Chapter 2

13 1 0
                                    

  Same course kami ng bruhang Alison, kaya lagi niya nalang binabantayan sa lahat ng ginagawa ko sa school. Kapag may nagawa ako ay agad nya itong isumbong kai dad, ingit ang bruha! May gusto din kasi sya sa mga barkada ko kaya ganon nalang ang galit nya sakin. Gaya din ngayon masama ang tingin nya sakin habang nag susukat ako sa helmet ng bagong motor ko. Maingit kapa please......

" Thank you tita Mara! "  Pasalamat ko kai tita, she is my auntie kapatid sya ni mommy! Sya din ang namahala sa companya na iniwan sakin ni mom.

" As always my dear! Basta mag aral ka ng mabuti, dahil kunti nalang Ikaw na ang mamahala ng iniwan sayo ng mommy mo."  Right! After my graduation ay ako na ang mamahala sa business namin.

Hindi binigay ni mom kai dad ang mga ari-arian niya, dahil alam nyang walang mapunta sakin pag nawala na sya at magawa talaga ni dad na mag hanap ng ibang pamilya na ginawa nga talaga nya.

" Ingit na naman ang bruha."  Bulong sakin ni tita Mara.

" Wag kanang mag taka tita, lage naman eh! Ano bang pinag malaki nila? "  Totoo naman kasi, without dad they are nothing.

" Wooow, Ducati! Pa try sige na, please....! "  Natawa nalang kami sa kagaguhan ni jasfer, binigay ko naman sa kanya ang susi. Subra pa syang natuwa na parang bata, gagi talaga akala mo namang hindi subrang ganda at mahal ng motor nya.

Naingit kasi ako sa mga kaibigan ko dahil may sarili silang mga motor! Hindi lang basta motor dahil subrang mahal ng mga ito.

Ayaw ni dad na gumamit ako ng motor kaya minsan nakiki angkas lang ako sa mga kaibigan ko, or di ay nang hihiram ako. Kaya naki suyo na ako kai tita na mag pabili.

" I have to go dear, and please be careful! "  Paalam sakin ni tita humarap naman sya sa mga kasama ko.  " Boys take care my pamangks! "  Bilin ni tita sakanila.

" We will ate Mara, prinsesa namin nyan eh! Kaya makaka asa ka samin. Diba mga tol! "  Sagot naman ng pinsan ko tumango naman ang iba, bilang pag sang ayon.  Na touch naman ako sa sinabi nya.

Pag alis ni tita ay napatili ako ng tudo dahil sa saya.

" Wuhhooo!!! Sawakas makaka sabay na ako sa Inyo...!!! "  Sigaw ko, tumawa naman ang mga kasama ko. Marami din ang naka tingin samin, pag tingin ko sa pwesto ng bruha ay wala na ito.

" Akala ko kami ang bibili ng motor mo eh, mabuti nalang miron kana aalis kasi sana kami sa Friday until Sunday eh! " Tinignan ko naman si Justine ng masama.

" So kayo lang, hindi ako kasama? Ganon! "  Pag tatampo ko sa kanila.

" It's not like that, Erica! Plano namin na sa Friday ka sana namin bibilhan. Ayaw kang pabilhin ni tito kaya kami nalang bibili para sayo. "  Sumaya nalang ako sa sinabi ni Clyde.

" Totoo!!!"  Panigurado ko.

" Kailan kaba namin hindi sinama?"  Patanong sakin ni Lander.

" Hehehe.. sige na nga! "  Ngumiti naman ako sa kanila, at binaling sa bago kong motor.

" Careful while you're driving! "  Paalala sakin ni Giovannie at sinuotan ako ng mga proteksyon sa katawan.

Nabigla naman ako ginawa nya kaya hinayaan ko nalang sya.

" Sanaol, ako din tito Giovannie suotan mo din ako jiji."  Pang aasar samin ni jasfer kaya sinamaan sya nito ng tingin.

Umangkas na ako sa motor at subrang saya..jiji subrang sarap talaga sa feeling. This is my dream. Mataas ang motor pro hindi naman ako nahirapan. 5'7 ang height ko kaya walang problema sakin ang pag angkas ng ganitong motor. Habang bumabyahi ay hindi ko mapigilang hindi mapangiti ang saya ko, kahit may motor na ako ay hinatid padin nila ako sa bahay. Para daw maka sure silang maka uwi ako ng ligtas, mga timang talaga.

Princess of the ChaosWhere stories live. Discover now