IWFI:--
Nakarating na kami ng bahay at wala naman siyang reklamo.
Wala si mama at ang nasa bahay lang ay mga kapatid ko."Ate sino siya?" Tanong ni Clarisse.
"Ah kaibigan ko,siya si Kuya Grey." Pagpapakilala ko.
"Hi,anong pangalan mo?" Tanong ni Grey na nakayuko para lang makausap si Clarisse.
"Ako po si Clarisse.Kuya Grey ka diba?" Sabi naman nito.
"Oo." Nakangiting sagot ni Grey.
"Teka langa ha,maghahanda lang ako ng meryenda." Pagpuputol ko sa pag uusap nila at tumango naman sila bilang pag sang ayon.
Nang maihanda ko na ang meryenda agad akong pumunta sa maliit naming sala at nakita ko si Grey na kalaro ang dalawa kong kapatid.
"Close mo na sila ha." Nakangiting sabi ko.
"Naman.May kapatid kasi ako.Naiwan sa Britain." Sabi nito.Wow,nasa ibang bansa pala pamilya niya,di na nakapagtatakang mayaman ito.
"Ah ganun ba." Sabi ko naman.
Ilang minuto pa ay dumating na si mama.
"Cristina!Kaninong kotse yung nasa labas?" Sigaw nito hindi pa nga nakakarating sa loob ng bahay.
"Pasensya na maingay si mama." Bulong ko kay Grey.
"Naku okay lang,gusto ko ng makilala mama mo." Sabi naman nito.
Nang makapasok si mama ay agad siyang binati ni Grey.
"Magandang tanghali po." Sabay tayo at yuko nito.
Nakita ko naman sa mukha ni mama na napakunot noo.Lord wag po sanang magbunganga si mama ngayon..dasal ko.
"Manliligaw ka ba ni Cristina?" Agad na tanong ni mama.Anak ng... bat yun pa tanong sabi ko sa isip ko.
"Mama hindi po.Kaibigan ko po siya." Pangangatwiran ko.
"Ah kala ko pa naman..sige kumain kana jan.Eto may dala pa akong barbeque,kainin niyo na." Sabi samin ni mama.Aba bat ang bait ni mama? HIMALA.
"Salamat po tita." -Grey
"Pasensya na sa munting bahay namin." -mama
"Okay lang po,walang problema tita." Sagot naman ni Grey.
Pinapanood ko si Grey at mga kapatid ko na naglalaro at mukhang aliw na aliw sila.
"Kuya bat may bakal sa ngipin mo?" Tanong ni Clarisse at tumawa naman kami ni grey.
"Bakal ba to? Clarisse,ang tawag dito brace." Pagpapaliwanag ni Grey.
"Parehas din naman yun e." Sabay pout ni Clarisse at pinisil naman ni Grey ang pisngi nito.
"Ang cute mo." Sabi ni Grey.
"Mas cute ate Cristina." Sabat naman ni Kian na ngayon ko kang narinig nagsalita.
Tumingin naman sakin si Grey at nginitian ko ng wagas.
Matapos ang ilang oras niyang pakikipaglaro kila kian at Clarisse ay pinauwi ko na siya dahil baka magabihan,delekado eh.
"Salamat." Sabi ko.
"Wala yun,sana maulit ulit." Sabi naman nito.
"Teka.."
BINABASA MO ANG
If we fall inlove
Rastgelepansin kong may kakaiba sakanya.. naging mabait siya sakin.. pinakilala niya ako sa mga kaibigan niyang varsity at hearthrob ng University.. pinagtanggol nila ako sa mga umaapi sakin.. pero isang araw nabago ang lahat .. .. .. .. nabago ang lahat...