V. Mga Tingin.

50 5 0
                                        


IWFI:

--

"Okay ka lang?" Tanong ni Rick dahil mukhang napansin niyang pinagtitinginan ako ng mga fans nilang tatlo ni Dave at Fred.

"Okay lang." Sagot ko.Nakakailang kasi kasama ko sila at panigurado magtataka yung mga minamaliit ako.Naglalakad kasi kami ngayon papuntang GYM at may game sila.Kailangan ko daw manood.

"Did you enjoy our trip yesterday?" Tanong ni Grey.

"Oo naman,masaya nga e." Sabi ko.

"Oh kami bahala sayo ha?Hayaan mo yung mga taong nakatingin sayo." Nakangiting sabi ni Rick.Why so bait?

"S-salamat." Nauutal kong sabi.

"Mainggit sila sayo!" Sabat naman ni Fred.Kahit kailan piling talaga to haha.

Nakarating na kami sa GYM at sa baba ng bleachers kami nakaupo ni Grey.Hindi naman kasi siya varsity at buti nalang para may kasama akong manood.

Nagsimula na ang game,pinagpapawisan na agad yung mga brad ko.

Napatingin ako nang tumayo si Grey.

"San ka punta?" Tanong ko.

"Anong gusto mong pagkain?" Tanong niya.

"I'm craving for chicken joy!" Pagbibiro ko pero mukhang sineryoso niya.

"Okay just wait me here I'll buy lang ha?" Sabay kumaripas na siya ng takbo.

Ilang araw akong napapaisip,bat ang bait niya sakin?Bat mukhang inaalagaan niya ako..bat napaka concern siya sakin.
Hays baka ganun talaga ang kaibigam,sabagay ngayon ko lang naranasan magkaroon ng real friends.

"Hey..." may mga tumabing babae na putok na putok ang make up.Saan ba makikiparty tong mga to e asa school kami.Hayss ..

"Bakit?" Kunot noong tanong ko.

"Ang kapal ng mukha mo!" Galit na sabi nung babaeng sobrang pula ng lipstick.

"At baket?" Taas noong tanong ko.Alam ko namang dahil to sa mga varsity.

"Nagtanong kapa!Kapal ng mukha mo para dumikit dikit sa mga campus varsity at hearthtrob."

Inismiran ko naman siya."Excuse me.." sabay akong tumayo."SILA ang lumapit sakin." Nakangiting sabi ko.

"WTF!Really?!Kapal mo talaga!Mahirap kana nga ganyan ka pa umasta!" Sabat nung isa na mukhang coloring book ang mukha.

"Mahirap ako,Oo..pero totoo ang sinasabi ko at totoo akong tao hindi tulad niyi na mapagpanggap!" Inis kong sabi at nakita ko naman na akmang sasabunutan niya ako kaso --

"Alam niyo ba yang ginagawa niyo?" Boses ni Dave yon.

"Anong klaseng babae kayo?" Sabat naman ni Rick.

Nakita ko naman na napanganga yung mga babae na mukhang payaso.

"From now on please inform to everyone na walang sino man ang pwedeng pumalit dito sa babaeng to." Si Grey yon na kararating lang.Napakatapang na Nerd naman neto.

Tumango tango naman yung mga babae tapos nagsitakbuhan.Ano sila ngayon?Pwe!

"Are you okay?" Tanong ni Fred at tumango naman ako.

--

CLASSROOM-

Goodbye and thank you sir.

Dismissal na.Inaayos ko na yung bag ko nang-

"Hoy!"

Isang boses ng babaeng napakatapang ang narinig ko.

"hooooy! Lumingon ka!" Sabi nito.Aba inuutusan ako?!

Lumingon ako para manahimik na siya nang biglang-

*Booogs.*

"Aaraaaaaay!" Singhal ko dahil binato ako ng nailcutter niya.

Hinawakan ko ang pisngi ko dahil ramdam kong mahapdi at nagulat nalang ako nang may dugo na mga kamay ko na galing sa pisngi ko.

Sabay sabay silang nagtawanan at iniwan ako.

Nakasubsob ako ngayon sa desk ko at umiiyak.

"Bakit ganun sila?Anong ginawa kong mali? Dahil ba mahirap ako? Ano bang mali sa pagiging mahirap? Hindi naman ako mamamatay tao,hindi ko naman sila inaano.."
Hindi pa rin ako magsitigil sa pag iyak hanggang sa naramdaman ko nalang na may pumasok at naramdaman kong tinatapik ang likod ko ng ilang kamay.

Tumingin ako kung sino man sila kahit puno ng luha ang mukha ko.

"Kayo?" Agad ko namang sinabi nang makita kung sino sila.

"Bat may dugo sa pisngi mo ha?Sinong gumawa niyan?" Aburidong tanong ni Grey."Sino?" Pag uulit niya.

"M-mga..ka-klase ko.." nauutal kong sabi sabay singhot.

"Lagot yung mga yun saken!" Inis na sabi ni Grey.

"Cristina halika at ipaoagamot natin yan sa clinic." Sabi naman ni Dave.

"Wag na.Okay lang." Sabi ko naman.

"Alam mo kung bat ka nila ginaganyan?" Tanong ni Rick at napatingin naman ako sakanya.

"Baket?" Interesadong tanong ko.

"Maganda ka.Kaya inaapi ka nila kasi alam nila wala kang laban.Insecure sila sayo.Walang magawa yung mga yun." Paliwanag nito at napatigil ako sa pagluha.

"Maganda ka Cristina,walang halong biro." Si Fred naman yon na nakatitig sakin.

Napatawa naman ako ng mahina. "Hehe kayo talaga,pinapatawa niyo lang ako para tumigil na ako sa pag iyak." Katwiran ko at seryoso pa rin sila.

"Hindi,totoo naman talaga e." Sabat ni Dave.

"Ohsya.." sabay punas ko ng luha ko."Tara na." Pag anyaya ko.

"Hatid na kita Cristina." Pahabol ni Grey.

"P-pero..." hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil bigla niya itong pinutol at nagsalita.

"Pero?walang pero pero dito."

Tumayo naman na ako at lumarga na kami.Ngayon lang ako nagpahatid kay Grey at ngayon niya lang din makikita ang bahay naming skwatter.

Nagpaalam naman na si Dave,Rick at Fred dahil gigimik daw sila.

Nakasakay ako ngayon sa kotse ni Grey at siya ang nagdadrive.

"Pasensya na sa maaabutan mo sa bahay." Pagbabasag ko ng katahimikan.

"Wala yun." Simpleng sagot nito."May dalawa kang kapatid diba?" Dagdag nito.

"Oo,nasabi ko na sayo diba?" Sagot ko.

"Ah oo,gusto ko silang makalaro." Seryosong sabi nito.

"Pwede rin." Sabi ko naman

"Pano kung ampon ka?" Tanong niya na ikinagulat ko.

"Ampon?Loko di ako ampon!" Pag dedefend ko.

"Hala,tinatanong lang naman..PANO nga diba?" Sabi naman nito.

"Eeeeeh..di ko alam.Masaya na ako sa pamilya ko."

"Ang kulit mo rin eh,Pano nga?"

"Ewan ko sayo..."

---

If we fall inloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon