Epilogue

520K 10.8K 2.4K
                                    

Epilogue

"Ge..guw. Gegow? Ugh, no. Ga...go. Gago!"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabing iyon ni Van Angelo. Agad ko siyang hinarap na abala sa kaniyang iPad. Nakasuot siya ng headset at mukhang may kausap siya sa roon.

"Van Angelo?"

Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Abala pa rin siya sa iPad niya na ngayon ay ngumi-ngiti-ngiti na siya. Nababaliw na ang anak ko.

Saglit kong sinilip ang screen ng iPad niya at sumimangot ako nang makita si Drei--kaibigan ni Oliver. Madalas noon dito sa bahay si Drei kaya naging ka-close nito ang makulit, masungit at madaling maka-pick up ng mga words na anak kong si Van Angelo. He's four years old now and sa tingin ko naman ay maganda ang pagpapalaki namin sa kaniya.

Pero ngayon..

Hinila ko ang earphone na nakakabit sa tainga ni Van nang minuto nakita kong si Drei ang kausap niya. Iyong lalaking iyon kung anu-anong tinuturo sa anak ko.

"Mom!" He almost shout at me. Tingnan mo 'tong batang 'to.

"What did you say? Anong tinuturo sa'yo ni Tito Drei mo?" I asked.

Pinindot ko ang button sa gitna ng iPad ni Van para ma-out 'yung skype. Kailangan kong pagalitan muna 'tong si Van. Magsalita ba naman ng 'gago'.

"Gago. He teached me the word, gago."

Napa-pokerface nalang ako. One thing I like about my son is, he's not fond of lying. Isang tanong, isang sagot siya.

"Don't you know that word is bad?" I asked him.

He showed me his confused look. "But Tito Drei said that it's a good word. He said, I can use it if someone tries to bully me."

Drei talaga oh! "Don't say that word. Okay?"

"No, Mom. Neririnig kow den po siya kay Daddy eh."

Natutuwa ako minsa kapag nagtatagalog si Van. Medyo slang pa. Pagkatapos kasi nang nangyari sa pagitan namin ni Lena ay napagpasyahan ni Oliver na tumira muna kami ng States kahit three years lang. And there, doon na talaga lumaki si Van kaya more on english siya. Mag-i-isang taon palang kaming namamalagi muli dito sa Pilipinas.

But, wait. "Naririnig mo sa Daddy mo?"

He nodded. "When he's drinking with Tito Drei, Tito Lyndon, Tito Jerome and the whole gang, I always hear them saying gago to each other."

Napahawak ako sa sentido ko. Natural naman na kasi iyon kina Oliver. Jusko! Ang anak ko, kabata-bata baka magmana sa mga ugali ng mga kaibigan ni Oliver.

"Pero bad pa din iyon, anak. Mga matatanda na ang pwedeng magsalita ng ganoon. Bata ka pa and you're not allowed to use that word. Understand?"

He pouted his lips. Ay nako! Ayan na nga ba eh. Nagpapa-cute. Ganyan iyan kapag nasasabihan. Nasabi ko na bang napaka-gwapo ng anak ko? Mata lamang ang nakuha niya sa akin but his whole face features, kay Oliver lahat. Pati nga ugali. Magkasundong-magkasundo silang mag-ama sa halos lahat ng bagay. Minsan nga napapahiling ako na magka-anak ulit ng babae naman. Pero hindi muna talaga namin sinundan si Van kasi sabi ni Oliver, mas maganda kung may ilang taon na pagitan. Isa pa, naging busy talaga sa kompanya si Oliver noong nasa States kami. May company din kasi siya doon na namana niya sa magulang niya.

Speaking of my husband, he's on his way home galing Angel's Restaurant. Mas lumaki na iyon ngayon dahil pina-renovate namin. And yes, ako na ang huma-handle niyon dahil para sa'kin naman daw talaga iyon sabi ni Oliver. Dumaan lamang siya roon para i-check ang restaurant. Galing siyang kompanya. Hindi kase ako makaalis kanina para pumunta sa restaurant dahil kay Van. Ewan ko ba sa batang 'to, Daddy niya ang kasundo niya sa lahat ng bagay pero sa akin siya humahabol at ayaw niyang umaalis ako ng bahay.

One Night Stand (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon