VII. Masaya kami.

39 3 0
                                        


--

Naramdaman ko nalang na may umakbay saakin.

Hindi ko makita kasi madilim.

Hindi ko din alam kung sino na yung katabi ko dahil nung pumasok kami dito sa room eh madilim na.

Agad ko namang inalis yung pagkakaakbay niya at tumikhim ako. "Ehem." Kunwa'y paubo ko.

Tumayo ako saglit at nag paalam sakanilang mag CCR.

"Mga Brad CR lang ako." Pagpapaalam ko.

"Sige,samahan kita?" Boses ni Dave yon.Pota ang manyak.

"Tae mo,kaya ko mag isa." Irita kong sagot.

"Alam mo kung san yung CR?" Boses ni Grey yon.

"Ah..ano, tatanong ko nalang kay Fred." Mabilis kong sagot tsaka lumabas na ng room.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay tamang tama na paakyat si Fred.

"San ka pupunta?" Tanong nito na may hawak na trey at mukhang madaming pagkain.Kasunod niya yung maid niya na may dalang tatlong bote ng softdrinks na may 1.5 liters.

"Iihi." Nakangiti kong tugon."san pala CR?" Pahabol na tanong ko.

"Dun oh,sa may left.Yung color black na door." Sagot niya.Nagpasalamat naman ako at pumunta na ng cr.

Kakatakot naman pintuan,itim na may design na bungo.

After ng ilang seconds na pag ihi ay pumasok na ako ng room at nakita ko silang inihahanda yung papanoorin at inihahanda rin ang pagkain.

At this time maliwanag na at nakatayo sila kasi nga nag aayos,kaya yon di ko na alam posisyon nila at di ko man lang nalaman kung sino yung hinaYouFuck na nakachansing saking umakbay.

"Ano genre na gusto niyo? Horror,romance,comedy,action..?" Tanong ni Dave.

"Loko,Romance pa ang nais,ang bading non." Sabi ni rick.

"Edi action." Sabat ni Fred.

"FPJ pa ang nais.Baka ma Lito Lapid tayo niyan." Natatawang sabi ni Grey.

Ang cute niyang tumawa.

"Horror nalang." I suggested at napatingin silang apat saken.Anong mali sa sinabi ko? "Oh baket? " nagtatakang tanong ko.

"Horror daw,edi game!" Sabi ni Rick at naghanap na sila ng horror.

"You want exorcist?" Tanong ni Dave.

"Naku wag,baka mag exorcist din si Cristina." Sabat ni Grey.

Aba aba nag jojoke nato,san kaya siya kumukuha ng lakas ng loob para magjoke haha.

Hinampas ko sa Grey sa balikat niya,baka kasi mamaya magkatotoo.Nakakahiya kayang mag exorcist sa harap ng apat na to,anu yun iikot ikot ulo ko ng 360 degree tas yung mga buto ko magkakalas kalas...ayssh.Iniimagine ko palang natatakot na ako.

"I know na." Si Rick yon.

"What?" Tanong ni fred.

"Inscidious." Sagot ni rick.

Title palang nakakatakot na.

"Okaaaay." Sabi naming apat at inihanda na ang papanoorin namin.

Nagsimula na kaming manood.Madilim na at asa gitna nila ako.Tutal lima kami,si Rick,Grey,Ako,Dave at Fred.

Habang nanunood ay padukot dukot kami ng pop corn tas may taccos pa.Ang sarap with matching Nacho's.

"Waaaaaahhhhh!" Sigaw ni Rick.

Syete nagulat ako dun ah.Ang gwapo gwapo sumisigaw ng ganon.Teka bawal ba sumigaw ang gwapo? Ay nako.

Hinampas naman siya ni Dave ng unan.

"Hoy,kakasimula palang." Sabi ni Dave at napatawa kami.

"Practice lang brad." Natatawang sabi ni Rick.

Ang kukulit ng mga to kahit kelan.

..

,..

...

Kami ay kasalukuyang nanunood ngayon at napapapikit nalang ako sa takot,minsan nga tinatakpan ko tenga ko sa sobrang lakas.Mas nakakatakot pa yata yung sound effects kaysa sa pinapanood namin.

Napansin kong etong apat na katabi ko ay walang ka rea reaksyon, naks .. Pogi Moves.

Pagkatapos ng 3 oras at kalahati ay natapos na rin.Muntik na akong maihi sa salawal ko.

Ubos na rin ang pagkain namin.

"Natakot ba kayo?" Tanong ko.

Umiling naman sila ng sabay sabay.

"Wow,tapang niyo ah." Bilib kong sabi sakanila.

"Teka parang may mapanghi." Pagsisingit ni Dave.Syete anong mapanghi pinagsasasabi niya.

"Cristina?" Kunot noong tinawag ako ni Fred.

"Huh?" Nagtatakang tanong ko , at the same time kinakabahan kasi feeling ko nakaihi ako ng kaunti sa sofa. "Nakoooo,hindi ako yung mapanghi! Oo takot ako pero ano e..hindi ako!" Bigla nalang lumabas sa bibig ko.Ayst.di ba ako nag iisip.

"Masyado namang defensive to eh biro lang naman hahahahaha." Sabay humalakhak silang apat at napa 'ewan ko sinyo' look ako.

Niyaya naman kami ni Fred na pumunta sa room niya,grabe napakalaki.Color white at black ang design,parang sa chess lang.

Nakaupo kaming apat sa kama at niloloko loko nila si Grey,the nerd daw haha.

"Grey why so nerdy?" Natatawang tanong ni Rick.

"Rick why so pakealamero?" Pambawing sagot ni Grey.

"Pwedeng patanggal ng shades mo?" Pagsisingit ko at nakita kong nagtinginan silang apat na parang nag uusap gamit ang mata.

"Tanggalin mo daw brad." Sabi ni Fred.

Nabigla ako nang alisin ni Dave ang nerdy glasses niya at nagulat ako nang makita ang buong mukha niya, mas pogi pala siya dito sa apat.Ang ganda ng mata niya,ibang iba siya pag nakasalamin.

Agad namang binawi ni Grey ang salamin niya kay Dave at tinignan ito ng inis look.

"Sorry Brad." Sabay nag peace sign si Dave.Kahit kelan talaga pasaway to.

May nakita ako picture frame sa may lamesa na malapit sa kama at nakita ko..teka, ano to? Bat magkakasama silang apat nung mga bata sila.Kamukha ni Grey yung isa,ewan ko lang kung siya yon,pero parang iba.

"Sino to?" Tanong ko na nakaturo sa frame na hawak ko.

"Ay ako yan,si Dave,Rick at.." biglang naputol yung sinasabi ni Fred dahil agad na sumingit si Grey.

"Woooow,kamukha ko yang isa ah! Pinsan niyo?" Pagsisingit ni Grey.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If we fall inloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon