IWFI.--
Nakakainis dahil isa lang akong basura dito sa school, nag eexist nga pero balewala pa rin.
Patuloy parin ako sa pag nguya sa kinakain ko.Napapaisip.Napapatulala.Gusto kong umiyak pero bakit ngayon pa?
"May katabi ka ba?"
Nataranta ulit ako nang may magsalita mula sa likuran ko.Oo no choice nanaman to isip isip ko.Nilingon ko siya at nanliit ang mata ko nang malaman kung sino siya.
"Hello?" Sabay wave ng kamay niya sa mukha ko. "May katabi ka ba?" Pag uulit niya.
"Wala."Simpleng sagot ko.Obvious naman na walang gustong tumabi sakin.
"Can I sit here?" Tanong niya.
"Sige." Sagot ko.No choice e.
Isang nerd na jejemon ang kasabay kong kumakain ngayon.Ang daldal niya.Sa sobrang daldal niya e di ko na siya naririnig at nabibingi na ako.
Kung idedescribe ko siya...Naka braces siya na may rubber na color green,ang ayus ng buhok niya pang 1980's, naka nerdy glasses.Pero ayus naman yung porma,pormang jejemon na pinaghalong breezy.Pero di ko talaga bet tulad niya at HINDING HINDI ko magugustuhan tulad niya, heller, mahilig ako sa gwapo noh.Kaso pag napag uusapan kung ano estado ng pamumuhay namin lumalayo sila.
"Bat nga pala wala kang kasama?" Tanong niya at ngayon ko lang narinig ang matinis niyang boses na lalakeng lalake.Pero nerd parin.
"Eh ayaw nila sakin." Sagot ko naman.
"Bakit?" Tanong niya ulit.Syete ang daming tanong.Bat ba hindi niya kasama mga barkada niya ngayon?Baka ayaw din siguro siya? No way! Ayaw kong makasama ang isang tulad niya!
Agad naman akong tumayo. "Alis na ako.Masyado kang matanong." Inis kong sabi tsaka na ako umalis.
Bakit ko tinataboy ang taong gustong kumausap sakin? Ang taong gusto akong tabihan? Eh diba yun ang gusto ko,ang kaibigan? Pero ayaw ko siya.
--
4:30 PM
(Dismissal)Uwian na namin.Nakita ko naman yung nerd na papalapit sakin.Ha?Teka,dito mismo saken? ... .. ..
"May kasabay ka ba?" Tanong niya na nasa harapan ko na ngayon.
"Diba nga walang gusto akong kasama?Bat ba ang kulit mo?!" Iritableng sagot ko.Kakasabi ko lang kanina e.Tsk.
"Hatid nalang kita." Seryosong sabi nito.
Ang daming tanong sa isip ko.Bat ako?
"Pano mo nasasabi yan eh di pa tayo ganun ka close? Tsaka alam kong mayaman ka,mahirap lang ako kaya wag mokong kinoclose." Dahil ayaw naman talaga kitang kaclose.
"Kaya nga e,I want to know more about you."
Napakunot ako ng noo.
"You want to know more about me?" Tanong ko.
"Yes." Simpleng sagot nito.
"Okay! Mahirap kami,skwatter ako naninirahan.Iniwan kami ng tatay ko.May nanay akong walang pake sakin,tatlo kaming magkakapatid.Tita ko nagpapaaral sakin dito.At isa pa,MAARTE AKO." Buong pagmamalaking sabi ko.Para naman layuan na niya ako.
"Maarte ka pala Cristi-- ops."
Nagulat ako nang mabanggit niya ang pangalan ko.
"Anong sabi mo? Bat mo alam pangalan ko ha?" Nagtatakang tanong ko.
"Ha? Sinabi ko ba pangalan mo? ... ah see, naririnig ko kasi sa mga kaklase ko." Sabi naman nito at naniwala naman na ako.
"Oh pano ba yan, hatid na kita." Dagdag nito."Bat mo ba ako ihahatid ha? Wag ako,iba nalang isakay mo sa kotse mo." Inis kong sabi sabay na akong tumakbo.Buti nalang at di niya tinangkang habulin ako.
--
BINABASA MO ANG
If we fall inlove
Randompansin kong may kakaiba sakanya.. naging mabait siya sakin.. pinakilala niya ako sa mga kaibigan niyang varsity at hearthrob ng University.. pinagtanggol nila ako sa mga umaapi sakin.. pero isang araw nabago ang lahat .. .. .. .. nabago ang lahat...