Chapter 19

677K 10.3K 2.4K
                                    

Wang! Wang! Pink alert. Patnubay ng dyosa ay kailangan. Ang mga sumusunod na tagpo ay maaaring..chos! Wahaha. 

-

Angel POV

Tinawagan ko si Jacob. I need someone to talk to. At si Jacob lang naman ang may alam ng nangyayari saken, ng sitwasyon ko. Ang hindi nalang niya alam ay ang nangyari ngayon. Mula nang maging okay kami ni Oliver, I mean mula ng pag-pe-pretend niya na okay kami, hindi na ako nakakalabas at hindi ko na nakikita si Jacob. Alam kong marami din syang gustong itanong sa'ken. 

Papunta na raw siya. Andito lang ako sa park. Gusto kong mag-usap kami pero gusto ko dito lang sa kotse ko. Ayoko sa mga cafe or restaurant dahil mahirap na. Ayokong makita ni Oliver kasama si Jacob. Dahil alam ko, he would turn out to a monster and he might hurt me. 

Napatingin ako sa labas nang makita ko si Jacob. Sumakay siya sa kotse ko. Nabanggit ko naman sa kanya sa tawag kanina na dito lang kami mag-usap sa kotse ko kase kailangang ko ding umuwi mamaya. 

"Hey. Are you okay?" Bungad niya sa'ken. 

Sa tanong na iyon, naiyak na naman ako. Ito yung katotohanang meron ng taong nag-aalala para sa'ken. 

"J-Jacob.."

Niyakap niya ako. "Tell me what happened."

Ikinwento ko sa kanya ang narinig ko kanina sa kompanya ni Oliver. Pati yung mga trato nyang maganda sa bahay. Yung pag-pe-pretend niya. 

"He's asshole. Tch. Iwan mo na siya, Angel. You can live with me. I can help you and your child."

Alam kong 'yan ang sasabihin ni Jacob. Inaasahan ko na 'yan dahil mabuting tao talaga siya. But I can't leave Oliver. Gusto ko pa ring manatili sa poder niya and just pretend that I didn't know anything. Hanggang makapanganak lang naman ako. Kase alam kong 'di naman ako sasaktan ni Oliver hangga't pinagbubuntis ko ang anak niya. Pag naipanganak ko na ang baby namin, don ako mag-de-decide kung aalis ako kasama ang anak ko, o aalis akong mag-isa at hahayaan na sa kanya ang anak namin. 

Months. I think kaya ko pa naman syang baguhin eh. Susubukan kong palambutin ang puso niya. Kung hindi ko magawa hanggang makapanganak ako, I have no choice but to leave and show him kung ano ang sinayang niya. 

"No, Jacob. I'll stay with him."

"You're unbelievable. Sinasaktan ka lang niya, Angel. He's not worth of your tears."

"I love him, Jacob.."

"Yes, you love him but accept the fact that he's just pretending. Nag-pe-pretend siya na mahal ka niya, na okay kayo, na nag-aalala siya para sayo? Damn. Tanggapin mo ang katotohanang anak nyo lang ang pakay niya sa'yo."

"K-Kahit na, Jacob. Kahit na. Malay mo magbago pa naman siya. M-Malay mo.."

One Night Stand (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon