yung pinagbentahan ng mga ari-arian namin. Kaso wala na. Ubos na. Ginamit ko sa pag-aaral at pang-araw-araw na pangangailangan. 

Eto pa ang matinde, kakasibak lang saken last week sa trabaho dahil lang na-late ako? Kainis lang. Nagtrabaho ako sa isang sikat na restaurant. Waitress ako don. Kahit papaano, maayos naman sweldo ko. Kaso eto nga, nawalan ako ng trabaho. Edi wala na din akong pera. Di pa naman ako mahilig mag-ipon. 

Ano ng gagawin ko ngayon? Pupulutin na ba ako sa lansangan bukas?

Ang hindi ko lang maintindihan, parang sunod-sunod ang kamalasang nangyayari sa buhay ko. Karma ko ba'to?

Sa tuwing naaalala ko ang ginawa ko non..

Di ko maiwasang maiyak. Masaktan. Magsisi. Pero bata pa ako non. Di ko alam ang gagawin ko that time. 

Six years ago, nabuntis ako. College student palang ako non kaya nung malaman kong buntis ako, walang laman ang isip ko kundi ang alisin ang nasa sinapupunan ko. 

Uminom ako ng kung anu-anong gamot para malaglag ang bata. At yun, nakunan ako. Na-ospital pa ako dahil kailangan akong i-raspa. Galit na galit ang parents ko nang malaman nila yon. 

Masisisi ba nila ako? Ayoko namang magpatuloy ang pagbubuntis ko ng walang ama. At hindi pa ako handa, hinding-hindi pa dahil bata pa ako non. Kaya ngayon ko pinagsisisihan ang nagawa ko no'n. Kung hindi sana ako nagpadala sa isang lalaki..

Sa lalaking kumuha ng virginity ko. Sa lalaking, para sa kanya, one night stand lang ang nangyari samen. 

Ilang taon din akong binabangungot dahil sa ginawa kong pagpapalaglag. Yung mananaginip akong may umiiyak na baby..

Naiiyak nalang ako kapag ganon. Nagigising akong luhaan. Mabuti nalang at natigil na ang bangungot na yun. 

Krrrinnngg..

Natigil ako sa pagmumuni nang tumunog ang phone ko. Unknown number. Sino kaya 'to?

"Hello?"

[Is this Miss Sabina?]

One Night Stand (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon