I. Kung anong klase ako.

126 8 3
                                    

IWFI: part I

--

"Hi miss, can I sit beside you?"

Isang boses ang narinig ko mula sa likuran ko at nataranta akong mag isa.Sino naman kaya tong kumag na to? Isip isip ko.Agad naman akong tumalikod para tignan kung sino nga yung kumag , at nang nakita ko ay bigla nalang akong nandiri.

"Bawal akong tabihan ng mapanget na katulad mo.Mukha kang jejemon." Seryosong sabi ko and I don't care if I hurt his feelings kasi totoo naman sinabi ko, mukha siyang jejemon!

"Jejemon?What's that?" Nagtatakang tanong nito at agad ko naman siya pinanlisikan ng mata.

"Ha? Di mo alam kung ano kang klase? At pa English English kapa ha!Anong akala mo saken bobo?!" Galit sa tonong sabi ko
At nakita ko siyang nakakunot noo na talagang di niya alam kung anu ba yung jejemon.

"Sorry,transferee kasi ako dito.Galing ako ng California at naghahanap ako ng kaibigan.Gusto sana kitang maging kaibigan dahil nakita kong nag iisa ka lang,pero you treat me like an ewan na nandidiri kapa sakin..sige salamat nalang.."

Papatalikod na siya nun at na fifeel ko yung guilt sa katawan ko na napakasama ko para ganunin siya.Kita ko na sumakay siya sa isang magarang kotse at umalis na.

--

"Cristina! Maghugas ka at nakatambak na lahat ng huhugasan jan sa lababo! Dalian mo!"

Si mama yon, queen of bungangera,Pero mahal ko yan kahit pinagagalitan ako.

Nagsimula naman akong pumunta sa lababo para hugasan ang mga pinagkainan na kahapon pa nakatambak.

"Dalian mo jan at magbabayad pa ako ng kuryente.Mapuputulan na tayo putagris naman oh!"

Laking skwatter ako kaya ganun nalang kung makapagsalita si mama.

May pagkamaarte ako kahit ganito ang uri ng pamumuhay namin.Si papa iniwan kami.Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay samin,babae ang pangalawa at lalake naman ang bunso.8 yrs. Old si Clarisse at 6 yrs. Old naman ang pinakamamahal kong bunso na si Kian.

Nag aaral ako sa isang napakalaking school dito samin.Ang tita ko ang nagpapaaral sakin.Mayaman si tita na kapatid ni mama.Kami lang sa magkakamag anak ang napag iwanan ng kayamanan.Wala pa rin akong pakealam dahil kuntento na ako sa ganito, pero minsan ko ring pinangarap na magkaroon ng maayus na buhay.

Tapus na akong maghugas at 1 pm ang pasukan ko, 11:30 na kaya kailangan ko ng maligo.Yung dalawa kong kapatid ay pumasok na rin.1rst yr. College na ako.

"Ma alis na po ako.." pagpapaalam ko kay mama at nakita ko naman na wala siyang pake.Sanay na ako.

Nag jijeep ako papuntang school.Isang sakayan lang mula sa bahay namin.

Nakarating na rin ako.Wala akong kaibigan dahil walang gustong kumaibigan sakin.Nalulungkot ako,pero sanay na ako.
Puro kasi sila mayayaman.Basta mayaman kakaibiganin din nila dapat mayaman.

"Anjan na yung maarteng skwatter."

Narinig kong bulong ng mga babae sa gilid ko na nakatayo.

"Di siya bagay rito."

Sabi pa nung isa.Nagpipigil ako sa galit dahil ayaw kong lumaban kasi wala naman akong kalaban laban sa yaman nila.

Dumiretso na ako sa loob ng room at as usual mag isa ko pa rin.

"Miss kamusta na yung gulong sa taas ng bahay niyo?" Sabi nung isang lalake na kaklase ko.Hindi ko nalang siya pinansin.

FEW HOURS LATER

Tapos na ang discussion at as usual ay mag isa ko nanaman sa labas ng room.

Naalala ko yung tumabing mukhang nerd na jejemon kahapon.
And speaking,nakita ko siya kasama mga kaklase niya na POGI,huwaaaat?! Imposible! Isang nerd na jejemon ang magkakaroon ng mga barkadang super sa pogi,as in...Eh sila yung pinagkakaguluhan dito.Hmmm,Baka naman matagal na niyang kaibigan..pero tandang tanda ko yung sabi niya kahapon na bago palang siya...aist, bat ko ba pinoproblema yun.Makapunta nga sa university canteen namin para bumili.

"Pabili nga po ng isang mamon at fruit soda,yung lemon flavor po."

Binigay naman sakin yung mamon at soda tsaka ko inabot yung bayad at umupo na.

"watda napaka cheap talaga ng babaeng yan kahit kailan."

Narinig ko na bulungan nung mga babae sa side ko at di ko nalang pinansin.Araw araw ganyan laging naririnig ko,ang panglalait sakin.Minsan napanghihinaan na ako ng loob pero Go parin dahil wala namang maitutulong sakin ang mga yan.Andito ako sa school para mag aral, e sila..andito sa school para magpasikat at manlait!

"hi miss, tabi ako ha?"

Tumingin ako sa nagsalita at wow, ang isa sa varsity ng football dito sa school.Napakagwapo niya.

"Ah sige upo ka." Nakangiting sabi ko, landi landi din pag may time hehe.Mainggit yung mga nakatingin samin ngayon, ano ngayon sila?! wahahaha.

"Thanks.Wala na kasing vacant seat dito kaya no choice." Seryosong sai nito.Potek.Choice lang pala ako.Isip isip ko.

"ok." Tipid ko namang sagot.

Kumain siya at ganun din ako ng walang imikan hanggang sa umalis siya ng di man lang nagpapaalam sakin.Wow magpapaalam talaga sakin,feeling close lang?

Nakakainis dahil isa lang akong basura dito sa school, nag eexist nga pero balewala pa rin.

--

Author's POV:

Hello :) Hope you'll support this story.
Vote and comment if you like :)

bubblegirl1330

The next chapter will be published soon :)

If we fall inloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon