Chapter 10

708K 11.1K 1.7K
                                    

Angel POV

Ginugol ko ang oras ko sa trabaho. Sobrang sama ng loob ko dahil sa kamalasan at pasakit na naramdaman ko kagabi at syempre ang pagtatapang-tapangan ko kaninang umaga kay Oliver.

Kung ide-describe ko lang kung gaano ako kagalit sa kanya? Ah, shit! Tipong gusto kong pukpukin ng martilyo ang babasaging bote hanggang maging kasinglaki ng molecules yung bubog. Psh.

"Andyan na naman sya." Bulong ni Cindy. Isa pang waitress na kapalagayan ko naman ng loob. Mababait naman ang mga empleyado dito kaya masaya rin ang pagta-trabaho ko.

Pero di ko pa din maiwasang sisihin ang sarili ko ba't na-suspend si Jacob. Ang bait bait pa naman nya sa'ken. Wala naman akong magawa dahil walang puso talaga ang asawa k--si Mr. Ynarez pala. Hindi ko dapat sya tinatawag na 'asawa ko' like, what the hell. Baka dapat 'asawa ko sa papel', better.

Nag-angat ako ng tingin at yes, nandito na naman nga. Ang girlfriend ni Mr. Ynarez. Hindi ko lang alam kung nandito si Oliver. Dahil di naman sya dito dumadaan sa entrance ng restaurant. At hindi pa din sya bumababa dito. Siguro dahil ayaw nya akong makita? Baka nga. Sinagot sagot ko ba naman sya kaninang umaga.

"Girlfriend eh." Sarkastiko kong bulong kay Cindy. Nandito kami sa may counter eh. Nakatayo habang naghihintay ng orders na ise-serve.

Naupo sya sa isa sa mesa malapit dito sa counter.

"O-order yata. Lapitan ko ba?" Tanong ni Cindy.

"Ikaw. Lapitan mo." Sagot ko. Alangan naman ako? Baka isampal ko pa sa mukha nya ang menu. Dahil sa kanya kaya nananakit ang balakang ko. Dahil sa pagtulak saken ni Oliver kagabi nung ginawa ko yung ginagawa nya kay Oliver. Magsama sila.

Lalapit na sana si Cindy nang bigla namang pagbaba ni Oliver mula sa taas--sa private office nya. So andyan pala sya. Di nya lang siguro feel na bumaba dito kanina. At bongga lang, sya pa ang sinusundo ng babae nya. Desperadang babae.

Ako kahit mahal ko 'yang gagong Oliver na 'yan, hindi ako magpapakatanga sa kanya. He's not worth loving for.

"Hey baby." Bati ni Oliver. Tumayo naman agad si girlfriend at jusko, pumulupot agad sa leeg ni Oliver ang mga kamay. Ahas lang 'te?

Psh. At sunod? Syempre nag-torrid kiss sila. In front of us, mga employees. Yung mga kumakain, wala namang pakialam ang mga 'yan saka di naman nakatingin sa kanila. Sa may malapit naman sila dito sa counter eh.

"How's your day?" Tanong ni girlfriend kay Oliver. Nakatayo pa din sila dito malapit sa counter. Nananadya lang? Kahit ayoko silang panoorin at pakinggan, no choice naman. Malapit sila eh.

"I'm fine. Medyo may inayos lang ako. Where do you want to go today?" Sweet na tanong ni Oliver habang nakahawak sa waist nung girlfriend nya.

"Anywhere, honey. Basta kasama kita." Malanding sabi ni girl.

Kahit saan daw? Dalhin nga sa sementeryo yan at ilibing ng buhay. Psh. Am I being harsh? She deserves it. Isa sya sa dahilan kung bakit ako nasasaktan. Bakit? Simple lang. Dahil nagseselos at naiinggit ako sa kanya.

"Okay. Anywhere. I'll make you happy today. Let's go?" Sabi ni Oliver.

Aray ha. Nasaktan na naman ako. Parang may pumitik lang sa puso ko. He'll make her happy? Buti pa sya. Buti pa talaga siya. Dahil ako? He always makes me cry. And he never did make me happy kahit konti lang.

"Okay!" Masayang sagot ni girlfriend at naglakad na sila palabas ng restaurant.

Aaminin ko, gusto kong maiyak na naman pero kailangan kong pigilan. Ano pa bang aasahan ko 'di ba? Edi ang umiyak araw araw sa sakit dito sa letseng puso ko.

One Night Stand (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon