IV:Ang sayaaaa

44 5 0
                                    


IWFI:

--

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na rin kami sa parking lot.Sumakay na rin kami sa kotse ni Dave at tamang tama kami sa loob dahil lima kami.Nagsimula na rin siyang magmaneho.Imbes na sa milktea shop kami magpunta ay kung saan saan kami napadpad.Joy ride daw e.

"Cristina baka gutom kana?" Nag aalalang tanong ni Grey.Wow ang sweet.

"Mejo." Sagot ko naman,pero hindi medyo e kasi gutom na gutom na ako.Yung mga bulate sa tiyan ko magiging anaconda na.

"Guise maghanap kayo ng minimart at bili tayo ng snacks." Utos ni Grey.

"Sure boss!" Sagot naman ni Dave na siyang nagmamaneho.

Nang makahanap na ng minimart ay agad nilang pinarking ang kotse.

"Grey,kami nalang bibili.Anong gusto mo Cristina?" Tanong ni Rick.

"Kahit na ano nalang,bahala kayo libre niyo naman e." Sagot ko.

"Anong libre?Kanya kanyang bayad to!" Sabat naman ni Fred.Putek!Dinga?eh wala akong extra na pera dito,,tsk.di nalang sana ako sumama,kanya kanyang bayad pala e,baka pati gasolina nila abonohan..kainis.sabi ko sa isip ko."Hahaha biro lang Cristina!Treat nga namin diba?" Tsaka siya nag peace sign. Ngumiti nalang ako ng peke.

"Okay eto oh." Sabay abot ni Grey ng 1000,grabe barya lang sakanya yon?"kahit ano ha." Dagdag nito at inabot kila rick ang pera niya.

Lumabas naman sina Rick,Dave at Fred sa kotse at nagpagpag ng damit,wow heartthrob talaga.Ang lalakas ng dating,ang babait pa.

"Pano ba yan Cristina tayo lang dalawa dito." Pagbabasag ni Grey ng katahimikan at nanlaki ang mga mata ko.Hayup tong nerd na to,may tinatago! Isip isip ko.

Hinampas ko siya sa balikat niya at napasinghal siya ng .. "aww."

"Ano ka ngayon?" Natatawang sabi ko.

"Tao malamang." Sarcastic na sagot nito."Bat mo ba ako hinampas?" Dagdag nito.

"Eh manyak mo!" Inis kong sabi.Narinig ko namang napatawa siya."Baket?" Nagtatakang tanong ko.

"Ang ibig kong sabihin dun tayo lang dalawa kaya magkwento ka..ayus ba sila?" Pagpapaliwanag nito.Yun naman pala e.

"Oo,mababait pero mga loko." Sabi ko. "Pano mo sila naging kaibigan?" Dugtong ko.

"Actually matagal ko na silang kaibigan..." sagot nito.

"Pero diba sabi mo dati gusto mo magkaroon ng friend?Eh meron kana palang mga kaibigan dito."

"Ahh.. eh, tama na nga ang tanong sumasakit ulo ko." Sabi naman nito.Hala ano problema sa tanong ko? Ang simple ayaw pa sagutin..tsk.

"Okay." Tipid kong sagot.

A FEW MINUTES LATER-

Nandito na sila,grabe ang daming supot ng pagkain at drinks.

"Bat ang dami ?" Tanong ko.

"Because we've decided to have a picnic!" Sagot ni Rick.

"Ha?Saan?" Tanong ko.

"Tagaytay!" Sagot naman ni Dave at iniandar na ang kotse.

Di na ako umimik nun,malapit lang naman samin e,3 hours. 10 am palang naman.

Ang ingay ngayon sa loob ng sasakyan,nag sa soundtrip sila tas sinasabayan nila.

After ng ilang oras na biyahe,sawakas at narating na rin namin ang picnic groove dito sa tagaytay.Ang ganda ng view..kahit saan ang daming nagpipicnic.

"Tara doon tayo oh maganda dun." Sabi naman ni Dave at pumunta naman kami sa pwesto na itinuro niya.

Inihanda na rin nila yung snack at inilapag yung tela.Wow ready talaga ah.

Umupo naman na kaming lima at binuksan ang mga pagkain.

"Oh kuha ka lang ha." Sabi sakin ni Grey sabay abot nung chichirya.

"Oo wag kang mag alala." Sagot ko naman.

Apat na oras na kwentuhan

Apat na oras na tawanan

Apat na oras na kantahan

Apat na oras na Kasiyahan..

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa mga tunay na kaibigan.Ang saya ko... yung saya ko walang katumbas..at sana maulit muli ito.

--

Author's POV:

Hi guys ;) Uso po mag vote and comment :)

@Bubblegirl1330

If we fall inloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon