JUSTICE_
Ren's POV
"Natalie? Lori?"
Bago pa man ako makatayo sa pagkakaupo ko ay binuksan na ang rehas at inalalayan ako ng pulis na pumasok sa loob.
"Laya kana" tugon pa nito.
Pagkalabas ko ay nagkatinginan kami ni lori.
"Oky na Ren, inamin na niya lahat ng kasalanan niya" sambit ni Natalie.
Hindi ko mawari ang nararamdaman ko ngayon, halo halo ang emosyon ko.
Oo, aaminin ko mahal ko pa siya pero nangingibabaw parin ang sakit at galit sa puso ko.
Bago pa man makapasok si lori sa kulungan ay agad na nag pumiglas ang boyfriend niya na si Cion at niyakap si Lori.
"I'm sorry babe" hagulgol pa nito.
"Stop that dramatic moment oky, magkalapit lang kayo ng kulungan" saad ni Natalie. "Sige na pasok niyo na 'yan"
_______
"Aray!" daing ko habang ginagamot ni Natalie 'yung sugat ko sa mukha.
"Tiisin mo" sabay lagay niya ng betadine.
Hindi ko na naman maiwasan na mapatitig sa kanya.
"Anong klasing tingin 'yan? Excuse me, baka isipin mo gusto kita kaya ginagawa ko 'to sayo. Asa mo"
"Ha? H-hindi ko naman naiisip 'yan. Nahihiya na nga ako sayo. Sobra sobra na 'yung naitulong mo sakin"
"Kapal mo maniningil din ako sayo, but for ate raine tulong ko sa kanya lahat ng 'to. I'm sure matutuwa 'yun once na malaman niyang nakulong na si Lori"
Hindi ko alam kung paano ako makakabawi kay Natalie.
Sobra sobra na kasi 'tong naitulong niya sa'kin. Kung wala siguro siya baka sa kulungan na talaga ako tumanda.
Kawawa naman si Ate Raine kung nagkataon 'yun-
"HOY! Ang layo nang narating mo" sabay batok niya pa sa'kin.
"S-sorry natalie-"
"Para kang temang dyan, tara puntahan na natin si Ate raine" kaagad niyang hinatak ang kamay ko patayo pero-
Na out of balance kami at naka patong ako sa kanya ngayon.
*Dug Dug, Dug Dug, Dug Dug.
Ang lakas ng tibok ng puso niya.
"Natalie?"
"Sige tagalan mo pa sa ibabaw ko, jusmeyo! Hirap na hirap na akong huminga. Papatayin mo ba ako?"
Kaagad naman akong bumalikwas nang tayo at napatingin sa kanya.
"Bigat mo, tara na nga" busangot niyang saad sabay talikod nito sa'kin.
P-pero teka, sa kanya ba 'yung narinig kong tibok ng puso?
"HOY!! Ano na"
"Oo na nandyan na"
_______
Natalie's POV
"Yes! Finally, nabawasan ang masasamang tao sa Pilipinas. Akalain mo 'yun. Nag bayad pa ng mga tangang pulis para lang ipalabas na kidnapper si Ren." saad ni Sai habang naka pamewang sa harapan namin ni Sai.
"True" pag sang-ayon naman ni Lucy. "But sis, ano ng level niyo ni Ren?"
"Mga sira, anong level pinag sasabi mo? Kahit 0.1 na level wala ganun sa pagitan namin ni Ren."
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with My Fake Girlfriend
Novela JuvenilMasarap talaga ang mainlove lalo na't sa tamang tao mo ito madarama. Pero sa pagitan nilang dalawa na mag kaiba ang mundo, maaari pa ba itong madama?? [ Ito po ay Rated PG sometimes SPG, hindi yung sexual scene nubakeyo, utak nyo den e nilulumot n...